Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Panitikan 2022

Prelim Notes First


Semester

KAHULUGAN NG WIKA

Henry Gleason (1988) - Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

Bruce A Goldstein (2008) - Ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang tunog at mga simbolo na
nagagamit upang maipabatid ang nararamdaman, kaisipan at mga karanasan ng isang tao

Dr. Pamela Constantino - Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng nararamdaman, isang
instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.

Bakit dapat pahalagahan ang wika? Mawawalan ng saysay ang lahat kung walang wika. Ito ang nagsisilbing
midyum upang maipasa ang kaalaman at karunungan na natuklasan ng sanlibutan sa susunod na henerasyon. Ito
rin ang nagsisilbing tulay upang magkaunawaan ang mga tao. Ika nga “...Makatutulong (ito) sa pagkakaroon ng
mabuting interaksiyon.”

KABULUHAN NG WIKA
KABULUHAN AYON KAY DR. ORLANDO
1. Makasusumpong ka ng karunungan sa pamamagitan ng wika.
2. Sa pamamagitan ng pakikisalamuha gamit ang wika mas mapauunlad ang aspektong emosyonal at kaisipan ng
tao.
3. Nagkakaunawaan at nagkakaisa ang sangkatauhan dahil sa wika.
4. Ang wika ay behikulo ng kaisipan.
5. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
6. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita.
7. Ang wika ay kasasalaminan (o kakikitaan) ng kultura ng isang lahi maging ng karanasan.
8. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumamit ng kakaibang mga salitang hindi laganap.

Sa paanong paraan ito nagiging instrumento sa mabisang pakikipagtalastasan, kapayapaan, at mabuting


pakikipagkapwa-tao? Nagsisilbing tulay at midyum ang wika upang magkaroon ng solidong pagkakaisa at iba
pang position bunga ang mga tao kung magkakaroon ng isang wikang nauunawaan ng lahat. Ika nga “Ang wika’y
mahalagang instrumento ng komunikasyon.”

WIKANG PAMBANSA
 Ang wikang pambansa ang itinuturing na kaluluwa ng ating bansa.
 Nagiging dahilan upang magkaisa tayong mga Pilipino.
 Ayon kay Asim Nawaz Abbassi, isang Pakistan, ang pambansang wika ay pwersang nakatutulong sa
pagkakaroon ng pambansang pagkakaisa.
 Ang wikang pambansa rin ang identidad sa isang bansa at ng lahing nakatira rito.

Ilan ang wika sa Pilipinas? Mahigit 150 wika

BATAS NA IPINATUPAD
KUMBENSIYONG KONSTITUSYUNAL NOONG 1934
 Noong taong 1934, nagpatawag ng pagtitipon ang mga hinalal na delegado mula sa iba't ibang lugar sa
Pilipinas at pinagusapan kung ano ang itatatag na wikang pambansa. Sa kalagitnaan ng pagpupulong,
nagtalo ang wikang katutubo at wikang Ingles. Ngunit, tinaguyod ni Lope K. Santos ang wikang katutubo
sa pamamagitan ng paglagay ng isang pamantayan na dapat ang wikang pambansa ay ibatay sa wikang
umiiral.
 Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934
 Pagpili sa wikang pambansa.
 Lope K Santos < < umiiral na wika sa Pilipinas.
 Manuel L Quezon

1935: ARTIKULO XIV, SEKSIYON 3 NG SALIGANG BATAS NG 1935


 “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay
sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, wikang Ingles at Kastila ang
siyang mananatiling opisyal na wika.”
 Isinulat ni Romualdez ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang
pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na
pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking bilang ng mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang
napiling wika sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. De Veyra.

TAGALOG BILANG WIKANG PAMBANSA


 Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ng dating pangulong Manuel L Quezon ang wikang Tagalog
upang maging batayan ng wikang pambansa base sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa
(ngayon ay KWF).
 Sa pagpasa ng batas na ito, ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon na ang opisyal na wika ng bansa
ay ibabatay sa Tagalog. Ang kautusang ito ay magkakabisa lamang pagkatapos ng dalawang taon, ngunit
ito ay ganap na makikita sa 1940.

1940: KAUTUSANGTAGAPAGPAGANAP BLG. 134


 Nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado.
 Isang Kautusang Tagapagpaganap ang inilabas na nag-utos sa paglalathala ng isang gramatika at
diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Inihayag din na ang wikang pambansa ay ituturo sa mga paaralan sa
buong Pilipinas simula noong Hunyo 19, 1940.

KAUTUSANGPANGKAGAWARAN BLG. 7
 Pinalabas ng Kalihim ng Kagawaran g Edukasyon, Jose E. Romero ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7
na nagsasaad na ang wikang pambansa ay tatawaging Pilipino. Gagamatin ang wika sa mga tanggapan,
gusali, passaporte, diyaryo, telebisyon at komiks.
 Agosto 13, 1959
 Tagalog < Pilipino
 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
 Jose E Romero

SALIGANGBATAS NG1973, ARTIKULO XV, SEKSIYON 3, BLG. 2:


 “Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang namagpapaunlad at pormal na
magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.”
 TAGALOG<PILIPINO<FILIPINO
SALIGANGBATAS NG 1987
 Yumaong dating Pangulong Cory Aquino
 Artikulo XIV, Seksiyon 6
 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

“Napakalayo na nang nalakbay ng ating wikang pambansa upang maging isa itong wikang
nagbubuklod sa mga Pilipino. Marami itong pagsubok na nalagpasan hanggang sa maisabatas
at magamit ng lahat ng mga Pilipino sa nakaraan, sa kasalukuyan, at maging sa hinaharap
upang lalo pa tayong magkaintindihan at mapalawig ang ating pagkakaisa tungo sa pag-unlad
at pagtatagumpay.” (Dayag & Del Rosario, 2016)

BARAYTI NG WIKA

- Barayti; tumutukoy sa uri, kalagayan o kalidad ng pagiging iba-iba


- Iba’t-ibang wika

 Homogeneous – Isa lamang ang barayti ng wika, ginagamit sa isang teritoryo, relihiyon, probinsya at
bansa.
 Heterogeneous – Higit na marami ang barayti ng wika nito, ang mga wika rito ay ayon sa heograpiya,
edad, kasarian.
 Diyalekto –Isang wika pero iba ang punto at tono, sinasalita sa isang tiyak na lokasyon. May
magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan. (Hal. Magkain tayo sa mall, kumain tayo sa mall)
(Hal. Tata = tatay, ama – tatay)
 Etnolek – Nagmula sa etnolingguwistikong grupo, pagkakakilanlan sa pangkat-etniko. (Hal. Vakkul,
Bulanon, Kalipay, at Palangga)
 Idyolek – pansariling paraan ng pagsasalita sa bawat isa. May pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita
ng isang tao sa iba pang tao, batay na rin sa kani-kaniyang indibidwal na estilo o paraan ng paggamit
ng wika. (Hal. Excuse me po ni Mike Enriquez)
 Pidgin – Wikang Banyaga + Wikang Katutubo, walang pormal na estruktura. ‘Nobody’s native
language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman. (Hal. University = Big school)
 Creole – Wikang nagmula sa isang Pidgin at naging sinusong wika sa isang lugar. May pormal na
estruktura,
 Sosyolek – kalagayang panlipunan ng tao (Gay Lingo; upang mapanatili ang sariling pagkakakilanlan
binabago ang tunog at kahulugan ng mga salita) (Coñotic; halong tagalog at ingles, Jejemon;
jejetyping jejespeak numbers simbolo maliit at malaking letra, Jargon; bokabularyo ng mga
natatanging pangkat)
 Register – inaangkop ng isang tao ang uri ng kaniyang wika sa sitwasyon at sa kausap
Bakit mahalagang malaman, tanggapin at igalang ng isang tao ang iba’t ibang barayti ng wikang
ginagamit ng iba’t ibang tao sa paligid? Ang mga barayti ng wika ay mahalagang malaman,
makatutulong ito upang tayo’y higit magkaunawaan.

Sa bawat pakikisalamuha sa iba’t ibang tao magagamit at makatutulong ang kabatiran sa mga
barayti ng wika upang mas lumawak ang pang-unawa sa isa’t isa tungo sa pagkakaisa.  

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

7 TUNGKULIN O GAMIT NG WIKA AYON KAY M.A.K. HALLIDAY SA KANYANG


LIBRONG EXPLORATIONS IN THE FUNCTIONS OF LANGUAGE (EXPLORATIONS IN
LANGUAGE STUDY) (1973)

 Heyuristiko – Nagtatanong at humihingi ng impormasyon sa pagnanais natin matuto at magkamit ng


kaalaman.
 Impormatibo – Tayo ay nagpapabatid at naghahatid ng mga bagong kaalaman at katotohanan sa
pagagamitan ng wika.
 Imahinatibo - Sa pagiging malikhain ng tao ay natural na dumadaloy ang paggamit ng wika sa imahinatibong
pamamaraan.
 Regulatori - Ang wika ay nakapagpapakilos ng sambahayanan maging ng sandaigdigan.
 Pansarili o personal - Naipapahayag ang mga nararamdaman, pangitain, opinyon at pagkatao ng isang
indibiduwal. 
 Instrumental - Nakikiusap, at humihingi ng tulong ang tao gamit ang wika.
 Interaksyon - Nagkakaroon ng tawanan, iyakan at pagkakaunawaan gamit ang wika.

Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan, Susi ito sa pagkakaisa at pagkakaunawaan.”.


Gamitin ang wika nang tama dahil iyan ang magbibigkis sa iyo sa ibang tao. Kung paano mo
ginagamit ang wika, iyan ang maaalala sa iyo ng ibang tao.

You might also like