Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LUNGSOD NG QUEZON) S. S.

JOINT SWORN AFFIDAVIT/ PAGSANIB SINUMPAANG SALAYSAY

Kami, Shirley R. Callos, 48 taong gulang, walang asawa, naninirahan sa 15 A Opal St., Pilar
Village, Lungsod ng Las Pinas , O di kaya Maria Gina C. Dalu, 46 taong gulang may asawa; matapos na
makapanumpa nang naaayon sa saligang batas ng Pilipinas ay nagsasaad ng mga sumusunod:

Kami po ay mga anak ni Benigno C. Callos edad 82 at dating empleyado ng Unibersidad ng


Pilipinas, UP College of Home Economics, bilang Laboratory Technician sa Department of Hotel
Restaurant & Institution Management o sa dating pangalan na HRA. Ang aming ama ay nabigyan ng Lupa
at Bahay sa loob ng U.P. at naninirahan dito nang mahigit na 30-taon (30 years). Ang nasabing bahay na
ito ay nakatayo sa 75-C Ocampo St., U.P. Diliman, Lungsod ng Quezon.

Noong ika-4 ng Oktubre 2012 sa hindi inaasahang pangyayari, ang aming ama ay nagkaroon ng
malubhang atake at sakit na altapresyon o high blood na nagtuloy sa atake serebral (stroke) at iba pang
komplikasyon, at dahil dito ay hindi maigalaw ang kanyang kanan bahagi ng katawan hangang sa mga
araw na ito. Kinakailangan ng mag-aalalay sa kanya sa lahat ng kanyang pangangailangan. Kalakip dito
ang mga larawan ng aking ama noong nasa hospital sya at medical certificate bilang katibayan. Kaya’t sa
kadahilanang ito siya po ay inilipat muna namin sa bahay ng anak nyang si Shirley Callos sa kadahilanan
na doon namin pinagpatuloy ang physical therapy o rehabilitasyon nya kaya doon na muna kami tumira
sa kapatid ko at tuwing katapusan ng linggo kami umuwi sa bahay sa U.P.

Subalit noong petsa ika-23 ng Nobyembre 2016 sa higit kumulang oras na alas-9:29 ng umaga
ay nakatanggap kami ng biglaang tawag galing sa anak ng aking pinsan na nakatira malapit sa aming
bahay. Sinabi niya sa amin na nakita ng mga kapitbahay namin na mayroon mga tauhan ng U.P. Housing
at U.P. Police na pwersahang pinasok ang nasabing bahay namin, sinira ang kandado at kinuha ang mga
gamit na walang anumang abiso sa amin, habang sinasabi sa mga kapitbahay na sila ay napagutusan ng
kanilang nakakataas. Sa panahong iyon ay mayroon pang mga importante at mahalagang mga bagay na
naroon sa loob ng bahay katulad ng alahas ng aking namayapang nang ina at mga perang naitatago pa
doon ng aking ama mga nagkakahalaga ng halos kalahating milyon. Sinira pa nila ang aming bakuran, ito
ay nasa mga larawan kalakip dito.
Na ang salaysay na ito ay aming ginagawa upang maging patunay sa lahat ang aming mga sinabi
dito, at upang maging basehan ito ng aming reklamo laban sa nasabing mga tauhan ng U.P. Housing,
U.P. Police at iba pang mga personalidad na sangkot dito. Dahil sa kanilang ginawang pwersahang
pagpasok sa aming bahay at pagkuha ng aming mga pag-aari ng walang anumang abiso o paghingi ng
aming pahintulot. Dalawang punto ang nais po namin ipabatid sa salaysay na ito; ang mga tauhan ng
U.P. Housing sa aming pagkaka-alam ay wala po karapatan na gumawa ng ganito at ikalawa po ay
nalabag ang aming karapatang pantao.

BILANG PATUNAY, inilagda namin ang aming mga pangalan sa ibaba nito.

____________________

Shirley R. Callos

____________________

Maria Gina C. Dalu

NILAGDAAN AT PINANUMPAAN sa aking harap ngayong ika 28 ng November,

2016, dito sa Lungsod ng Quezon, Kalakhang Maynila.

You might also like