Ayon Kay Rizal, Ilan Ang Patinig Sa Tagalog

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

AYON KAY RIZAL, ILAN ANG PATINIG SA WIKANG TAGALOG?

Ricardo Ma. Duran Nolasco

1. Sa araw na ito ay ginugunita natin ang kapanganakan ni Gat Jose Rizal at


ang kontribusyon niya sa pag-aaral ng ating mga wika. Gusto kong talakayin
dito ang kanyang mga ideya tungkol sa mga patinig (vowel) sa Tagalog.

2. Ayon sa kanyang akda na may pamagat na Estudios Sobre La Lengua


Tagala, mayroong limang patinig sa alpabetong Tagalog, a, e, i, o, u.

3. Ngunit ang pahayag na ito ay may pasubali. Sinabi niya na ang e at o ay


madalas na matagpuan sa panghuling pantig ng salita (e.g. dulo, ubod at
look.) Maaari pa ngang maghalinhinan ang i at e (e.g. mabuti at mabute,
liig at leeg.) Kay Rizal galing ang lahat ng halimbawa. May obserbasyon din
siya na ang pagbigkas sa dalawang pangharap na patinig (front vowels) ay nasa
“intermedya” o gitna ng i at e, samantalang ang dalawang panlikod na patinig
ay nasa intermedya o gitna ng o at u.

4. Kung aalisin natin ang palamuti, ano ang TUNAY na ibig sabihin ni Rizal sa
kanyang mga pahayag? Ano ang implikasyon nito sa ating pagtuturo? Walang
iba kundi ito: bagamat may limang patinig sa alpabetong Tagalog ay tatlo
lamang dito ang makabuluhan. Ang una ay ang a. Ang ikalawa ay ang i at e
na itinuturing niyang isang makabuluhang tunog. Ang ikatlo ay ang u at o na
itinuturing din niyang nabibilang sa iisang tunog.

5. Samakatwid, tatlo lamang ang ponemang patinig sa Tagalog, at ito ay ang


a, i at u. Ang pahayag ni Rizal na ang e at o ay matatagpuan sa dulong
pantig ay nangangahulugan na nasa kumplementaryong distribusyon ang mga
ito sa i at u. Ang halinhinan ng i/e, at o/u nang di nagbabago ang kahulugan
ay ibayong patunay na hindi kontrastibo kundi malayang nagpapalitan (free
variation) ang mga miyembro ng bawat pares.

6. Ang pamatay na ebidensiya ay ang nakagawian nating pagpapalitan ng u/o


at gayundin ng i/e kapag wala ang o at e sa dulong pantig. Halimbawa, ang
salitang babae ay nagiging kababaihan, hindi kababaehan. Ang salitang
tao ay nagiging tauhan hindi taohan. Walang duda, kung gayon, na ang
aktwal na trato natin sa u/o, gayundin sa i/e, ay magkaparehong ponema.

7. Kahit sabihin pa na ang panghihiram sa Kastila at Ingles ay nagpabago na


sa palatunugan ng ating wika, hindi pa rin nito maitatatwa ang katotohanan
na ang Tagalog, sa esensya, ay may tatlong makabuluhang patinig lamang. Sa
makabagong prosa, lima ang patinig na letra, pero tatlo lamang ang ponema.
Matagal na itong alam ni Rizal.

Lungsod Quezon. Hunyo 19, 2022.


1

You might also like