Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

Ika-19 ng Nobyembre, 2019


I. LAYUNIN
A. Pamantayan sa
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting ) tungkol
Pagganap sa kanilang sariling lugar
C. Learning 1. Nabibigyang- kahulugan ang mga salita sa tindi ng pagpapakahulugan (F7PT-
Kompetensi/ IIId-e-14)
Layunin 2. Naitatala ang mga pamamaraan sa pagdadaos ng seremonyang Cañao;
3. Naibibigay ang kahalagahan ng pagkilala sa mga katutubong Filipino na
naninirahan sa Pilipinas.
II. NILALAMAN Kaligiran ng akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao
III. SANGGUNIAN Pinagyamang Pluma 7
1. Gabay ng Guro Curriculum Guide
2. Mga Kagamitan Manila Paper, Marker, laptop, speaker, projector
IV. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain Pagsasaayos ng silid-aralan; Pagtatala ng mga liban; Pagpapangkat sa mga mag-aaral
2. Pagbabalik-aral Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang magbigay ng pagbabalik aral tungkol sa
binasang pabula noong nakaraang araw.
3. Pagganyak Bilang pangganyak na gawain ay magpapakita ang guro ng mga magagandang
tanawin na makikita sa Cordillera Province. Ipapaliwanag rin niya ang demograpikong
lokasyon ng lugar na ito. Pagkatapos ay magpapanood ang guro ng isang video clip
tungkol sa mga Katutubong Filipino na naninirahan sa Kabundukan ng Cordillera
Province.
Mga tanong:
1. Tungkol saan ba ang napanood na video?
2. Bakit kaya ganon ang kanilang pananamit?
3. Ano ang kanilang ikinabubuhay?
Estratehiya 4A’s
A. Activity/ Gawain Ang bawat pangkat ay aatasan ng iba’t ibang gawain para sa panuimulang gawain.

Pangkat 1 (Word Sort)


Ang ikatlong pangkat ay pagsasama-samahin ang ang mga salitang ibibigay ng
guro batay sa kahulugan nito. pagkatapos ng word sorting ay aayusin naman
nila ang mga salita batay sa tindi ng damdamin nito.

Pangkat 2 (Cross word Puzzle)


Ang ikaapat na pangkat ay sasagutin ang crossword puzzle na inihanda ng guro.
Kanilang tutukuyin ang tindi ng pagpapakahulugan sa salitang may salungguhit sa
pangungusap.

PAHIGA
1. Ang tao bang kinakabahan ay maliit o malaking takot na nadarama?
2. Ikaw ba ay nagagalak kapag sobra-sobra ang saya o medyo natuwa ka lamang?
PAHALANG
2.Malakas ba o mahina ang iyak ng isang taong humahagulgol?
3. Ang bumubulong ba ay naririnig ng marami o ng iilan lamang?

2.

1. 3.
Pangkat 3 (3-2-1 Strategy)
Ang unang pangkat ay magtatala ng mga dahilan at pamamaraan na ginagawa
ng mga katutubo sa pagdiriwang ng Cañao.
Mga pamamaraan sa pagsasagawa ng Cañao
_________________________________________
3 _________________________________________
_________________________________________

Mga dahilan sa pagsasagawa ng Cañao

2 _________________________________________
_________________________________________

Kaibahan ng pagdiriwang ng Cañao dati kaysa kasalukuyan


1 _________________________________________

Pangkat 4 (Paggawa ng Dialogue)


Ang ikalawang pangkat ay guguhit ng larawan na nagpapakit ng dialogue
tungkol sa mga kaalamang kanilang matututunan sa pagbabasa ng akdang
Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao.

Rubrics:
Presentation-5
Nilalaman-5
Pagtutulungan-5

B. Analysis/ Ilalahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga awput.


Pagsusuri 1. Kamusta ang inyong karanasan sa pagbuo ng inyong awput?
2. Paano ninyo natukoy kung anong salita ang mayroong mas masidhing
damdamin?
C. Abstraction/ Mga tanong
Paghahalaw 1. Sa inyong palagay, bakit kinakailangan nating makilala ang mga katutubong
naninirahan sa mga kabundukan?
2. Bakit kinakailangang malaman natin ang tindi ng damdaming taglay ng isang
salita?
D. Application/ (Think-Pair-Share/Turn to Your Partner)
Paglalapat 1. Maghahanap ng kapares ang bawat mag-aaral.
2. Ang bawat isa ay mag-iisip ng dahilan kung bakit kinakailangang kilalanin ang
mga Katutubong Filipino na naninirahan sa Pilipinas.
3. Ang kani-kanilang mga sagot ay kanilang ibabahagi sa isa’t isa.
4. Ang guro ay tatawag ng ilang pares para magbahagi ng kanilang napag-
usapan.
V. Evaluation/ Pagtataya Panuto. Sagutin ang sumusunod na aytem isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagsasagawa ng Cañao MALIBAN sa
isa?
A. Pasasalamat sa masaganang ani C. Pagbibinyag
B. Paggaling mula sa sakit D. Pagsumpa
2. Ang mga inihahandang hayop sa pagdiriwang ng Cañao ay nagsisilbing?
A. Paghahandog C. Pamalit sa awit
B. Suhol D. Pambayad
3. Bakit mahalagang makilala natin ang ating mga Katutubong Filipino sa
Pilipinas?
A. Nang maging masagana ang ating buhay
B. Malaman natin ang kanilang mayaman na kultura
C. Lumawak ang ating kapangyarihan
D. Para hindi sila tularan
A. Magkakaroon siya ng maraming kaibigan
B. Magiging pinuno siya ng mga hayop sa gubat
Panuto. Iayos ang mga salita ayon sa intensidad ng kahulugan nito. lagyan ng 1 para sa
pinakamababaw at bilang 3 sa pinakamasidhi.

Sigaw Nagalak

bulong Napangiti

sabi natuwa

VI. Kasunduan Basahin ang akdang “Isang Matandang Kuba sa Gabi ng Cañao” at sagutin ang mga
sumusunod:
1. Sino-sino ang mga tauhan?
2. Ano ang suliranin ng akda?
3. Ano ang bilin ng matandang kuba sa mga tao?
4. Ano ang naging wakas ng akda?
VII. Reflection

VIII.

Inihanda ni Inobserbahan ni

Jenny Mae T. Perocho _________________________


Teacher 1

Si Usman, Ang Alipin

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman. Pinaniniwalaang


nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas at kayumanggi si
Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.
Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng
namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’y malupit at
pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang anyo, nagsagawa siya ng
kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at
maglaho.
Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat ang
mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y mas makisig kaysa sa
sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad
na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.
Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siya
agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binate. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang
amang sultan at nagmakaawang patawarin at pakwalan si Usman.
“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,” ang
pagmamakaawa ng dalaga sa ama.
Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang
anak.
“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.
“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit hindi siya
pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan ng
lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya
ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang
sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong
din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina Usman
at Potre Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultan para
sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa, biglang
lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.
Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang
pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao.
Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa bilangguan.
Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat niyang
tinutulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din si Potre
Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.
Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan. “Mabuhay si
Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre
Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre
Maasita nama’y may mabuting kalooban.
Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay naging
sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.
Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa buong
kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang kabaliktaran ng nagdaang
panahon kung saan namayani ang kapangitan at kalupitan.

You might also like