Filipino 9 Ikalawang Linggo: Sangay NG Mga Pampaaralang Lungsod NG Parañaque

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Parañaque

FILIPINO 9 IKALAWANG LINGGO


KWARTER 1

BATA, BATA PAANO KA GINAWA?


(Nobela mula sa Pilipinas)

Unawain Natin
Halina't samahan mo akong unawain ang isang bahagi ng nobela ngunit bago iyon,
alamin muna natin kung ano at kalian nga ba nagsimula ang nobela.

Alam mo ba na….
Likas na malikhain ang imahinasyon ng mga Pilipino pagdating sa pagsusulat ng
akda. Ang mga akdang ito ay bahagi ng pagpapayabong o pagpapaunlad ng Panitikang
Pilipino. Kabilang sa ating panitikan ay ang mga maikling kwento, alamat, pabula, parabula,
at nobela. Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong Panahon ng Kastila.
Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang
sumusunod na mga akdang banyaga: ang Hudeo Errante (1844) ni Eugene Sue, ang Conde
de Montecristo (1844–1846) at ang La Dama de las Camellias (1848) ni Alexandre Dumas,
ang Les Miserables (1862) ng mga Kastila.

Ang nobela ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang


kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina.
Ang paksa ng mga nobela ay tungkol sa relihiyon, kabutihang-asal, nasyonalismo,
pagbabago at marami pang iba.

Tiyak kong nakahanda ka na, kaya magbasa na muli tayo. Habang ito ay iyong
binabasa, pansinin at suriin ang mga pahayag na initiman sa loob ng teksto.

Ang mga magpipitong taon ay pinagpapawisan na sila sa kanilang toga. Yung isa
ay hindi na nakatiis kaya hinablot niya ang kanyang toga at ginawang pamaypay.
Pinagsabihan ito ng titser at bubulong-bulong na isinalpak ng bata sa ulo niya ang
kanyang toga.
May mga estudyante hindi talaga nakikinig sa sinasabi ng mga guro kaya panay ang
saway ng mga guro. Noong nagsimula na ang patimpalak, ang mga bata ay sinimulan ng
ayusan, yung iba ay sobra ang paglalagay ng make up at bonggang bongga ang kanilang
mga damit. Samantala si Lea naman ayaw niya palagyan ng make up si Maya sa kadahilang
sinisira nito ang kalinisan ng isang batang mukha. Maya-maya ay nagmartsa na ang mga
bata at dinisplay ang kanilang gown at lumakad nang nakapameywang at nagpo-pose
habang sinasabi ng tagapagsalita ang mga pangalan nila na sinasagot naman ng
palakpakan ng mga tao. Panay klik ng mga kamera na sinisingitan pa ng mga kislap ng
mga flush bulbs. May bata namang tinawag na nakagown na kulay ginto at nagkikislapan
ang mga palamuti ang nagpalahaw dahil ayaw umakyat sa stage. Hinatak ito ng kanyang
ina, pinipilit, pinapalo rin. Nagtawanan ang mga tao, nanghinayang naman ang mga ilan.

1
Nagconcentrate na lang si Lea sa pagkuha ng litrato ni Maya. Sa parisukat na lens,
aaminin niyang maganda ang kanyang anak. Nagmana sa kanya. Pero hindi iyon ang
kahanga-hanga rito kundi ang tiwala nito sa kanyang sarili na masasalamin sa kanyang
mga hakbang.Puwedeng mag artista sa paglaki, sabi nga ng iba. Puwedeng maging leader.
Nag-anawns na ang tagapagsalita ng kasunod na bahagi ng programa. Sayaw mula
sa isang grupo ng mga mag-aaral. Ehersisyong sayaw.
Naghuhubaran na naman ng gown ang mga batang kasali sa contest. Ngayon, ang
iniwan nila sa katawan ay ang saplot na bikini. Kinambatan ni Lea ang kayang pamangkin
at mabilis na tinulungan ito ni Ding sa pag-intindi kay Maya. Ang ibang ina naman ay
nireretoke ang make-up ng anak nila.
Isang palabas at balik sa stage ang mga kandidato sa pagka Miss Kinder. Dumarami
na ang mga batang nagmamarakulyo.Ang isa ay nagpoposing nga pero halatang napipilitan
lang. Halatang malapit na umiyak. Karaniwan ina lang ang may gustong mapalaban ang
kanilang mga anak. Gusto ng nanay ang tropeo, gusto ng nanay ang karangalan. May
mga nanay na sinasabi sa kanilang asawa sa ibang bansa na padalhaan sila ng agad ng
milyong dolyar pambili ng gown ng anak na isusuot sa beauty contest. Ika nga kahit ano
pa ang hitsura mo basta ikaw ay nakasuot ng magandang gown at may mga palamuti ay
tiyak maaaliw sayo ang madla. At naisip ni Lea ang batang nakasuot ng magandang gown,
tiyak na nasaktan siya ng kanyang ina dahil hindi manlang nadisplay ang kanyang
mamahaling gown.
Sa sitwasyon naman nila, si Maya mismo ang nagdesisyon na sumali. Ang totoo ay
nagagalit na siya na makita na ipinapagod si Maya sa rehearsals. Hanggang sa huling
praktis hanggang sa mag-umpisa na ang programa kanina, ay gusto niyang i-withdraw sa
contest ang anak . . . gusto na niyang iuwi! May lagnat kasi ito kahapon 38.2. Nag-alala siya
na tumaas pa ito. Kaso desidido talaga si Maya na maging parte ng programang ito. Hindi
ito papayag na ipull-out. Sinsuportahan na lang niya ang desisyon ng kanyang anak.
Nagpakita na ng galing ang mga bata, may tumula, kumanta, sumayaw at tumugtog ng
gitara. Si Maya naman ay tumula at maraming tao ang natuwa.

May mga estudyante hindi talaga nakikinig sa sinasabi ng mga guro kaya panay ang saway
ng mga guro. Noong nagsimula na ang patimpalak, ang mga bata ay sinimulan ng ayusan ,
yung iba ay sobra ang paglalagay ng make up at bonggang bongga ang kanilang mga damit.
Samantala si Lea naman ayaw niya palagyan ng make up si Maya sa kadahilang sinisira nito
ang kalinisan ng isang batang mukha. Maya-maya ay nagmartsa na ang mga bata at dinisplay
ang kanilang gown at lumakad nang nakapameywang at nagpo-pose habang sinasabi ng
tagapagsalita ang mga pangalan nila na sinasagot naman ng palakpakan ng mga tao. Panay
klik ng mga kamera na sinisingitan pa ng mga kislap ng mga flush bulbs. May bata namang
tinawag na nakagown na kulay ginto at nagkikislapan ang mga palamuti ang nagpalahaw dahil
ayaw umakyat sa stage. Hinatak ito ng kanyang ina, pinipilit, pinapalo rin. Nagtawanan ang
mga tao, nanghinayang naman ang mga ilan.

2
Babaan naman ang mga bata upang magsuot ng toga. Mag aabutan muna ng
diploma habang nagdedeliberate ang mga hurado. Isa-isang tinawag ang mga gagraduate.
Sa huli na raw ibibigay ang medalya ng karangalan. Halos lahat ay nasasabik kung sino
ang tatanghaling Miss Kinder ᾽83, pati sila Lea at Ding ay kinakabahan sa resulta. Noong
tinawag na kung sino ang Miss Kinder ᾽83, napalundag si Ding, Lea at pati ang puso ata
nila ay tumalon at nawala sa lugar. Pero syempre di dapat malimutan ang kamera lalong
lalo na sa pagkakataong ito kaso naubusan na siya ng film. May lalaking nagmagandang
loob upang kunan ng retrato si Maya.
Idineklara rin si Maya na honor student, pangatlo sa nakakuha ng karangalan. Dito
sana iiyak si Lea sa tuwa, pero that time e wala na siyang luha . . . kung paanong wala ring
film ang kamera ng lalaking nagmamagandang loob sa kanya, at binayaran na lang niya
ang commercial photographer na gumagala sa school ground para kunan ang mga dagdag
na retrato ang kanyang anak.

Gawain 3ː Nalalaman Mo, Ibahagi Mo!

Panuto: Subukan mong balikan ang iyong natutuhan sa binasang teksto sa


pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan na makikita sa ibaba.

1. Sa iyong sariling pagpapakahulugan, ipaliwanag ang konsepto ng salitang pamilya.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano ipinakita ang pagtutulungan ng pamilya sa akda?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ikaw, masasabi mo bang ganoon din sumuporta ang iyong pamilya sa iyo at sa ibang
pang miyembro ng inyong pamilya?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Bakit mahalagang magkakabuklod ang pamilya sa hirap man o ginhawa?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay, bakit ganoon ang pamagat ng akda? Angkop ba ang pamagat sa
nilalaman nito?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3
Suriin Natin
Alam mo ba na...
Isa sa mga sangkap ng akda ay ang tunggalian na humuhubog sa pagkatao
ng tauhan at siyang nagtutulak sa mga pangyayari sa kuwento, ito ay may apat na
uri.
1. Tao vs. sarili - karaniwan sa tunggaliang ito ay ang pangunahing tauhan
ay kailangang mamili sa paggawa ng tama o mali. Tanging siya lamang
ang makareresolba ng kanyang suliranin.
2. Tao vs. tao – ang suliranin sa kwento ay nasa pagitan ng dalawang
tauhan.
Halimbawa nito ay bida laban sa kontrabida, maaaring dulot ito ng
pagkakaiba nila sa pamantayan ng moralidad, posisyon sa lipunan, o
paniniwala.
3. Tao vs. kalikasan – nangyayari ito kapag ang tauhan o mga tauhan ay
naaapektuhan ng pwersa ng kalikasan.
Halimbawa nito ay pagkakaroon ng bagyo, lindol, pagsabog ng
bulkan, at iba pa.
4. Tao vs. lipunan – ito ay nangyayari kapag lumilihis ang tauhan sa mga
pamantayang itinakda sa lipunan. Nangyayari din ito kapag tahasang
binabangga o binubuwag ng tauhan ang kaayusang sa tingin niya ay
sumusupil sa kanya. Dalawa ang maaaring kahinatnan nito:
magtagumpay o magapi siya ng sinumang kinakalabang sistema.

Tayain Natin
Ngayon ay handang-handa ka na para sa mga pagsasanay. Gamitin mo ang iyong
mga natutuhan sa ating aralin upang masagutan ang mga pagsasanay na mababasa sa
ibaba.
Pagsasanay 2
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang damdaming ipinahihiwatig ng mga
tuwirang-banggit o dayalogo na galing sa mga maikling kuwento. Letra lamang
ang isulat sa bawat patlang.

A. Pagtutol B. Panunuya C. Paniniyak D. Pag-aalala E. Pagpapaliwanag

_____6 . “Sisiyasatin muna kung totoong lahat ang inyong sinasabi. Kung tunay nga,
kayo’y bibigyan ng gawain, ang inyong asawa’y ipagagamot at ang dalawa ninyong anak ay
padadala sa bahay-ampunan.”
(Clodualdo del Mundo, Gutom)
_____7 “Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto niyo’y
sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may
laso o bulaklak.” (Fanny Garcia, Sandaang Damit)
_____8. “Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa kapwa,
kaya lang, talagang malaki na ang ipinangayayat ninyong dalawa.” Paano mo hinarap ang
pagkaulila sa iyong mahal sa buhay?

4
-(Genoveva E. Matute, Jesus, Nariyan Ka Pa Ba?)
_____9. “Maski kapkapan n’yo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing
pagatulgatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinukuha ang inyong pitaka.”
(Benjamin P. Pascual, Ang Kalupi)
_____10. “May dalawang oras na yata tayong naglalakad, baka hindi natin
nalalaman, e, nasa Siberia na tayo.” (Edgardo Reyes, Lugmok na ang Nayon)

Pagsasanay 3
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang nakasaad sa mga
sumusunod na pahayag. Letra lamang ang isulat sa bawat patlang.

a. Tao vs Tao
b. Tao vs Sarili
c. Tao vs Kalikasan
d. Tao vs Lipunan

______11. Hindi makapagdesisyon si Moana. Kailangan niyang mamili kung ipagpapatuloy


niya ang kanyang pag-aaral o magtrabaho na lamang upang makatulong sa kanyang mga
magulang.
______12. Ang sitwasyon sa buhay ni Jordan ay dulot ng maling bintang sa kanya ng kanilang
Kagawad. Nakulong siya dahil humingi ng tulong ang Kagawad sa kanilang Mayor.
______13. Hindi ako kailanman magpapatalo sa kalungkutan.
______14. Sinalanta ng bagyo ang probinsiya ng Tarlac at hindi malaman kung paano muling
makaaahon ang mga taong apektado nito.
______15. Nagdadalawang-isip si Mikaela kung sasabihin niya ba ang totoong pangyayari
dahil kung siya ay magsasalita, maaaring manganib ang kanyang buhay.

Likhain Natin
Ang panonood sa telebisyon ay isang paraan upang tayo ay matuto sa iba’t
ibang aspeto ng ating buhay. Isa sa mga magandang karanasan na ang naidudulot
nito ay ang pagbubuklod-buklod o pagsasama-sama ng mga magkakaibigan, mga
magkakakilala at higit sa lahat ng isang pamilya. Naghahatid din ito ng labis na
kaaliwan sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng palabas. Isa na rito ay ang tinatawag
nating teleserye, kalimitan ito ang ating tinututukan o inaabangan araw-araw lalo na
kapag ang paborito nating artista ang bida sa kuwento. Kaugnay nito, bilang bahagi
ng iyong pag-aaral, subukan mong suriin ang kilos o galaw ng mga tauhan sa paborito
mong teleserye. Tukuyin mo kung anong uri ng tunggalian ang kanilang ipinamamalas
sa tuwing haharap sila sa iba’t ibang pagsubok. Gamitin ang talahanayan na makikita
sa ibaba para sa iyong pagsusuri. Kalakip nito, lagyan ang mga ito ng patunay mula
sa iyong napanood upang masuportahan ang iyong ginawang pagsusuri. Maaari mo
itong gawin kasama ang iyong pamilya upang matulungan ka sa gawaing ito.

5
Pamagat ng Teleserye

Pangyayari mula sa teleserye Uri ng Tunggalian Patunay

RUBRIKS SA PAGMAMARKA

Pamantayan Marka/Puntos
Natukoy ang uri ng tunggalian mula sa mga pangyayari
2
sa teleserye
Nailahad nang maayos ang mga patunay 2
Wasto ang baybay ng mga salita 2
Wasto ang gamit ng mga bantas 2
Kalinisan ng awtput 2

Kabuoan 10

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos ang mga gawain sa modyul na ito.
Ngayon, handa ka ng pag-aralan ang susunod na modyul!

Maligayang paglalakbay!!!

You might also like