Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pagsusuri ng Teksto

Miliminas: Taong 0069 ni Nilo Par Pamonag, ito ang tekstong binasa at sinuri ko. Batay
sa binasa kong teksto, ang mundong nakapaloob dito ay ibang iba kumpara sa mundong
tinitirahan natin ngayon, mula sa kanilang batas, sa kanilang pamamahala ng kanilang mga tao.
Habang binabasa ko ito, napansin ko na hindi ito nagkakalayo sa ating lipunan ngayon. Iba nga
ang batas nila, tulad ng “not overspeeding” ng Miliminas, labag sa batas ang hindi pag
overspeeding, hindi katulad sa atin ay ang ‘overspeeding’ ang labag sa ating batas. Isa pa ang
tubig at kuryente, sa ating lipunan ngayon, mahirap man o mayaman ka, bente kwatro oras may
kuryente at tubig ka, habang ang para naman sa Miliminas, ay may tinatawag silang Quatwasdak
kung saan may tatlong uri sila ng tubo, sa isang tubo ay dumadaloy ang malinis na tubig kung
saan ang mayayaman lang ang may kakayahang magkaroon nito, sa pangalawang tubo naman ay
dumadaloy ang maruming tubig, kung saan ang mga taong marunong o gustong magtrabaho
lamang ang pwedeng gumamit nito, at sa pangatlong tubo naman, walang tubig na dumadaloy
dito kundi hangin lamang, ito naman ay para sa mahihirap lamang dahil wala itong bayad.
Ganoon din ang kuryente nila, may tatlo silang service, ang una ay ang light service kung saan
may ilaw kayo ng araw at gabi, pangalawa naman ay ang brownout service kung saan, may ilaw
kung kailan hindi niyo ito kailangan, at wala naman ito kung kailangan niyo ito, at ang huli ay
ang blackout service kung saan magdekorasyon lamang ang mga ilaw.

Sa tingin ko ay nagsisimbolo ito ng estado ng mga tao sa ating lipunan ngayon, magkaiba
nga sila ngunit may pagkakapareha parin ito, halimbawa ay mahirap lang kayo, may kuryente at
tubig kayo pero naputulan din dahil hindi kayo nakapagbayad ng tubig at kuryente, samantalang
naman ang mga mayayaman ay meron nito bente kwatro oras dahil nakakapagbayad sila ng tubig
at kuryente sa tamang oras at araw ng due date. Nakuha rin ng aking atensyon ang Circus of
Miliminas kung saan may dalawang batas, isa para sa mga mayayaman at isa para sa mga
mahihirap, para sa akin ay hindi naman ata patas na magkaiba ang batas ng mga mayayaman sa
mahihirap dahil pare-parehas tayong mga tao, kahit ano pa man ang ating estado sa buhay.
Idagdag na rin ang kanilang Super Blackmarket, kung saan dito ibinebenta ang mga illegal na
bagay para sa atin ngunit legal para sa mga Miliminas, isa pa ay mas ginugwardyahan nila ang
mga taong walang may sala o kasalanan, at dahil diyan hindi ko nagustuhan ang pamamahala
nila. Una sa lahat pwedeng pumatay sa kanila, pwedeng magnakaw, pwedeng magbenta ng mga
illegal na bagay, at marami pang iba, at dahil dito, para sa akin hindi uunlad ang kanilang
ekonomiya, kaya nga tayo’y may batas ay para maging organize ang ating pamahalaan at hindi
magkaroon ng gulo.

Pangalawa pwedeng pumatay dahil may isang gamot na pinapainom sa mga babae para
mabuntis at manganak agad after 24 hours? Hindi ata yon makatarungan, sariling buhay natin ito,
sariling katawan ito, tayo lang ang may karapatan sa ating buong pagkatao at walang ibang tao
ang pwedeg humadlang dito, pero ‘yon ang problema sa atin, isang maling galaw mo lang,
huhusgahan ka agad ng mga taong mga nasa paligid mo. At ang huli, ang hindi nagkakalayo sa
aitng lipunan at sa Miliminas ay ang mga taong makapangyarihan ang mga namumuno rito,
gaano man ka-mali o tama ang kanilang ginagawa, madali lang ito lagpasan dahil nga may
kapangyarihan sila, lahat kaya nilang gawin, at kaya nilang tabunan ang lahat nang mga maling
gawain nila. Kung hindi pa gaanong malawak ang tingin mo sa realidad, tama lang na basahin ito
dahil dito mo malalaman kung gaano ka-corupt at sira ang realidad

You might also like