Isyu Pangkapaligiran Sa Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Isyu Pangkapaligiran sa Pilipinas

Suliranin sa Solid Waste

Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at


komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason

Ang Pilipinas sa kabuuan ay nakalilikha ng 39,422 tonelada ng basura kada


araw noong taong 2015. Sa parehong taon, 25% ng basura sa Pilipinas ay
nagmula sa Metro Manila. Kung susumahin, 0.7 kilong basura kada tao ang
nalilikha sa loob ng Metro Manila araw-araw.

Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng Pilipinas ay nagmumula sa


mga tahanan(56.7%) at sumunod naman dito ang mga commercial sector
(27.1%).

Deforestation

And pagkalbo sa mga gubat. Pinuputol ang mga puno at hinahawan ang
mga lupain para sa mga hangaring agricultural o komersyal.
Ilan sa tinuturong sanhi ng malawakang deforestation ay ang illegal
logging at hindi wastong regulasyon sa logging sa Pilipinas. Ang mga
nakakasirang paraan ng Kaingin o ang pagsunog sa isang bahagi ng kagubatan
upang ihanda sa pagtatanim ng pang-agrikulturang produkto ay ginagawa pa din
sa iba’t ibang panig ng bansa.

Polusyon sa Hangin

Ang polusyon sa hangin ay nagmumula sa magkakahalong kemikal sa


hanging, mga particulate matter, at mga biological materials na nagkakaroon ng
reaksyon sa bawat isa at lumilikha ng mga maliliit at panganib na mga particle.
Ito ay maaaring magdulot ng hirap sa paghinga, pabalik-balik na sakit, pagtaas
ng bilang ng nagpapa-ospital at minsan ay kamatayan.

Ang Metro Manila at ang iba pang lungsod sa Pilipinas ay humaharap sa


problema ng air pollution.

Ang tinuturong sanhi nito ay ang pagdami ng mga kotse at iba pang sasakyan sa
mga lungsod na ito. Ayon sa Department of Transportation, mahigit sa 70% ng
polusyon sa Metro Manila ay nagmumula sa mga sasakyan.

Polusyon sa Tubig

Ayon sa Water Environment Partnership in Asia(WEPA), malaki ang problem ana


kinahaharap ng Pilipinas kaugnay sa polusyon ng tubig dahil sa maraming sektor
ng lipunan ang nakadepende sa malinis na tubig. Ang pagtaas ng populasyon,
urbanisasyon, agrikultura at industriyalisasyon ay nagdulot upang bumaba
kalidad ng tubig sa Pilipinas.

Kahit na gumagastos ang pamahalaan ng 1.3 Billion US dollars kada taon para
lamang sa pagkontrol sa polusyon ng tubig at kasama na ang mahigpit na
pagpapatupad ng mga batas, ito ay hindi nagiging sapat sa paglutas sa polusyon
sa katubigan. Maaaring dahil hindi nasusulosyonan ang mga malalaking sanhi ng
polusyon sa tubig.
Halos 58% ng groundwater sa Pilipinas ay kontaminado ng coliform, isang
bacteria na nagmumula sa mga dumi ng tao at hayop at nagdadala ng mga sakit
sa iinom ng tubig na iyon.

Ayon sa Greenpeace, karamihan sa mga polusyon na ito mula sa wastewater:

1. Industrial waste – mga heavy metal at iba pang kemikal tulad ng


mercury, lead at cyanide.
2. Argricultural waste – dumi ng hayop, patay na hayop, at nabubulok
na halaman.
3. Domestic sewage – mga dumi galing sa kabahayan at pamayanan.
4. Iba pang pinagmumulan – mga natapon na langis at mga illegal na
tinapong mga basura sa ilog at dagat.
Climate Change

Ang Climate Change ay ang nasusukat na pagbabago sa mga katangian ng


iba’t ibang climate system na maaaring tumagal ng ilang dekada o mas matagal
pa. Ito ay maaaring dulot ng mga natural na sanhi tulad ng pagsabog ng bulkan,
pagbabago sa dami ng sikat ng araw na tumatama sa isang lugar o ang mga
pagbabago sa climate system sa isang bansa. Ito ay maaaring dulot din ng tao
dahil sa mga paggamit ng mga kemikal na nakakasira sa ozone.

Ang Pilipinas, bilang isang tropikal at arkipelagong bansa, ay higit na apektado


nito. Ang mga pagbabago sa sistema ng klima ng Pilipinas ay nagdudulot ng
malaking problema sa bansa, ilan sa halimbawa nito ay ang paghaba ng panahon
tag-init at ang pagdami at paglakas ng mga bagyong tumatama sa Pilipinas.

Karamihan sa pinakamapaminsalang bagyo sa Pilipinas ay nagganap sa


nakaraang 2 dekada, ang bagyong Ondoy at bagyong Yolanda ang ilang lamang
sa mga ito.

Ang pag-init ng tubig ay nagdudulot ng pagbaba ng huli ng mga mangingisda at


ang coral bleaching sa ilang reef na malapit sa ating baybayin. Isa rin sa
ikinababahala ng mga tao ay ang pagtaas ng lebel ng tubig sa dalampasigan.

You might also like