Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pagpapahalaga sa Sining:DISENYO

Disenyo
Ang Disenyo ay ang paraan ng pagpapahayag na sumusunod sa isang sistema ng mga napaunlad
na pamamaraan ng artistikong paglalahad.

Mga Halimbawa ng Disenyo


Business Processes

Architectural Blueprints

Engineering Drawing

Circuit Diagram
Sewing Pattern

Kaisahan at Katugmaan
Kaisahan
Ang kaisahan ay ang kalidad ng pagkakaroon ng mga ideya at artistikong elemento sa isang
likhan sining na nag kakaisa.
Katugmaan
Ang estado ng pagiging tugma; kung saan dalawa o higit pang mga bagay ang maaaring umiral o
maisagawa nang magkakasama nang walang mga problema o tunggalian.

Balanse at Proporsyon
Ano ang ibig sabihin ng Balanse at Proporsyon?
BALANSE
- Ay isang likhang sining na nagtataglay ng magkatulad na pagtitimbang-timbang ng hugis, laki
at kulay sa magkabilang panig. - Ang balanse ay maaaring simetriko (pormal na balanse) at
walang simetriko (impormal na balanse).
Simetrikal
- Ang sining ay magkakamukha ng imahe.
Asimetrikal
- Ang sining ay may mga imahe, hugis, laki, kulay at porma na hindi magkamukha, na lumilikha
ng impresyon na hindi balanse ang sining.

Halimbawa:

BALANSE

Kailan masasabing ang isang bagay ay may balanse at proporsyon?


Proporsyon
- Ang Proporsyon ay isa sa mga elemento ng sining. Binibigyang-pansin ang kaugnayan nito sa
hugis at espasyo.
- kailangang magkaroon ng relasyon ang kulay para sa hugis, background at sentro sa kabuuan
ng likhang sining para maging kaaya-aya ito.
Halimbawa:
Kung nagpinta ka ng isang larawan ng isang aso at isang tao, ang aso ay dapat na nasa tamang
sukat na may kaugnayan sa tao. Ang katawan ng tao (at pati na rin ang aso) ay dapat na isang
proporsyon sa kung ano ang maaari nating makilala bilang isang tao.

Tattoo

- Ang tattoo ay isang anyo ng pagbabago sa katawan kung saan ang isang disenyo ay ginawa sa
pamamagitan ng pagpasok ng tinta, mga tina at mga pigment, alinman sa hindi napapawi o
pansamantala, sa dermis layer ng balat upang baguhin ang pigment.
 Ang sining ng paggawa ng mga tattoo ay tattooing .
 Noong unang pagdating ng mga Kastila, tinawag nila ang mga Visayan na "Pintados" --
na ang ibig sabihin ay "the painted ones". Ito ay dahil puno ng tattoo, mula ulo hanggang
paa, ang mga ito.
 Ang tattoo ay ibinibigay lamang sa mga kalalakihang nagpakita ng tapang sa laban at
bilang inisasyon sa pagkalalaki.
 Hindi madalang na naghuhubo ang mga kalalakihan at ipinagmamalaki ang kanilang mga
tattoo, na tila ba ito na ang nagsilbing kadamitan.

3 MALAWAK NA CATEGORYA
Mga tattoo ay nahulog sa tatlong malawak na kategorya:
1. Pulos pandekorasyon (na walang tiyak na kahulugan);
2. Symbolic (na may isang tiyak na kahulugan na may kinalaman sa tagapagsuot);
3. May larawan (isang paglalarawan ng isang partikular na tao o item).
- Sa panahon ngayon, madaming masamang implikasyon ang pagkakaroon ng tatoo. Nandiyan
ang paghihinalaan kang kriminal o di kaya ay miyembro ng gang. Hindi ren tinitignan na
maganda sa kababaihan ang tattoo.
- Ngunit para sa ating mga ninuno ang Tattoo o Batuk ay importanteng mga simbolo ng
kagitingan at kagandahan.

PAGPAPALAGAY NG TATTOO
Mambabatuk o tattoo artist ang nagsasagawa ng proseso.

Sa una ay ginuguhit sa balat ang disenyo gamit ang tintang gawa sa uling. Pagkatapos ay
tinutusok ang balat kung saan dapat magkaroon ng linya gamit ang instrumentong may mga
tinik. Pinupukpok ang intstrumento upang tumagos sa balat, tapos ay lalagyan muli ng tinta.

APO WHANG-OD OGGAY

- Isa sa mga pinakasikat na mambabatok sa Pilipinas.


- Ang tinaguriang Kalinga’s last mambabatok.
- Pinagbabasehan sa pagta-tattoo ay ang mga bagay na nakikita sa palig-id o mga bagay na
naging parte ng pang-araw-araw na pamumuhay sa Kalinga.
 Ilan sa halimbawa nito ay ang rice terraces, ladders at centipedes.
 Gawa sa bamboo at lemon thorns na kasing talas ng razor ang ginagamit sa pagta-tattoo.
 Sa pagde-design naman, ginagamit ang mahabang strip ng straight grass na idi-dip ito sa
mixture ng charcoal at water.

DAHILAN NG PAGPAPALAGAY NG TATTOO


Sa mga babae sa Kalinga

- ang pagkakaroon ng tattoo ay nangangahulugan ng coming of age. Kung nag-iisa kang anak. O
kaya naman, dalaga ka na at pwede ka ng mag-asawa.

Sa mga kalalakihan

- mayroon itong symbolic significance. Simbolo ito ng katapangan. Nilalagyan sila ng tattoo
dahil sa ipinakita nilang katapa-ngan. Kung minsan nga, kailangan pang magdala ng ulo ng
napatay na kaaway upang magkaroon ng tattoo.
BAKIT NGA BA MAHALAGA ANG DESINYO?
 Kung para sa ilan, ang pagpapalagay ng tattoo ay pagdudumi lang sa katawan, sa mga
mayroon nito, isa itong magandang alaala.
 Mahalaga ang desinyo. Dahil ang tattoo ay permanente at hindi na ito mabubura. O kung
mabura man, mahirap. Kaya dapat ay siguradong-sigurado ka sa disenyong ipalalagay
mo.
 Ito ay nagbibigay pangkabuhayan sa mga tattoo artists at nagbibigay kasiyahan sa mga
nagpapa-tattoo.

You might also like