Barayti-Ng-Wika - V5 (1) 111111111

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Kwarter – Modyul 3
Mga Barayti ng Wika

https://tinycards.duolingo.com/decks/2zG8bNmS/diskurso-at-komunikasyon
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 3: Mga Barayti ng Wika
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral
Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,
Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato
Tagasuri ng Nilalaman: Dolores A.Tacbas
Tagasuri ng Lengguwahe: Desiree E. Mesias
Tagabalibasa: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas
Naglayout: Mary Jane P. Fabre
Mga Tagapamahala: Sally S. Aguilar, PhD, EPS-I
Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pangalawang Panrehiyong Direktor
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay
Nimfa R. Lago, PhD
Kawaksing Tagapamanihalang Pansangay
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Miyembro: Marie Emerald A. Cabigas, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD,
EPS-ADM; Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Maria Teresa M. Absin, PhD, SGOD
Chief, Sally S. Aguilar, PhD, EPS (Filipino); Celieto B. Magsayo, LRMS Manager;
Loucile L. Paclar, Librarian II; Kim Eric G. Lubguban, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon – Alternative Delivery Mode (DepEd-ADM)
Office Address: Masterson Avenue, Upper Balulang, Zone 1, Lungsod ng Cagayan de
Oro, Lalawigan ng Misamis Oriental
Telephone #: (088)-881-3137
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Kwarter – Modyul 3
Mga Barayti ng Wika

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1


Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1
Mga Layunin ------------------------------------------------- 1
Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2
Panimulang Pagtataya ------------------------------------------------- 4
Aralin ------------------------------------------------- 5
Mga Gawain ------------------------------------------------- 6
Paglalahat ------------------------------------------------- 12
Huling Pagtataya ------------------------------------------------- 13
Sanggunian ------------------------------------------------ 15
ALAMIN

Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang


kaalaman sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga
gawaing inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga
barayti ng wika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng
tao? Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan
ang tungkulin nito. Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Sa araling ito, ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay hihimukin. Ang
dating kaalaman ay maiuugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay
maari mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo’ to! Hand ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 3

Mga Barayti ng Wika

Markahan: Unang Linggo: 3rd

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang mga barayti ng wika na ginagamit sa


komunikasyon. Ang mga kasanayang matututunan dito ay makatutulong nang malaki
upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng mabungang
interaksyon.

Nilalaman ng Modyul
1
Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga barayti ng wika.
Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan

Mga Layunin

Sa modyul na ito, gagabayan ka sa mga barayti ng wikang ginagamit sa


lipunan. Inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo ang sumsusunod
na kasanayang pampagkatuto:
a. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at
iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika F11EP – Ic – 30
b. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(Ayon kay M. A. K. Halliday) F11PT – Ic – 86

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatuto na
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita naman sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa
isagawa na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat
aralin at kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang
dito ang ilang gawaing magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki
ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.
1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagtataya na susukat sa iyong
dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali
huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang paksa na
nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang pangwakas na pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin?” kunin mong muli sa iyong guro
ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

2
MGA BARAYTI NG WIKA
“Wikang Filipino at iba pang Wika sa Rehiyon: Wika ng Bayan Para sa
Kapayapaan” –Panitikang Bayan-

Mataid
Nindot

Beautiful

Maganda

Napintas
Gwapa

https://www.google.com/search?q=variety+of+language+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwi11Iywr7vpAhWCHaYKHfYlCWAQ2-
cCegQIABAA&oq=variety+of+language+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCCk6AggAOgQIABBDOgYIABAIEB46BAgAEBg6BAgAEB5Q1pbHBliTmMgGYNCfyAZoAHAAeASAAfMEiAH5N5IBDTAuMjMuMTAuMi4wLjGYAQCgAQGqA
Qtnd3Mtd2l6LWltZ7ABEA&sclient=img&ei=TG3BXrX-GIK7mAX2y6SABg&bih=730&biw=1517#imgrc=82vbS-3ZX0KbuM&imgdii=2e4wdLtZG7pIeM

3
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De


Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang
Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek

2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba
sa Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek

3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang


malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a. Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek

4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa


Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang
alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na
estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a. Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole

5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal


sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na
hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek

6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a.
“Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek

7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang


babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz,
essay, at grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang mga nakaupo
sa harap niya.
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register

8. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot


at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga
kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay
biglang nag-iba at naging pormal angb paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek

4
9. Natutunan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal
siya sa Batanes. Saan man siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang
salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa
gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a. Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek

10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez
sa kanyang programang Rated K.
a. Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole

ARALIN 3
5
Heterogenous at Homogenous na Wika
Barayti ng Wika

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa barayti ng wika at iba pa.

YUGTO NG PAGKATUTO

A. TUKLASIN

https://www.google.com/search?q=variety+of+language+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwi11Iywr7vpAhWCHaYKHfYlCWAQ2-
cCegQIABAA&oq=variety+of+language+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCCk6AggAOgQIABBDOgYIABAIEB46BAgAEBg6BAgAEB5Q1pbHBliTmMgGYNCfyAZoAHAAeASAAfMEiAH5N5IBDTAuMjMuMTAuMi4wLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7A
BEA&sclient=img&ei=TG3BXrX-GIK7mAX2y6SABg&bih=730&biw=1517#imgrc=CBlgzuX3ioIGoM

Sa araling ito, matutunghayan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa


pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang

6
kaugalian at wika. Kaya sa araling ito susubukin ang iyong kakayahan at kaalaman sa
wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito.

Gawain 1

Unawain ang pahayag. Linggo ng umaga habang ika’y papunta ng simbahan,


maraming tao kang nakasalubong at nakausap. Paano mo sila kakausapin at
babatiin? Isulat sa patlang ang sasabihin.

Ano ang sasabihin mo sa isa sa mga guro mo? _________.

Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong bakla? _________.

Ano ang sasabihin mo sa kaibigan mong probinsyano?


__________.

https://depositphotos.com/227450448/stock-illustration-girl-friends-have-a-hug.html

1. Ano ang napansin ninyo sa inyong naging kasagutan? Naging pareho ba ang
paraan ng iyong pagbati para sa tatlong taong iyong nakasalubong?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit kahit magkakapareho ang sitwasyon ay magkakaiba ang naging paraan mo


ng pagbati o pakikipag-usap sa mga taong nabanggit?

7
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

B. SURIIN

ANG HETEROGENEOUS AT HOMOGENEOUS NA WIKA

Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa


pagkakaroon ng iisang porma o estandard na anyo nito o kaya tumutukoy sa
pagkakaroon ng iisang porma o kaya ay pagkakaroon ng iba't ibang porma o barayti

Heterogeneous Na Wika

Ang heterogeneous ay isang pang-uri na salita. Mula sa salitang heterous


(magkaiba) at genos (uri/lahi) nabuo ang heterogeneous.Dahil sa pagkakaiba ng mga
indibidwal at grupo ng tao, ayon sa lipunan na kanyang ginagalawan, antas ng
pamumuhay, edad, lebel ng edukasyon na natamasa at interes sa buhay, nagkaroon
ng ibat-ibang barayti ang ating wika. Una ay ang permanenteng barayti kung saan ay
nakasama dito ang mga idyolek at dayalektong uri ng wika.

Halimbawa: Tagalog ang pangunahing wika ng Timog katagalugan ngunit bawat lugar
dito ay may ibat-ibang katangian ng wika mayroong Tagalog Batangas, Tagalog
Laguna, Tagalog Quezon.

Ang Homogeneos na Wika

Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng mga salita, ngunit dahil sa paraan ng


pagbabaybay at intonasyon o aksent sa pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang
kahulugan.

Halimbawa: Ang panghihiram natin ng mga salitang dayuhan at pagbibigay ng sariling


kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "gimmick" na nasa
wikang Ingles ay may kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng atensyon."
Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na "pamamasyal kasama ng mga
kaibigan."

https://brainly.ph/question/679230#readmore

Gawain 2
8
Gumawa ng facebook wall sa iyong hiwalay na sagutang papel o notbuk. Magpaskil
ng pagkakaiba ng homogenous o heterogenous na wika sa iyong facebook
wall. Lagyan rin ng sariling halimbawa katulad sa modelo sa diskusyon sa itaas
na bahagi.(Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-
unawa sa mga konseptong pangwika
F11EP – Ic – 30

https://www.google.com/search?q=facebook+wall+clipart&tbm=isch&ved=2ahUKEwigsZ-26-fpAhWVAKYKHdlcAL8Q2-
cCegQIABAA&oq=facebook+wall+cli&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADoECAAQQzoGCAAQBRAeOgYIABAIEB46BAgAEBhQqxZYiR5gmypoAHAAeACAAasBiAH2BJIBAzAuNJgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=173YXuDpN5WBmAXZuYH4Cw&bih=657&biw=1488

C. PAGYAMANIN
Barayti ng Wika

Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang


epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang
kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng
wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.

Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula
sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan..Gumagamit ang mga
tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may
magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa
isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng pangungusap na siyang nagpapaiba sa
dayalek ng lugar.Kahit na iisa ang wika ay may natatanging paraan ng pagsasalita
ang bawat isa.Lumulutang ang mga katangian at kakanyahang natatangi ng taong
nagsasalita. Ang sumusunod ay halimbawa ng barayti ng wika.

IDYOLEK

9
Walang dalawang taong nagsasalita ng isang wika ang bumibigkas nito nang
magkaparehong- magkapareho. Itinuturing din itong inbidibwal na dayalek ng isang
tao na makikita sa punto at paraan ng kanyang pagsasalita, vokabulari at iba pang
aspektong pangwika. Hal: Magandang gabi, bayan" ni Kabayan Noli de Castro

SOSYOLEK

Nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong


gumagamit ng wika. Kapansin-pansin kung paano makikitang nagkakapangkat-
pangkat ang mga tao batay sa ilang katangian. Ayon kay Rubrico(2009), ang sosyolek
ang pinakamahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay
sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Para
matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutunan ang
sosyolek na ito.Hal: Gay Linggo - "Hay naku ka gurl, nakakajines ka"

ETNOLEK

Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo .Ang salitang etnolek


ay nagmula sa mga salitang etniko at dialek.Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.Halimbawa: Vakuul =
tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o saulan Bulanon=
full moon Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula, gitna at dulo ng salita tulad
ng shuwa(dalawa) sadshak (kaligayahan), pershen (hawak). Hal: Panghihiram ng
salita - Ang paghiram natin ng salitang credit card mula sa mga banyaga

PIDGIN

Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s


native language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman.Nangyayari ito kapag may
dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang
unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
Hal: Chinese Filipino “Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt”. (Suki, bumili ka na ng
paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)

CREOLE

Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging likas na wika o unang wika na ng


batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit na ito ng mahabang panahon,
kaya’t nabuo ito hangggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod na
ng karamihan. Ito ngayon ang creole, ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging
unang wika sa isang lugar. Hal: Buenas dias. (Chavacano) (magandang umaga.)

- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016 p.45-51

10
https://www.storyboardthat.com/hi/storyboards/22aa0162/barayti-ng-wika

Gawain 3

Sa araling ito, makabubuting pahalagahan natin ang tungkol sa barayti ng wika.


Pahalagahan ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang sagot sa
hiwalay na sagutang papel o notbuk.

11
1. Tungkol saan ang ilustrasyon?

2. Paano ginagamit ang mga salita sa ilustrasyon? May panghihiram ba ng mga


salita o wala?

3. Ano-ano ang barayti ng wikang ginagamit?

D. ISAGAWA

Gawain 4

Bilang mag-aaral, pumili ng tatlong asignatura, at magtala ng mga salitang nasa ilalim
ng bawat isa. Suriin kung anong barayti ng wika ang ginamit? Ipaliwanag ang
sagot sa hiwalay na sagutang papel o notbuk.

Asignatura 1

Asignatura 2

Asignatura 3

12
Mahalaga ang pag-aaral ng barayti ng wika sa atin, dahil dito
nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang lahat ng tao. Kung
wala ito mawawalan ng saysay ang lahat ng ating sinasabi. Mahalagang
pag-aralan ang iba't ibang barayti ng wika upang:

1. Maintindihan natin ang ating kapwa. Balik- tanaw sa ating


kasaysayan at mga pamumuhay ng mga tao noong unang
panahon.

2. Ito ang sumisimbolo ng pakakakilanlan ng isang indibidwal.

3. Mas naipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon at


damdamin kapag mayroon siyang gustong sabihin

4. Mas napapaliwanag ng isang tao ang gusto niyang ihayag kung


gagamitin niya ang kanyang sariling dayalekto kumpara sa kung
gagamit siya ng wikang Ingles kung siya ay purong Pilipino.☺

TAYAHIN 13
HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang
bawat bilang.

1. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De


Castro lalo na kapag sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang
Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek

2. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba
sa Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek

3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang


malutong niyang “Ah, ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a.Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek

4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa


Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang
alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na
estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a.Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole

5. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal


sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na
hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek

6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a.
“Dana” ang mga salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek

7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang


babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz,
essay, at grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang mga nakaupo
sa harap niya.
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register

14
8. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot
at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga
kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay
biglang nag-iba at naging pormal na paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek

9. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal
siya sa Batanes. Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang
salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa
gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a.Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek

10. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez
sa kanyang programang Rated K.
a.Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole

15
16
Subukin at Tayahin
1.D
2.A
3.B
4.C
5.A
6. D
7.D
8.C
9.B
10. A
Gawain 1
GURO: Magandang umaga po Bb. Reyes.
Kaibigang BAKLA: beautilicious day! Wit kalorkey itey bakla.
Probinsyano: Pare magandang umaga sa iyo.
Gawain 2
Facebook wall- Ang guro ang magbibigay ng iskor depende sa sagot ng mag-aaral
Gawain 3
1. barayti ng wikang ginamit sa loob ng klasrum
2. pagpapakilala sa sarili, pagpapaliwanag-may panghihiram ng wika
3. Sosyolek, Pidgin
Gawain 4
Ang guro ang magbibigay ng iskor depende sa sagot ng mag-aaral
SUSI NG PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

A. Aklat

Almario, Virgilio S. (Ed.). 1996. Poetikang Tagalog:Mga unang pagsusuri sa sining


ng pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman.

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.


2006. Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik. Valenzuela
City: Mutya Publishing House Inc.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal:Vicente Publishing House,


Inc.

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.
2000. Sining ng pakikipagtalastasa:Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya
Publishing House Inc.

Webster’s new colligiate dictionary. 1961.Springfield, A: G and G Merriam

The personal promise pocketbook. 1987. Makati:Alliance Publishers, Inc.

De Jesus, Armado F. 2000. Institutional research capability and performance at the


University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in private HEIs.
Di-nalathalang disertasyon, UST.

Grospe, Alas A. 1999. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio
sa pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis, UP
Diliman.

17
Maddux, K. 1997, March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-
98.

Nolasco, Ma. Ricardo. 1998, Hunyo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa


wikang pambansa. Lagda, 12-20.

B. Websites

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.

http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2

Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.

http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph

http://atin-americanliterature.edu.ph

https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm

http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html

18

You might also like