Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

EK ST ON G

T
SK RIP TIV
DE
Walang Tigil na Pag-ulan
Sabi ng karamihan, ang lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay

may dahilan. Ito raw ang magbibigay lakas upang hindi tayo sumuko sa buhay.

Ibinigay raw ito ng Poong Maykapal para mas tatagan ang ating mga sarili.

Marahil, marami na ang nagpatunay na ito ay totoo. Ngunit kahit anong pilit ko

sa aking sarili na maniwala at tanggapin ay hindi ko magawa. Totoo ba na ito

ang magbibigay ng lakas sa atin? Iaangat ba talaga tayo nito? O ito ang

magpapabagsak at dudurog sa ating makulay na paglalakbay?

Ang buhay ay isang pakikipagsapalaran. Paglalayag na kung saan ay

marami tayong bagay na mararanasan. Mga bagay na mabuti at masama. Mga

bagay na malinis at marumi. At higit sa lahat, mga bagay na itinadhana sa atin.

Malinaw pa sa asul na dagat ang aking mga alaala. Ang kanyang mga mata na

tila kumikislap-kislap sa gitna ng dilim. Kung iyong titignan ng mabuti, purong

kasiyahan at katotohanan lamang ang makikita. Ang kanyang mukha na

namumula sa sinag ng Araw, at ang kanyang labi na mistulang arko dahil sa

kurba. Wala sa kanyang itsura na siya ay makakagawa ng isang kasalanan na

walang tiyak na kapatawaran.

Sa isang masinag na umaga, ako ay nagising sa aking higaan dahil sa

isang kamay na pilit tinatabunan ang aking bibig. “Wag kang maingay, mabilis

lang ito”. Pinikit ko ulit ang aking lumuluhang mga mata, nagbabakasakali na

magbago ang anyong tao na aking nakikita. Nagdarasal na sana ay isang

masamang panaginip na lang ito. Subalit sa pagmulat ng dalawa kong bituin,

walang tigil na pagluha na lamang ang aking nagawa. Gusto kong sumigaw,

magwala, tumakbo. Hindi ako makapag isip. Hindi makapagsalita. Hindi

makapaniwala. Tila pinapatay ang bata kong puso, winawasak ang makulay kong

buhay, at unti-unting tinatanggalan ng hininga.

Hanggang ngayon, lumipas man ang maraming taon ay sariwa parin

ang mga pangyayari na pilit kong binabaon sa limot. Hindi nararapat bigyan ng

dahilan ang nangyaring kadiliman sa buhay ko. Walang sinumang tao ang

makakapagbigay ng sapat na sanhi upang maranasan ko iyon. Kaya kung ako

ang tatanungin, hindi lahat ng bagay na nangyayari sa atin ay may dahilan. Hindi

rin ito ang magbibigay ng lakas para tayo ay magpatuloy sa paglalakbay. Dahil

bawat araw man ang lumipas, patuloy parin akong naglalakad sa katanungan na

buong buhay kong dinadala. Bakit ako ang iyong napili…ama.


Name: Kristel Anne P. Juliano

Section: 11 HUMSS-13

You might also like