Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Ozamiz City
District 10
SINUSA ELEMENTARY SCHOOL
Sinusa, Ozamiz City

DLP Bilang: Asignatura: Antas: Markahan: Araw:


Filipino Grade 7 Ikaapat Myerkules/Pebrero 25, 2020
Pamantayan sa a. Naisusulat ang tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa akda.
Pagganap/Pamantayan sa
Pagkatuto
Code: F7PU-IVe-f-21
I. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mga sumusunod na kakayahan:
a. nakatutukoy sa mga paglalarawan sa mga tauhan;
b. nakasusulat ng isang tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan;
c. nakapapaliwanag sa kahalagahan ng pagmamahal ng isang ama.
II. Paksa: Kabanata 13: Panaginip ni Haring Fernando
III. Sanggunian: Ibong Adarna, Aida M. Guimarie, pp. 107-116
Mga Kagamitan: papel,kagamitang biswal
IV.Pamamaraan: 3Is
1. Introduksyon A. Panimula
- Panalangin
- Pagtsek kung sino ang lumiban sa klase
B. Pagbabalik-aral
Magkakaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa ilalim ng 5
na masuswerteng mag-aaral:
1. Sino ang nahumaling sa ganda ni Donya Leonora?
2. Ano ang naiwan ni Donya Leonora?
3. Bukod sa singsing, ano pa ang dahilan ng pagbalik ni Don Juan sa ilalim ng balon?
4. Ano ang ginawa ng kapatid ni Don Juan sa kanya?
5. Sino ang pinasunod ni Donya Leonora sa ilalim ng balon?

C. Pagganyak
Sa isang kapat na papel, ipasusulat ng guro sa mga mag-aaral ang kamilang nagig panaginip at pagkatapos makolekta ay itatanong
ang mga sumusunod:
a. Ano ang mha napanaginipan ninyong di ninyo makakalimutan?
b. Sa tingin niyo ba nagkakatotoo ang mga panaginip? Bakit?
D. Paglalahad ng Layunin

2. Interaksyon A. Talasalitaan:
Panuto: Ibigay ang kasingkauhulugan ng mga sumusunod na mga salita gamit ang mga nasa loob ng kahon.
1. gunamgunam Sagot: 1. nag-iisip
2. naparam 2. nawala
3. pita 3. nais
4. tampalasan 4. taksil
5. nanunton 5. nagtungo

B. Mga Gabay na Tanong:


1. Paano nabatid ni Haring Fernando na may masamang nangyari kay Don Juan?
2. Ano ang hiniling ni Don Pedro sa kanyang ama sa pagbabalik niya sa kaharian?
3. Paano naiwasan ni Donya Leonora ang pagpapakasal kay Don Pedro?
4. Naniniwala ka bang may panata si Donya Leonora? Pangatwiranan.
5. Anong okasyon ang gagawin sa kaharian?
C. Gawain 1
- Mag-uulat na ang naatasang mag-aaral sa kabanatang ito.
- Sasagutin na ang mga katanungan sa gabay na tanong.
3. Integrasyon A. Paggamit
Panuto: Ipapangkat ang klase na may tigtatatlong myembro. Susulat sila ng isang tekstong naglalarawan sa isa sa mga tauhan sa
kabanatang natalakay.
Krayterya:
Nilalaman – 12 puntos
Kaangkupan – 8 puntos
Kabuuan: 20 puntos
Halagang Pangkatauhan:
1. Paano ninyo mailalarawan ang pagmamahal ni Haring Fernando kai Don Juan?
2. Gaano kahalaga ang pagmamahal ng isang ama? Ipaliwanag.
3. Sainyong sariling karanasan, paano ninyo mailalarawan ang inyong ama? Ano ang pinaka-di mo malilimutang karasanan na kasama
siya?
IV. Ebalwasyon Panuto: Kumuha ng isang-kapat na papel at magkakaroon ng pasulit.
V. Takdang-aralin Panuto: Basahin ang Kabanata 14 para sa talakayan kinabukasan.

Inihanda ni Iniwasto ni

ANNIE P. PATOY HENRY Q. ABARCO


Guro Punong Guro

You might also like