Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Ozamiz City
District 10
SINUSA ELEMENTARY SCHOOL
Sinusa, Ozamiz City

DLP Bilang: Asignatura: Antas: Markahan: Araw:


Filipino Grade 7 Ikaapat Martes/Marso 10, 2020
Pamantayan sa a. Natutukoy ang napapanahong mga isyung may kaugnayan sa mga isyung tinalakay sa napakinggang bahagi ng akda
Pagganap/Pamantayan sa b. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan.
Pagkatuto
Code: a. F7PB-IVh-24
b. F7PB-IVh-23
I. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mga sumusunod na kakayahan:
a. nakasusuri sa mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan;
b. nakapepresenta ng mga napapanahong isyung may kaugnayan sa isyung tinalakay sa bahagi ng akda;
c. nakapapaliwanag sa kahalagahan ng pagtanggap ng pagkatalo.
II. Paksa: Kabanata 21: Ikaapat at Ikalimang Pagsubok kay Don Juan
III. Sanggunian: Ibong Adarna, Aida M. Guimarie, pp. 172-177
Mga Kagamitan: larawan, kagamitang biswal
IV.Pamamaraan: 3Is
1. Introduksyon A. Panimula
- Panalangin
- Pagtsek kung sino ang lumiban sa klase
B. Pagbabalik-aral
Magkakaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na makukuha sa
papel na nakadikit sa bola.

1. Anong kondisyon ang ibinigay ng hari kay Don Juan sakaling di niay masunod ang pagsubok?
2. Ano ang pagsubok na ipinagawa ni Haring Salermo kay Don Juan?
3. Sino ang tumulong kay Don Juan sa paggawa ng pagsubok?
4. Ano ang naging reaksyon ni Don Juan sa ibigay na pagsubok?
5. Ano ang nakita ni Haring Salermo nang magising kinaumagahan?

C. Pagganyak
Magpapakita ng isang larawan ang guro at itatanong ang mga sumusunod:
a. Ano ang nasa larawan?
b. Paano ninyo ito mailalarawan?
c. Makakaya kaya itong gawin sa loob ng isang gabi lamang? Bakit?

D. Paglalahad ng Layunin
2. Interaksyon A. Talasalitaan:
Panuto: Hanapin at markahan ang salitang makikita sa loob ng palaisipan. Isulat ito sa katapat na kahulugan ng bawat bilang.

A B H A G A P Q R S T U V W X Y
B E I D E F G H I J K L M N O P
A F L M N NG O G I N A G A H I S
C M A G I S I J K L M N NG O P Q
D A H I A B C D E F G H I J K L
E G I M N NG U P A L A T A W Q R
F H L A B C D E F G H I J K L M

1. maliit na kanyon –
2. masira –
3. kuro-kuro –
4. tinatalo o dinaraig –
5. pagkabagabag –

B. Mga Gabay na Tanong:


1. Sa iyong palagay, tapat ba ang pagbibigay ng papuri ni Haring Salermo kay Don Juan? Ipaliwanag.
2. Ano ang kahilingan ng hari kay Don Juan?
3. Paano magagawa ni Don Juan ang kahilingan ng hari?
4. Ilarawan ang reaksyon ni Haring Salermo nang makita niya ng kastilyong ipinagawa niya kay Don Juan.
5. Bakit ipinatanggal ng hari ang kastilyong ipinatayo niya kay Don Juan?

C. Gawain 1
- Mag-uulat na ang naatasang mag-aaral sa kabanatang ito.
- Sasagutin na ang mga katanungan sa gabay na tanong.
3. Integrasyon A. Paggamit
Panuto: Ipapangkat ang klase sa apat grupo. Bawat grupo ay maglilista ng napapanahong isyung may kaugnayan sa isyung
tinalakay sa bahagi ng akda sa pamamagitan ng venn diagram.

Krayterya:
Kawastuhan – 12 puntos
Paglalahad – 8 puntos
Kabuuan: 20 puntos
Halagang Pangkatauhan:
1. Sa iyong palagay, bakit may mga taong ayaw tumanggap ng kanilang pagkatalo?
2. Magbahagi ng iyong karanasa tungkol sa pagkatalo at ano ang iyong ginawa.

IV. Ebalwasyon Panuto: Susuriin ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan sa pamamagitan ng
pasulit.
V. Takdang-aralin Panuto: Basahin ang Kabanata 22 para sa talakayan kinabukasan.

Inihanda ni Iniwasto ni

ANNIE P. PATOY HENRY Q. ABARCO


Guro Punong Guro

You might also like