Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X
Division of Ozamiz City
District 10
SINUSA ELEMENTARY SCHOOL
Sinusa, Ozamiz City

DLP Bilang: Asignatura: Antas: Markahan: Araw:


Filipino Grade 7 Ikaapat Myerkules/Marso 4, 2020
Pamantayan sa a. Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa napakinggang bahagi ng akda.
Pagganap/Pamantayan sa b. Nasusuri ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan.
Pagkatuto
Code: a. F7PN-IVf-22
b. F7PB-IVg-23
I. Mga Layunin: Sa katapusan ng talakayan, ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng mga sumusunod na kakayahan:
a. nakatutukoy sa mga tauhan at pangyayari batay sa paglalarawan;
b. nakasusuri sa mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga pantulong na tauhan;
c. nakapapaliwanag sa kahalagahan ng pagkakaroon ng determinasyon sa buhay.
II. Paksa: Kabanata 18: Pagtulong ng Ermitanyo at ang Reyno de los Cristal
III. Sanggunian: Ibong Adarna, Aida M. Guimarie, pp. 143-155
Mga Kagamitan: pira-pirasong larawan, kagamitang biswal
IV.Pamamaraan: 3Is
1. Introduksyon A. Panimula
- Panalangin
- Pagtsek kung sino ang lumiban sa klase
B. Pagbabalik-aral
Magkakaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa nakaraang talakayan sa pamamagitan ng pagsagot ng Number Heads.
1. Ano ang reaksyon ni Donya Leonora kapag dumadalaw si Don Pedro?
2. Sino ang hinahanap-hanap ni Donya Leonora?
3. Gaano katagal nang naghihintay sa pagdating ni Don Juan si Donya Leonora?
4. Kung hindi darating si Don Juan, ano raw ang mangyayari kaY Donya Leonora?
5. Ano ang damdaming namayani kay Don Pedro nang umalis sa silid ni Donya Leonora?

C. Pagganyak
Ipapaayos ang pira-pirasong papel upang mabuo ang larawan at itatanong ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang larawang nabuo?
2. Paano ninyo mailalarawan nasa larawan?
3. Ano kaya ang kakayahan ng isang matandang may kakaibang itsura?
D. Paglalahad ng Layunin
2. Interaksyon A. Talasalitaan:
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng mga salitang nasa ilalim ng upuan ng limang estudyante.
Sagot:
1. kahabag-habag 1. kalunos-lunos
2. laon 2. tumagal
3. magkaniig 3. magkayakap
4. pinaangal 4. Pinatunog
5. nakayukod 5. nakayuko

B. Mga Gabay na Tanong:


1. Ilang buwan ang nilakbay ni Don Juan bago niya narating ang lugar na kinaroroonan ng ermitanyo?
2. Paano nagbago ang pagtrato ng ermitanyo kay Don Juan?
3. Natulungan ba ng ermitanyo si Don Juan na makita ang Reyno de los Cristal? Ipaliwanag.
4. Ano ang ipinagbilin ng agila bago iniwan si Don Juan sa kaharian?
5. Makatwiran ba ang ginawa ni Don Juan na kuhanin ang damit ni Maria Blanca? Ipaliwanag.

C. Gawain 1
- Mag-uulat na ang naatasang mag-aaral sa kabanatang ito.
- Sasagutin na ang mga katanungan sa gabay na tanong.
3. Integrasyon A. Paggamit
Panuto: Ipapangkat ang klase sa apat na grupo. Susuriin ang mga katangian at papel na ginampanan ng pangunahing tauhan at mga
pantulong na tauhan. Pagkatapos, ipresenta ito sa pamamagitan ng isang tula o awitin.
Krayterya:
Kawastuhan sa Paggawa – 12 puntos
Pagkamalikhain – 7 puntos
Presentasyon - 6 puntos
Kabuuan: 25 puntos

Halagang Pangkatauhan:
1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng determinasyon sa buhay?
2. Ano ang mangyayari kung dterminado tayo sa paggawa ng isang bagay na ninanais natin?
IV. Ebalwasyon Panuto: Magkakaroon ng pasulit tungkol sa mga tauhan at pangyayari sa kabanatang ito batay sa paglalarawan.
V. Takdang-aralin Panuto: Basahin ang Kabanata 19 para sa talakayan kinabukasan.

Inihanda ni Iniwasto ni

ANNIE P. PATOY HENRY Q. ABARCO


Guro Punong Guro

You might also like