Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF BIÑAN CITY

Dayagnostikong Pagsusulit sa Filipino 4


Taong Panuruan 2021-2022

Pangalan: _ Iskor:
Baitang/ Seksyon:____________________________________________Petsa:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa bawat bilang.

1. Ito ay salita o lipon ng mga salita na tumutukoy sa pangalan ng tao, pook, hayop, bagay o
pangyayari.
A. Pantangi B. Pangngalan C. Pang-abay D. Pang-uri

2. Ito ay nagpapakita ng wastong bigkas ng salita, pagpapantig, uri ng bahagi ng


pananalita, ang salitang-ugat, mga kahulugan at kasingkahulugan.
A. Panuto B. Panghalip C. Diksiyonaryo D. Magkasingkahulugan
3. Ito ay isang tagubilin o iniuutos kung ano ang gagawin. Ito ay maaaring pabigkas o
nakasulat.
A. Pautos B. Pakiusap C. Tagubilin D. Panuto

4. Ito ay mga salitang ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao.


A. Panghalip B. Pandiwa C. Pang-uri D. Pangngalan

5. Ang sumusunod na salita ay mga halimbawa ng panghalip na panaklaw. Alin ang HINDI
kabilang rito?
A. Madla B. Magkano C. Sinoman D. Alinman

6. Ito ay mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng


karamihang nakapag-aral sa wika.
A. Pormal B. Depinisyon C. Pangungusap D. Pormal na salita

7. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.


A. Panahunan B. Pandiwa C. Panghalip D. Pang-abay

8. "Sa panahon ngayon, kailangan kong maging matipid," sambit ng isang ina.
A. lantay B. pahambing C. pasukdol D. paturol

9. Ito ay resulta o kinalabasan ng pangyayari.


A. Bunga B. Sanhi C. Ideya D. Kaisipan
10. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena o pangyayari sa pelikula o kuwento.
A. Tema B. Tauhan C. Musika/Sound Effects D. Banghay
11. Hanapin ang salitang di-pamilyar sa pangungusap na “Napansin ni Ben na ang
kanilang durungawan ay ubod ng dumi kaya naman ito’y agad niyang
nilinis.”
A. ubod B. nilinis C. durungawan D. dumi
_ 12. Ito ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa
isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar..
A. pahayagan B. liham C. balita D. paksa

_ 13. Ito ay anunsyo na naglalayong hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang
produkto sa iba’t-ibang anyo ng komunikasyon.
A. Patalastas B. Paalala C. Puna D. Panghikayat

_ 14. Ito ay bahagi ng panalita na nag-uugnay o nagdudugtong sa dalawang salita,


pangungusap, parirala, o sugnay.
A. Panahunan B. Pamuhatan C. Pangatnig D. Panaklaw

_ 15. Pupunta na sana ako kanina subalit may kailangan pala akong tapusin. Ano ang
tawag sa initimang salita?
A. Pananggi B. Pangatnig C. Panang-ayon D. Pang-agam

_ 16. Nakita ni Hailey na maraming nilalabhan si Aling Fe. Inay, ako na po ang
bahalang magbanlaw ng inyong mga nilabhan mamaya.
A. masayahin B. mayabang C. matulungin D. masinop

_ 17. Sinusunod ni Heidi ang mga hakbang sa kalinisan upang makaiwas sa


nakahahawang sakit
A. masipag B. malinis C. masunurin D. maingat

_ 18. Kung ako ang tatanungin, mas mainam na manatili sa loob ng bahay upang
makaiwas sa nakahahawang sakit. Ang pahayag ay _ _
A. katotohanan B. karanasan C. opinyon D. palagay

19. Ito ay isang tagubilin o iniuutos kung ano ang gagawin. Maaaring pabigkas o
nakasulat.
A. Detalye B. Gawain C. Panuto D. Pautos

20. Ito ay nagtuturo ng kinaroroonan ng isang bagay o lugar.


A. Direksyon B. Gawain C. Lugar D. Palaso

21. Ito ay isang paraan nang pag-aanunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t
ibang anyo ng komunikasyong pang madla, ito man ay positibo o negatibo.
A. Anunsyo B. Panghikayat C. Pagtangkilik D. Patalastas

22. Pinaghahandaang mabuti at masining ang pagtalakay ng paksa.


A. Debateng Pormal C. Debate o pagtatalo
B. Debateng Di-Pormal D. Paglalagom o pagbubuod

23. Ito ay isa sa pinakaepektibong paraan upang maipaalam sa mambabasa ang isang
isyu, opinyon o pangyayari.
A. Balita B. Editorial cartoon C. Kuwento D. Pagpapahayag

24. Ito ay manuskrito na gagawin ng isang announcer o tagapagbalita sa isang


programa sa radio o telebisyon.
A. Patalatang usapin C. Programa sa radio o telebisyon
B. Iskedyul ng mga anunsyo D. Iskript para sa broadcasting o teleradyo
25. “Sumusunod ka ba sa mga “safety protocols?” Anong uri ng pangungusap
ito?
A. Pangungusap na pasalaysay C. Pangungusap na padamdam
B. Pangungusap na patanong D. Pangungusap na pau

Inihanda ni: Sinuri ni:

ROKANIAH C. ORANGOTAN PAUL JOHN F. PARADINA


Guro, Filipino 4 Ebalweytor ng Linggwahe

You might also like