Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SALUYONG NATIONAL HIGH SCHOOL-JHS

Saluyong, Manukan, Zamboanga del Norte


MANUKAN II DISTRICT

Araling Panlipunan Grade 8


Learning Activity Sheets (Unang Markahan, Week 5)
ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA SA KANLURANG ASYA
(Impluwensiya ng Heograpiya sa mga Sinaunang Kabihasnan)

Pangalan: ___________________________________________________ Petsa: ________


Baitang/Seksiyon: ____________________________________________ Marka: _______

ANG KABIHASNANG MESOPOTAMIA SA KANLURANG ASYA


Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Nagmula ito
sa salitang Greyego na “meso” o “pagitan” at “patamos” o “ilog”. Ang Mesopotamia ay
nangangahulugang “lupain sapagitan ng dalawang ilog”. Sinakop at pinanahanan ito ng mga sinaunang
pangkat ng tao tulad ng mga Sumerian, Hattite, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean at Elamite.
Heograpiya ng Mesopotamia.

Mapa ng Mesopotamia
http://www.mesopotamia.co.uk/geography/explore/exp_set.html
Ang Mesopotamia ang lupaing dinadaluyan ang mga ilog Tigris at Euphrates.
Matatagpuan ang Mesopotamia sa mainit na rehiyon ng Fertile Crescent. Ang Fertile Cresent
ay isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
babayin ng Mediterranean Sea. Ang pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng
baha at nag-iiwan ng banlik o silt na nagsisilbing pataba sa mga lupain at nagdudulot ng
mabuti sa pagtatanim kahit na kaunti lang ang ulan dito. Sa Kasalukuyan, matatagpuan ang
lupaing ito sa Iraq, bahagi ng Syria at Turkey.
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang
lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil sa
mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang military.
Sa mga taong 5500 BCE, daang-daang maliliit na pamayanang sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at
mahahabang rutang pangkalakalan. Bungan Ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumunod na

N-avigating
O-pportunities to Capitol Drive, Estaka, Dipolog City, 7100 "Be and Do Much Better Each Day
R-eengineer for Tel No.: (065) 212-5843 with a
T-ransformation & e-mail address: zn.division@deped.gov.ph Sense of Urgency"
E-mpowerment
taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampolitika, at panrelihiyon
na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na itinuturing na
isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.
Ang kabihasnang itunuring na kauna-unahan sa buong daigdig. Iba’t ibang sinaunang
pangkat ng tao ang naninarahan tulad ng mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Hittite,
Assyrian, Chaldean at Persian.

Learning Competency:
1. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa
daigdig (AP8HSK-lg-6)
2. Nasusuri ang sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, China at Mesoamerica
batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan (AP8HSK-li-8)
3. Napapahalagahan ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig (AP8HSK-Ij-10)

Gawain A: Pangalanan Mo!


Panuto: Hanapin sa kahon ang tamang sagot sa mga sumusunod na tanong at isulat
sa patlang nakalaan sa ibaba.

1. Ano ang sinaunang kabihasnan na nasa pagitan ng dalawang ilog?


2. Dahil sa pag-apaw ng dalawang ilog nagdudulot ito ng pataba. Ano ang tawag
sa patabang ito?
4. Ito ay isang paarkong matabang lupain na nagsisimula sa Persian Gulf
hanggang Mediteranean Sea.
5. Isa sa mga sinaunang pangkat sa Mesopotamia.
6. Kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
7. ito ang ilog sa Mesopotamia.
8. Sa kasalukuyan saan matatagpuan ang Mesopotamia?
9. Anong kabihasnan ang matatagpuan sa kanlurang Asya?
10. Kauna-unahang lungsod sa buong daigdig

Gawain B: Sanhi at Bunga


Panuto: Punan ang chart sa ibaba. Isulat ang mga bunga ng impluwensiya ng
heograpikal sa pag-unlad kabihasnang Mesopotamia.
Sanhi Bunga

N-avigating
O-pportunities to Capitol Drive, Estaka, Dipolog City, 7100 "Be and Do Much Better Each Day
R-eengineer for Tel No.: (065) 212-5843 with a
T-ransformation & e-mail address: zn.division@deped.gov.ph Sense of Urgency"
E-mpowerment
Repleksiyon:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Sanggunian: Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya (ADM First Edition, 2020- -
Araling Panlipunan 8; Manunulat: Anilyn A. Panoril)

Susi Sa Pagwawasto:
Gawain A:
1.MESOPOTAMIA 6.ANSWER MAY VARY
2.ANSWER MAY VARY 7.ANSWER MAY VARY
3.FERTILE CRESENT 8.ANSWER MAY VARY
4.SUMMERIAN 9.ANSWER MAY VARY
5.ANSWER MAY VARY 10.ANSWER MAY VARY

INIHANDA NI:

JEMARIE I. ELENO
Guro Ng ArPan

N-avigating
O-pportunities to Capitol Drive, Estaka, Dipolog City, 7100 "Be and Do Much Better Each Day
R-eengineer for Tel No.: (065) 212-5843 with a
T-ransformation & e-mail address: zn.division@deped.gov.ph Sense of Urgency"
E-mpowerment

You might also like