Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

A.

Pagpapakilala:
B. Dasal
C. Pagbati
D. Attendance
E. Lesson

Bago natin pag-aralan ang unang aralin para sa araw na ito na may paksang “Ang Kaharian
ng mga Hayop sa Gubat” atin munang pagnilayan ang katagang ito:
1. Bantayan… ingatan… alagaan ang kagubatan, Upang tayo’y mamuhay nang may
katiwasayan

Ano kaya ang nais ipahiwatig nito? Mayroon ba kayong mga ideya na nais sabihin batay sa
katagang ito?

Pansinin din muna natin ang mga larawang aking ipakikita.


2. Ang inyong mga nakita ay naganap at kasalukuyan natin itong nararanasan at maaari
namang patuloy natin itong mararanasan at maganap ang mga iyon kung patuloy
nating sisirain at pabayaan ang kalikasang biyaya ng Poong Maykapal. Ito ay ilan
lamang sa mga trahedya na kadalasang nangyayari sa iba’t ibang lugar sa ating bansa
at sa iba pang bansa.

Alam Mo Ba?
- Ang gubat ay isa sa mga mahalagang likas na yaman ng Pilipinas. Tinatayang may 3
800 uri ng punong kahoy na makikita sa ating bansa. Bukod sa iba’t ibang uri ng
punongkahoy na makikita at makukuha sa mga kagubatan ay maraming
mahahalagang bagay ang ibinibigay nito.

- Una sa lahat dito naninirahan ang higit 50 porsiyento hanggang 80 porsiyento uri na
may buhay. Dito matatagpuan ang iba’t ibang uri ng halaman at dito rin nabubuhay ang
mga hayop.

- Isa sa mga pakinabang din ay nakakukuha tayo ng mga pagkain at gamut mula sa
kagubatan. Ito rin ang nagbibigay sa atin proteksiyon laban sa init ng araw.

- Dahil sa maraming punongkahoy ay nababawasan ang mga polusyon sa ating paligid.


Ito rin ang nagsisilbing likas na pangharang sa mga bagyong pumapasok sa ating
bansa. Gayundin, ng dahil sa mga puno ay naiiwasan ang pagguho ng lupa lalo na sa
mga may matataas na lugar sa ating bansa.

Ngayon, ang mahalagang tanong ay:


1. Bakit mahalagang ingatan, alagaan at bantayan ang kagubatan at iba pang anyong
lupa?
2. Sino ang higit na maaapektuhan kung tuluyang masira ito at pabayaan?

Ang akdang ating mababasa at mapakikinggan ay isang akdang pampanitikan o ang isang
pabulang pinamagatang “Ang Kaharian ng mga Hayop sa Gubat” na may kinalaman sa aking
ibinahagi sa inyo kung saan ay mga hayop ang gumaganap bilang tauhan. Handa na ba
kayo? Arat na!
At diyan nagtatapos ang ating kuwento. Ngayon ay balikan natin ang katanungan upang
pagtalakayan ang kinalaman ng mga hayop sa kagubatan.
1. Bakit mahalagang ingatan, alagaan at bantayan ang kagubatan at iba pang anyong
lupa?
2. Sino ang higit na maaapektuhan kung tuluyang masira ito at pabayaan?
3. Ano ang nagging responsibilidad ng mga hayop sa kagubatan?

PAGPAPAHALAGA
Sa inyong palagay, anong pagpapahalaga o core values ang maaari nating maiugnay sa
kuwento o pabulang ating napakinggan at tinalakay?

Aral: Dapat panglagaan ang kalikasang ipinagkaloob o ibinigay Poong Maykapal, dahil hindi
lamang mga hayop kundi kasama ang mga tao ang lubos na maaapektuhan kung
tuluyang masira at mapabayaan ang mga kagubatan o ng buong kalikasan.

Sa maliit na bagay o sa kahit na maliit na paraan tayo ay may magagawa upang


pangalagaan ang ating kalikasan. Pahalagahan ang ating kalikasan!

Ngayon naman ay ating pag-aaralan ang Talata at Paksang Pangungusap.

Ano ang Talata?


- Ang talata ay binubuo ng mga magkakaugnay na pangungusap na tumatalakay sa
isang paksa lamang. Ito ay nagtataglay ng paksang pangungusap. Ang isang talata na
mayroong iisang paksa ay hindi dapat pinaghihiwalay kung iisa ang pinag-uusapan rito.
Ibig sabihin ay tuloy-tuloy ang pangungusap upang mabuo ang isang talata.

Ano ang Paksang Pangungusap?


- Ang paksang pangungusap naman ay tumatalakay sa paksa o pangunahing kaisipan
ng talata na siyang sentro ng paksang binibigyang katuturan.

Halimbawa:
 Mahalagang mapanatili ang balanse ng kapaligiran upang maiwasan ang mga
suliraning nakaaapekto sa lahat ng nabubuhay. May mga sistema at prosesong
sinusunod ang kalikasan upang mapanatili ito. Ang bawat nilalang, malaki man o maliit,
maganda man sa paningin o hindi ay may mahalagang tungkulin sa pagpapanatili ng
kaayusan at sa patuloy na pagdaloy ng buhay ng buhay. Ang pagkakaiba-iba ng
tungkuling ginagampanan ng bawat uri ng ng mga nilalang ay naktutulong sa
pagkakaroon ng patuloy na mapagkukunan ng pagkain at iba pang pangangailangan
upang magpatuloy ang buhay rito sa daigdig.

- Mapapansin na ang talata ay hindi nahahati, bagkus ito ay nabuong isang talata
lamang.

Tanong sa Talata 1 at 2:
Batay sa halimbawang talata, ano sa palagay ninyo ang pinakapaksang pangungusap ng
talata? Yong pangunahing kaisipan, yong binibigyang diin upang bigyan ng katuturan o
pinag-uusapan

Pakatandaan Muli

BALIK TANAW
Batid kong may mahalaga kayong natutunan mula sa kuwentong ating natalakay noong
nakaraan—Ang Kaharian ng mga Hayop sa Gubat.

Ano ang Talata?


- Ang talata ay binubuo ng mga magkakaugnay na pangungusap na tumatalakay sa
isang paksa lamang. Ito ay nagtataglay ng paksang pangungusap. Ang isang talata na
mayroong iisang paksa ay hindi dapat pinaghihiwalay kung iisa ang pinag-uusapan rito.
Ibig sabihin ay tuloy-tuloy ang pangungusap upang mabuo ang isang talata.

Ano ang Paksang Pangungusap?


- Ang paksang pangungusap naman ay tumatalakay sa paksa o pangunahing kaisipan
ng talata na siyang sentro ng paksang binibigyang katuturan.

You might also like