Week 4 Activities

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Name _____________________________________________ Score ______

Mathematics
Q4W4
Solving Routine and Non-Routine Problems Involving the Volume of
a Rectangular Prism

ACTIVITY SHEET

Learning Task 1: Directions: Read, analyze and solve the problems by following the steps in problem solving.

1. A stockroom is 10 m long, 15 m wide and 10 m high. How many cubic meters of space is in the stockroom?

a. What is asked? ________________________________________________________________

b. What are the given facts? ______________________________________________________

c. What is the formula? ___________________________________________________________

d. What is the number sentence? _________________________________________________

e. Solution _______________________________________________________________________

f. What is the answer? ____________________________________________________________

2. A rectangular block of wood is 25 cm long, 20 cm wide and 15 cm thick. What is its volume?
a. What is asked? ________________________________________________________________

b. What are the given facts? ______________________________________________________

c. What is the formula? ___________________________________________________________

d. What is the number sentence? _________________________________________________

e. Solution _______________________________________________________________________

f. What is the answer? ____________________________________________________________

Name _____________________________________________ Score ______


ESP
Q4-W4
Aralin 4: Pangangalaga sa Kapaligiran, Tanda ng Paggalang sa Diyos na Lumikha
Tayo ay komunidad na nilikha ng Diyos. Nabubuhay tayo hindi lamang para sa ating sarili, kundi para rin sa
kapakanan ng iba. Ano man ang ating gagawin ay pananagutan natin sa ating sarili at sa mga taong
nakapalibot sa atin. Bilang miyembro ng ating pamayanan, mayroon tayong moral na obligasyon na
pangalagaan ang ating Inang Kalikasan. Nasa atin kung may maiaambag tayo sa pagkakaroon ng balanseng
kapaligiran. Ang simple nating mga Gawain ay magiging isang mahusay na kapakinabangan sa lahat ng tao na
siyang maninirahan sa mundo kahit na tayo ay wala na. Ang pakikiisa sa pagtatanim ng puno ay hindi lamang
sinasalita bagkus ito ay isinasagawa. Huwag nating hayaang mawala tayo sa mundo nang hindi tayo nakapag-
ambag ng kahit na isang puno sa mundo na ating kinalalagyan.

Halina’t basahin ang tula.

Halaman... Karugtong ng Buhay


Kaygandang pagmasdan ng mga halaman
Kaylamig sa mga mata ng luntiang taglay
Kapag nalulungkot o kaya’y matamlay
Dahon pagmasdan lang, wala na ang lumbay.

Ang mga bulaklak na napakaganda


Sa pusong may lungkot dulot ay ligaya.
Ang simoy ng hangin puro at sariwa
Kapag mga puno may dahong sagana.

Ang buong paligid kapag natatamnan


Ng mga punongkahoy at mga halaman
Pagmasdan ang langit waring kaulayaw
Dakilang Lumikha tila natatanaw.

Magtanim ng puno sa buong paligid


Upang kalikasa’y tunay na masagip
Programang “Clean and Green” laging isaisip
Balanseng paligid tiyak na makakamit.

Halama’y nilikhang sa tao’y gagabay


Upang maging maayos, takbo ng buhay
Dapat na mahalin at pakaingatan
Tulad din ng ating sariling katawan.

Salamat po, o Diyos sa mga biyayang bigay


Ng ating kalikasang mapagmahal na tunay
Ang pangako po nami’y lubhang pakaiingatan
Mga puno’t halaman habang kami’y nabubuhay.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Ano ang iyong nararamdaman habang binabasa ang tula?
________________________________________________
2. Nakasali ka na rin ba sa pagtatanim ng puno o halaman sa inyong lugar?
_________________________________________________
3. Ano-ano ang kabutihang dulot ng pagtatanim ng puno at mga
halaman?
________________________________________________
4. Ano ang maaaring mangyari kung patuloy na makakalbo ang mga kagubatan at hindi tayo magtatanim ng
mga puno’t halaman?
________________________________________________
5. Sa iyong palagay, ang pakikilahok ba sa mga proyektongpampamayanan ay tanda ng ating pagmamalasakit
at pangangalaga sa ating kalikasan? Ipaliwanag ang iyong sagot?
________________________________________________

Name _____________________________________________ Score ______


ESP
Q4-W4
Gawain sa Pagkatuto I. Panuto: Basahin ang sitwasyon at piliin ang dapat mong gawin. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
_____ 1. May proyektong inilunsad sa inyong pamayanan. Ito ay ang pagtatanim ng puno sa tabi ng
kalye at pangunahing lansangan. Paano ka lalahok dito?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Ako ang kukuha ng kanilang larawan.
C. Magpapakilala ako sa namamahala at kukumustahin ko siya.
D. Lalapit ako sa namamahala ng proyekto at aalamin kung paano ako makatutulong.

_____ 2. Nakatira kayo sa isang apartment. Walang bakanteng lote na mapagtaniman sa harap o
likod ng inyong tirahan. Nais mong makilahok sa proyektong pagtatanim ng gulay. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magtatanim ako sa mga lata, paso, lumang plastic na timba, palanggana o batya.
B. Iisip na lamang ako ng ibang proyekto.
C. Bibili ako ng artipisyal na halaman.
D. kalilimutan ko na lang ang pagsali.

_____ 3. Ang inyong barangay ay naglunsad ng proyektong “Magtipon ng mga Buto at Binhi” para sa
pagtatanim ng mga gulay sa buong lugar. Papaano mo ibabahagi ang iyong oras?
A. Ayoko ng ganitong proyekto.
B. Wala akong alam sa mga buto at binhi.
C. Magmumungkahi ako ng tindahan na mabibilhan nila ng mga buto at gulay.
D. Ako ay magtitipon ng mga buto at binhi at ibibigay ko sa barangay.

_____ 4. Ang pangulo ng Homeowners Association sa inyong subdibisyon ay nagpatawag ng pulong


para sa kabataang tulad ninyo para sa ilulunsad na bagong proyektong “Halamang Gamot Para sa
Kalusugan”. Papaano mo ibabahagi ang iyong oras sa proyektong ito?
A. Hindi ako dadalo sa pulong.
B. Magdadahilan ako na hindi ako pinayagan ng aking magulang.
C. Hindi ako interesado dahil wala akong pakialam sa proyekto.
D. Dadalo ako sa pulong dahil naniniwala ako na maganda ang maidudulot ng proyektong ito sa
aming lugar.

_____ 5. Ang Community Extension Services Unit ng isang kolehiyo na malapit sa inyong lugar ay
maglulunsad ng isang programa tungkol sa “Gulayan sa Bakuran” na makatutulong sa inyong lugar.
Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ako interesado sa ganitong proyekto.
B. Wala akong pakialam sa pagtatanim ng gulay sa aming bakuran.
C. Magbigay ako ng sapat na oras at panahon sa pagdalo sa isasagawang paglulunsad ng
proyekto.
D. Hindi na ako kailangang dumalo pa dahil alam ko na ang mga sasabihin nila.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO – QUARTER 3, WEEK 7


PROJECT RBB (Retrospect Batang Batangueño)

GRADE 4
Layunin: Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran saanman sa
pamamagitan ng:
12.1 Segregasyon o pagtatapon ng mga basurang nabubulok at di- nabubulok sa
tamang lagayan;
12.2 Pag-iwas sa pagsunong ng anumang bagay;
12.3 Pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay (recycling)

BALYUS: Kalinisan at kaayusan


Retrospect Batang Batangueño Challenge/Task:
Ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Challenge/Task nang nakaraang linggo.
Sa inyong barangay ay may alitununin na ipintutupad tungkol sa wastong pagtatapon ng
basura. Nakasaad dito na dapat ay magkahiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok na
basura. Bilang isang bata, gawin sa tahanan ang tamang paghihiwalay o pagtatapon ng
basura. I-text o i-message ang guro ukol sa kabutihang dulot nito.

Name _____________________________________________ Score ______


ARALING PANLIPUNAN
Q4-W4
Kahulugan at Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pahayag ay may kinalaman sa kagalingang
pansibiko.

____ 1. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan.


____ 2. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods.
____ 3. Pagtitinda upang kumita.
____ 4. Pagpapakain sa mga batang lansangan.
____ 5. Paglalaan ng oras sa bahay-ampunan.
____ 6. Pagtatanim sa mga gilid ng kalsada.
____ 7. Panood ng sine.
____ 8. Panlilibre sa barkada.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Lagyan ng tamang sagot ang bawat patlang upang mabuo ang pangungusap.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

1. Ang __________________ay isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang
kamalayan na may pananagutan sila sa kanilang kapwa.

2.Ang _________________ ay mga pagkilos at paglilingkod sa iba na kusang inihandog ng


indibiduwal.

3. Sakop ng kagalingang pansibiko ang mga pangangailangan sa


____________, _____________, __________ at ______________ na matugunan ng may pagkukusa
at walang inaasahang kapalit.

4. Mahalaga ang kagalingang pansibiko dahil __________________.

Name _____________________________________________ Score ______

EPP- ICT-ENTREPRENEUR
Q4-W4
LIGTAS AT RESPONSABLENG PAGGAMIT NG COMPUTER, INTERNET, AT E-MAIL
A. Magkaroon ng malinaw na patakaran sa paaralan sa paggamit ng computer, Internet at email
-Ang pasilidad ng internet ay para sa layuning pang edukasyon lamang.
-I-access o buksan ang internet ng may pahintulot ng guro.
-Bisitahin lamang ang aprubadong sites sa Internet.

B. Ipagbawal ang pagdadala ng anumang pagkain o inumin sa loob ng computer laboratory


-Ingatan lahat ng kagamitan sa loob ng computer laboratory.
-Sundin ang mga direksyon ng guro tungkol sa tamang paggamit ng anumang kagamitan.
-Gamitin lamang ang mga ligtas na search engine sa internet.
Halimbawa: www.surfnetkids.com

C. Magkaroon ng kaalaman sa pagkakaiba ng publiko at pribadong impormasyon


· Hindi dapat maglathala, magbigay o mamahagi ng anumang personal na
impormasyon tungkol sa iyo o sa ibang tao (katulad ng tirahan, email address o telepono).
· Gumawa ng password na mahirap mahulaan, at palitan ito kung kinakailangan
· Hindi dapat ibigay ang password kaninuman (maliban sa mga magulang) at siguraduhing nakalog-out
ka bago saraduhan o i-off ang computer
· I-shut down ang kompyuter at i-off ang koneksiyon ng internet kung tapos nang gamitin ang mga ito.
Hindi dapat hinahayaang nakabukas ang mga ito kapag hindi ginagamit.

Name _____________________________________________ Score ______

EPP- ICT-ENTREPRENEUR
Q4-W4

LIGTAS AT RESPONSABLENG PAGGAMIT NG COMPUTER,


INTERNET, AT E-MAIL

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Gumuhit ng  kung ang sagot ay Oo at  kung Hindi.


_____ 1. Natitiyak ang ligtas at maayos ang pinalagyan ng computer.
_____ 2. Nakakauupo ng tuwid at nakalapat ang mga paa tuwing gumagamit ng computer.
_____ 3. Nakakasaliksik ng mga impormasyon sa mga sites ng internet.
_____ 4. Natutukoy ang mga panganib na dulot ng paggamit ng internet at nakakaiwas
dito.
_____ 5. Nakapag-share o nagpapamahagi ng files sa mga kamag-aral upang makatulong
sa
paggawa ng takdang aralin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Panuto: Isulat ang TAMA kung ang isinasaad sa bawat
bilang ay wasto at MALI kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
_______ 1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng
impormasyon ang paggamit ng mga ICT equipment at gadgets.
_______ 2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw.
_______ 3. Maaaring magbigay ng personal na imporamsyon sa taong nakilala mo gamit
ang internet.
_______ 4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na hindi mo
naiintindihan.
_______ 5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang output sa panahong
liliban ka sa klase.

You might also like