Week 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 12-PILING LARANG


(AKADEMIK)
Quarter 1-Week 6

Isinulat ni:
ZENAS P. BOYLES
San Jose National High School
Talibon, Bohol
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK )


UNANG MARKAHAN-IKAANIM NA LINGGO
Gawain Bilang 1.16
Paksa: Talumpati/Mga Uri ng Talumpati
Kompetensi Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
: ( CS_FA11PU-0d-f-93 )
Layunin: Naipaliliwanag ang layunin, at iba’t ibang uri ng talumpati ayon sa lyunin batay sa sariling pag-unawa
Sanggunian: Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang ( Akademik ) pahina 141-143
( For Classroom use Only )
Lorenzo, Carmelita S. 1994.Sining ng Pakikipagtalastasang Panlipunan. Pahina 167-168
Copyright: Pending for Permission

KONSEPTO:

Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag tungkol sa isang mahalagang paksa. Maipakikikita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa
panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na paksang
pinag-uusapan. It ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa
isang partikular na paksa. Karaniwan itong isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Hindi madali ang gawaing pagtatalumpati kaya maraming nininerbiyos kapag sinasabing sila ay
magtatalumpati. Natural lamang na umatake ang nerbiyos sa sinumang magsasalita sa harap ng mga tagapakinig subalit
ito ay naaalis din pagkaraan ng ilang mga sandal kung ang dahilan ng nerbiyos ay ang tinatawag na “ stage fright”.Ang
nerbiyos ay karaniwang nararamdaman ng isang baguhang nagsasalita sa harap ng mga nakikinig. May dalawang
pangkaraniwang dahilan ng nerbiyos. Una, ang kakulangan ng kasanayan sa pagsasalita sa publiko at ang ikalawa ay ang
kakulangan ng kahandaan sa gagawing pagtatalumpati.

Masaklaw na layunin ng talumpati


1. Magbigay ng mga kaalaman o impormasyon.
2. Mang-aliw o magbigay ng kasiyahan.
3. Manghimok o mangumbinse.

Apat na uri ng talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng mga tagapakinig:
1. Biglaang talumpati ( Impromptu)- ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad
na ibinigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
2. Maluwag ( Extemporaneous )-Binibigyan ng ilang minuto ang mananalumpati para sa pagbuo ng ipahahayag na
kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.
3. Manuskrito- ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya
pinag-aralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong talumpati- katulad ng manuskrito mahusay din itong pinag-aralan at hinabi nang maayos bago
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

Mga Uri ng Talumpati ayon sa Layunin:


1. Talumpating nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran- layunin ng talumpating itona ipabatid sa mga
nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang
paglalahad ng datos kaya mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga dokumentong mapagkatiwalaan.
2. Talumpating Panlibang- layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Madalas
ginagawa ang ganitong talumpati sa mga salusalo, pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan.
3. Talumpating Pampasigla- layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig.
Karaniwang isinagawa ang ganitong talumpati sa araw ng pagtatapos, a mga paaralan at pamantasan, pagdiriwang
ng aniberaryo ng mga samahan o organisasyon, kumbensiyon, at sa iba pang pagdiriwang na kagaya ng mga
nabanggit.
4. Talumpating Panghikayat- pangunahing layunin ng talumpating ito na hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay- katwiran at mga patunay.
5. Talumpati ng Pagbibigay-galang- layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasaapi ng samahan o
organisasyon.
6. Talumpati ng Papuri- layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o
samahan.Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, talumpati ng pagkilala sa
isang taong namatay na tinatawag na eulogy, talumpati sa paggawad ng medalya o sertipiko ng pagkilala sa isang
tao o samahang nakapag-ambag nang Malaki sa isang samahan o sa lipunan, at iba pang kagaya ng mga ito.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK )

PAGSASANAY :

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Sa iyong sariling pag-unawa, ipaliwanag ang mga uri ng talumpati ayon sa layunin.
2. Ipaliwanag ang tatlong masaklaw na layunin ng talumpati.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK )


UNANG MARKAHAN-IKAANIM NA LINGGO
Gawain Bilang 1.17
Paksa: Talumpati
Kompetensi Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
: ( CS_FA11PU-0d-f-93 )
Layunin: Naibibigay ang mga paraan sa pagsulat ng epektibong talumpati
Sanggunian: Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang ( Akademik ) pahina
Constantino,Pamela C. et.al.2016.Filipino sa Piling Larangan (Akademik) pahina 227-229
Copyright: ( For Classroom use ONLY ) Pending for Permission

KONSEPTO:

Sa pagsulat ng talumpati, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Uri ng mga Tagapakinig- Sa pagsulat ng issang mahusay na talumpati, mahalagang magkaroon


ng kabatiran ang mananalumpati tungkol sa kaalaman, pangangailangan, at interes ng
kanyang magiging tagapakinig. May ilang dapat mabatid ng mananalumpati sa kanyang
mga tagapakinig:
 Ang edad o gulang ng mga makikinig- mahalagang alamin ang edad o gulang ng nakararami sa mga
tagapakinig. Iakma ang nilalaman ng paksa at maging ang wikang gagamitin sa edad ng mga nakikinig.
 Ang bilang ng mga makikinig-importante ring malaman kung ilan ang mga taong makikinig sa
talumpati. Kung maraming makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat isaalang-alang ng
mananalumpati. Mapaghandaan nangnhusto ang talumpati kung batid ang dami ng makikinig.
 Kasarian-madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng kalalakihan sa
kababaihan. Nagkakaroon din ng magkaibang pananaw ang dalawa hinggil sa isang particular na paksa.
Mahalagang malaman kung ang pagtitipong pupuntahan ay binubuo ng kalalakihan, kababaihan, o ng
magkahalong kasarian.
 Edukasyon o antas ng lipunan- mahalaga ring malaman ang antas ng edukasyon ng nakararaming
dadalo sa pagtitipon at maging ang antas ng kanilang buhay sa lipunan.
 Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakiking-dapat mabatid din kung gaano kalawak ang kaalamn
at karanasan ng mga tagapakinig tungkol sa paksa.
2. Tema o Paksang Tatalakayin- isa pang pangunahing bagay na dapat isaalang-alang sa pagsulat
ng talumpati ay ang tema ng okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon ng pagtatalumpatian.
Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa
layunin ng pagtitipon.

Mga hakbang na maaaring isagawa sa pagsulat ng talumpati


 Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na babasahin- ito ay maaaring maisagawa sa
pamamagitan ng pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa ensayklopedya, aklat, pahayagan,
magasin, at dyornal.
 Pagbuo ng Tesis- mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ng pangunahing mensaheng
ibabahagi sa mga tagapakinig.. Ang tesis ang nagsisilbing pangunahing ideya kung ang layunin
ng talumpati ay magbigay kabatiran, ito man ay magsisilbing pangunahing argumento o posisyon
kung ang layunin ng talumpati ay manghikayat, at nagsisilbi naman itong pokus ng pagpapahayag
ng damdamin kung ang layunin ng talumpati ay magtaguyod ng pagkakaisa ng damdamin ng mga
makikinig.
 Pagtukoy sa mga Pangunahing Kaisipan o Punto- ang pangunahing punto ang magsisilbing
batayan ng talumpati. Mahalagang mahimay o matukoy ang mahalagang detalyeng bibigyang-
pansin upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing talumpati.

3. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati


 Kronolohikal na Hulwaran-ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagkakasuno-sunod ng pangyayari o panahon.
 Topikal na Hulwaran- ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa
pangunahing paksa.
 Hulwarang problema- Solusyon- kalimitang nhahati sa dalawang bahagi ang
pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang ito- ang paglalahad ng suliranin at ang
pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK )

4. Kasanayan sa Paghabi ng mga Bahagi ng Talumpati- ang paghahabi o pagsulat ng nilalaman ng talumpati mula
umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang higit na maging mahusay,
komprehensibo, at organisado ang bibigkasing talumpati.

PAGSASANAY:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang dapat ikonsidera o bigyang-pansin sa pagsulat ng talumpati?


2. Bakit maging mahalagang palabasa at magsaliksik sa pagbuo ng talumpati?
3. Paano ka makasusulat ng isang epektibong talumpati?
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO SA PILING LARANG ( AKADEMIK )


UNANG MARKAHAN- IKAANIM NA LINGGO
Gawain Bilang 1.18
Paksa: Talumpati/Bahagi ng Talumpati
Kompetensi Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
: ( CS_FA11PU-0d-f-93 )
Layunin: Natutukoy ang mga bahagi ng talumpati
Sanggunian: Julian, Ailene B. et.al. 2016 . Pinagyamang Pluma- Filipino sa Piling Larang ( Akademik ) pahina 146-148
https://bit.ly/30as7Bx
Copyright: ( For Classroom use ONLY) Pending for Permission

KONSEPTO:

Bahagi ng Talumpati

1. Introduksiyon-ito ang pinakapanimula ng talumpati. Mahalaga ang isang mahusay na panimula upang:
 Mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga tagapakinig
 Makuha ang kanilang interes at atensiyon
 Maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa
 Maipaliwanag ang paksa
 Mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
 Maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe
2. Diskusyon o Katawan- makikita rito ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat
dito tinatalakay ang mahahalagang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang
pinakakaluluwa ng talumpati. Narito Ang mga katangiang kailangan g taglayin ng katawan ng talumpati.

 Kawastuhan- wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo at maipaliliwanag nang
mabisa ang lahat ng kailangang detalye upang maipaliliwanag nang mabisa ang lahat ng kailangang
detalye upang maipaliwanag ang paksa.
 Kalinawan- dapat maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati upang maunawaan ng
mga nakikinig.
 Kaakit-akit- gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para sa paksa.
3. Katapusan o Kongklusyon-Kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad
sa katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit malaman. Maaaring ilagay rito ang
pinakamatibay na paliwanag at kayeiran upang mapakilos ang mga tao ayon sa layunin ng talumpati.

Ang haba ng talumpati dito nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa
pagbigkas o presentasyon nito. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang
oras.

PAGSASANAY 1.

Panuto : Basahin at unawain ang bawat pangungusap . Punan ang angkop na salita ang bawat patlang.

1. Ang __________ ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati .


2. Inilalahad sa _________ ang layunin ng talumpati .
3. Nakasaad sa _________ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
4. -6. Dito nakalahad ang __________, _________, _________ upng makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa
layunin ng talumpati .

7-10 Sa pagpili ng __________ maaaring suriin kung saklaw ng napiling __________, __________, __________.

You might also like