Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

______________________ ) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, MARLON ALICANDO, may sapat na gulang,


Filipino at may pahatirang sulat sa c/o Surtida & Hernandez
Torbela Attorneys-at-Law sa 6th Floor, Strata 100 Building,
Emerald Avenue, Ortigas Center, Pasig City, matapos
makapanumpa ng alinsunod sa batas ay nagsasaad ng mga
sumusunod: NA--

1. Naitalaga akong driver para sa byahe ng


pampasaherong bus ng Bicol Isarog Transport System, Inc.
(BITSI) na may Plate Number na EVV455 at Body Number 423
mula Cubao Quezon City patungong Maasin, Leyte na umalis
ng Pasay Terminal noong ika-23 ng Setyembre, 2017.

2. Tinahak namin ang National Highway ng Brgy. Ga-


as, Baybay City bandang alas tres y media ng hapon
patungong Baybay City Proper.

3. Noong papalapit na ang minamaneho kong bus sa


intersection ng Brgy. Gaas ay unti-unti na akong nagbawas ng
bilis ng takbo at bumusina upang magbigay alarma sa mga
kalapit na sasakyan na may bus na papalapit.

3.1. Naitala sa BITSI Computer Generated Record


na ang tulin ng Bus 423 noong 24 September 2017 ay
ang mga sumusunod:

Speed,
Time Location
km/h
70, Baybay City Leyte,
09-24-2017 15:35:01 71
Philippines
70, Baybay City Leyte,
09-24-2017 15:35:16 75
Philippines
70, Baybay City Leyte,
09-24-2017 15:35:31 66
Philippines
70, Baybay City Leyte,
09-24-2017 15:35:47 57
Philippines
70, Baybay City Leyte,
09-24-2017 15:36:02 0
Philippines

Page 1 of 4
3.2. Ang kopya ng Computer Generated Report ng
BITSI ay kalakip ng Complaint-Affidavit, at may markang
Annex “C”.

4. Bukod pa dito, minarapat kong bawasan ang tulin


ng aking minamanehong bus sapagkat nais kong makitang
maigi ang mga sasakyang galing kaliwa, dahilang sa bandang
kaliwa ng intersection ay may malagong tanim na mala-
kawayan at halaman.

5. Habang papalapit sa intersection, napansin ko na


sa katapat na kalsada, gawing kanan ay may nakatayong tao
na may dalang bisekleta, na kalaunan ay nagpag-alamang si
Wilson Angurin.

6. Noong nakapasok na ang unahang bahagi ng bus


sa intersection ay may nakita akong matulin na puting Fortuner
na papatawid patungong Ormoc.

7. Base sa takbo ng Fortuner, napansin ko na hindi ito


nag-preno o nag signal na ito ay liliko. Noong mga oras na iyon
ay patuloy ang pagbabawas ko ng tulin ng bus. Sa kabilang
banda, ang Fortuner ay tuloy-tuloy pa rin sa matulin nitong pag
takbo.

8. Nang napagtanto ko na malaki ang posibilidad na


babangga ang Fortuner sa bus, pinilit kong mag full stop upang
maiwasan na magka-collision. Sa kasamaang palad ay nag
pang-abot pa rin ang dalawang sasakyan at nagkaroon ng
contact ang unahang bahagi ng bus at kanang bahagi ng
likuran ng Fortuner.

9. Sa sobrang bilis ng takbo ng Fortuner at ng pag


tama nito sa bus natangay ang aking minamanehong bus
pakanan at umikot naman ang Fortuner at nahulog sa kabilang
kalsada na noong mga panahong iyon ay under construction.

10. Nakita ko na yung taong nakatayo sa kabilang


kalsada na may dalang bike (Wilson Angurin) ay tumakbo
papalayo nang makita nyang papalapit ang bus sa direction ng
kinatatayuan nya.

Page 2 of 4
11. Pagkatapos matangay ng bus, agad kong
inalalayan ang pasaherong si Rhea Mae Ladero na tumilapon
sa dash board dahil sa impact.

12. Nang makababa na ako ng bus, nakita kong


dinudumog na ng mga tao ang lugar na pinangyarihan ng
insidente.

13. Nang may rumesponde nang ambulansya,


nasaksihan kong isinakay ang mga pasahero ng Fortuner
kasama ang nagmamaneho nito.

14. Kinuhanan ko ng video ang lugar ng aksidente at


nakuhanan ko si Wilson Angurin habang kinukwento nya ang
kanyang nasaksihan.

15. Nakuhanan ko din siya ng video habang sinasabi


niya na mali iyong Fortuner dahil sobrang matulin ito nang
papasok ng intersection at ng ipinilit nito na makatawid sa
kabilang kalsada.

15.1 Ang kopya ng video ay kalakip ng


Sinumpaang Salaysay na ito bilang Annex “1”.

15.2. Ang mga screen shots ng video ay kalakip ng


Sinumpaang Salaysay na ito bilang Annex “2-Series”.

16. Sinamahan ako ng aking mga kasamahan na sina


Rodelio Salo at Aldrin Aban sa Baybay City Police Station
upang makipag-tulungan sa imbestigasyon. Noong mga
panahong iyon, kapansin-pansin na wala ang driver ng Fortuner
at kahit sinong kahalili nito upang mag-bigay ng statement.

17. Ipinaliwanag namin sa pulisya na hindi nag give


way ang driver ng Fortuner at hindi tumigil sa intersection kahit
na nakapasok na sa intersection ang unahang bahagi ng bus at
kami ang nasa main road.

18. Sa kabila ng paliwanag namin nina Rodelio Salo at


Aldrin Aban at salaysay ni Wilson Anguring sa mga pulis, laking
gulat ko nang mag-labas ang Baybay City Police Station ng
Certification na hindi kumpletong isinaad ang buong
pangyayari.

Page 3 of 4
18.1. Ang kopya ng Certification ng Baybay City
Police Station na may petsang 25 Setyembre 2017, ay
kalakip sa Complaint Affidavit at may markang Annex “I”.

Na ginawa ko ang Sinumpaang Salaysay na ito upang


aking patunayan ang buong katotohanan ng mga nasasaad na
nasa itaas at paninidigan ko ito saan man at kanino pa man.

SA KATUNAYAN ay nilagdaan ko ito ngayong ika-_____


ng Hulyo 2018 dito sa ______________________.

MARLON A. ALICANDO
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this ___ day


of ________ 2018 at Baybay City, Leyte. I also certify that I
have personally examined the affiant and I am satisfied that he
voluntarily executed and understood his Sworn Statement.

__________________________
Solemnizing Officer

Page 4 of 4

You might also like