Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ma. Joy D.

Legaspi Grade 7-Kanlaon


Epekto ng Slang or Internet Language sa Lipunan

Alam mo ba ang tungkol sa salitang balbal o mas kilala sa tawag na slang? Ang salitang
balbal ay kalimitang ginagamit sa kalye at hindi sa mga pormal na pag-uusap o pagsusulat. Ito
rin ay tinatawag na salitang kalye o salitang kanto. Ito ay karaniwang ginagamit ng isang grupo
ng mga tao tulad ng mga bakla o mga taong gumagamit ng social media. Ang salitang ito ay ang
pinakamababang antas ng wika sa lipunan sapagkat ito ay impormal o di pormal.

Dahil sa teknolohiya, internet, at mga sikat na mga personalidad ay naging mas mabilis at
madali ang paglaganap ng mga salitang balbal. May mabuting epekto ang paggamit ng mga
salitang balbal dahil mas napapadali nito ang pag-uusap ng mga karaniwang tao kasali na rito
ang mga taong walang pinag-aralan. Ngunit mahihinuha na tila mas marami itong masamang
epekto sa lipunan.

Una, makapangyarihan at maimpluwensiya ang salitang balbal sapagkat halos lahat na ng


mga tao sa lipunan ang gumagamit nito upang sumabay sa uso. Dahil dito, marami sa mga tao
lalo na ang mga kabataan ay nagkakaproblema sa pagsasalita o pagsusulat gamit ang wikang
pormal. Maoobserbahan na karamihan sa mga bata ngayon ay nagsasalita na ng Taglish or
purong Ingles at nahihirapan na pagdating sa pagsasalit ng Filipino. Pangalawa, nagdudulot din
ng problema ang salitang balbal sa komunikasyon ng iba’t ibang henerasyon. Kalimitan sa mga
slang na salita ngayon ay hindi na naiintindihan ng mga matatanda. Laganap din sa mga
matatanda ang opinyon na ang paggamit ng mga salitang slang ay tila bastos o nagmumukhang
walang pinag-aralan ang gumagamit nito. Pangatlo, tila nalilimot na rin ang ating sariling wika
dahil sa mga slang na salitang patuloy na umuusbong. Kung tatanungin ang mga tao ngayon,
karamihan sa kanila ay hindi na alam ang ibig sabihin ng mga salitang batubalani, anluwage,
yakis, at iba pa. Panghuli, tila nasisira rin ng mga salitang balbal ang imahe ng wikang Filipino.
Ayon sa pag-aaral, na karamihan sa mga salitang balbal ay masagwang pakinggan at kulang sa
respeto. Maoobserbahan din na dahil sa social media ay mas pinagyayaman at pinapalaganap pa
ng mga Pilipino ang mga salitang slang kaysa sa sariling wika.

Sa kabuuan, ang salitang balbal ay parte ng ating wika ngunit dapat ay pakatandaan natin
na isang antas lang ito. Hindi dapat dito lang nakatuon ang ating pansin, kailangan din nating
linangin at palaguin ang ibang antas ng wika upang patuloy na yumaman ang ating sariling wika.
Hindi kasalanan na gumamit ng salitang balbal ngunit dapat ay alam din natin kung saan at
kailan ito tamang gamitin.

You might also like