Artifact

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

1. Maituturing bang dokumento o artifact ang Laguna Copperplate? Ipaliwanag.

Opo. Maituturing dokumento o artefact ang Laguna Copperplate dahil ito ay nilikha ng
ating mga ninuno ilang libong taon na ang nakakaraan na sumasalamin sa sistema ng kanilang
lipunan, pamumuhay o pakikipagkalakalan sa panahon nila, partikular na sa panahon ng
Maritime Trade.

2. Tukuyin ang mga taong nabanggit sa teksto. Ano ang kanilang papel sa lipunan?
Ipaliwanag ang kanilang ugnayan sa isa't isa.

Nabanggit sa teksto sina NMP Assistant Director Alfredo Evangelista, isang Pilipinong
arkeologo; Antoon Postma, isang Dutch na antropologo at mananaliksik na dalubhasa sa pag-
aaral ng kultura ng mga Mangyan at pamamaraan ng pagsulat ng mga katutubo; at si Dr.
Johannes de Casparis na isang Dutch na propesor, orientalist at indologist. Sila ay naiuugnay sa
isa’t isa sa pag-aaral ng Laguna Copperplate. Binili ni Alfredo Evangelista ang copperplate
upang mapangalagaan ito sa Pambansang Museo ng Pilipinas at dahil si Antoon Postma ay
malimit na bumibisita sa nasabing museo, ipinakita sa kaniya ang copperplate at nag-alok syang
suriin at tukuyin ang mensahe ng sulat na nasa Laguna copperplate sa tulong ni Dr. Johannes de
Casparis na isang eksperto sa pag-aaral ng mga sinaunang pamamaraan ng pagsulat ng mga tao,
partikular na ng mga Indiyano.

3. Batay sa impormasyong nakalahad, ano ang silbi ng Copperplate?

Ang copperplate ay ginagamit bilang opisyal na dokumento na nagdedeklara ng mga


napagkasunduan ng mga pinuno sa sinaunang panahon tulad na lamang ng isyu sa pagkakautang
ng isang tao o kung sya ba ay akusado sa isang krimen o hindi.

4. Bakit piniling ilagay ang teksto sa metal at hindi sa papel?

Sa aking palagay, ito ay dahil sa unang panahon, madalas na ginagamit ng ating mga
ninuno ang metal o bato upang makagawa ng mga kasangkapan at armas na kanilang
kinakailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay kung kaya ginamit na rin nila ito bilang

This study source was downloaded by 100000851884095 from CourseHero.com on 09-07-2022 05:34:11 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/90783324/ARTIFACTdocx/
sulatan. Palagay ko rin, wala pang papel sa panahon nila kaya nagtytyaga silang iukit sa bato ang
kanilang mga kasulatan.

5. Pinaniniwalaan ng mga dalubhasa na ang Copperplate ay isang ebidensya ng ugnayan


ng sinaunang pamayanang Pilipino sa mga pamayanang Hindu. May nakikita ka bang
ebidensya nito mula sa teksto? Ilarawan ito.

Opo. Sapat na ebidensya o patunay ang pag-aaral nila Postma and Casparis sa Laguna
Copperplate. Si Casparis ay isang indologist kung kaya mayroong kredibilidad sa kanyang
konklusyon patungkol sa ugnayan ng mga sinaunang Pilipino at Hindu na pinatunayan ng
pamamaraan ng pagsulat ng ating mga ninuno. Bagamat mayroong pagkakaiba ang kanilang
pamamaraan ng pagsusulat dahil Malay ang lingua franca ng mga sinaunang Pilipino sa
pakikipagkalakaran sa panahon ng Maritime sa timog-silangan Asia, mayroon itong
pagkakahawig sa paggamit ng Kawi bilang paraan ng pagsulat na nagmula sa Brahmi, isang
sistema ng pagsusulat sa Java, Indonesia.

This study source was downloaded by 100000851884095 from CourseHero.com on 09-07-2022 05:34:11 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/90783324/ARTIFACTdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like