Professional Documents
Culture Documents
FPL Reviewer
FPL Reviewer
-sa isang globalisadong mundo, nakaangat ang mga indibidwal na may kasanayan sa akademikong
pagsulat o intelektwal na pagsulat. Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-
iisip.
-may kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mgav idea, mag-isip
ng mga lohiko o makatwiran, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, magsuri at gumawa ng sintesis.
Organisado at lohikal.
Hitik sa impormasyon.
Dalawang kasanayan ang magkasabay na nahahasa sa pagsulat ng akademikong sulatin: ang
kasanayan sa pangangalap at pagsusuri ng mga kaalaman at ang kasanayan sa mabisang pamamahagi ng
mga kaalamang iyon. Ang pagsulat ng akademikong sulatin ay isang pagkakataon para sa heuristiko at
impormatibong mga gamit ng wika.
Sa pagbabasa ng sanaysay, encyclopedia, batayang aklat, balita, at iba pang akademikong sulatin,
maoobserbahang may iba’t ibang huwaran o padrong ginagamit upang maging malinaw ang daloy ng
mga ideya. Kabilang dito ang mga sumusunod:
· Sanhi at Bunga- paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto nito.
· Problema at Solusyon- paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga
ito.
· Kalakasan at Kahinaan- paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay,
sitwasyon, o pangyayari.
· Hitik sa impormasyon.
· Kritik- ito ay isang detalyadong pagsusuri ng mga kalakasan, kahinaan, katotohanan, kagandahan
at iba pang aspekto ng isang akda.
· Manwal- ito ay kalipunan ng mga panuto sa paggamit ng isang kasangkapan, pagpapairal ng isang
proseso, at iba pa.
· Ulat- ito ay kalipunan ng mga mahahalagang datos na ibinabahagi sa isang pangkat o organisasyon.
· Sanaysay- ito ay isang akdang naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda tungkol sa isang paksa.
· Disertasyon- ito ay isang saliksik na ginagawa ng mga mag-aaral sa antas doktorado bilang ambag
niya sa laranga.
· Papel panaanliksik- ito ay isang saliksik na binubuo ng ilang pahina na inilalathala sa isang dyornal.
· Rebyu ng mga pag-aaral- ito ay pagbasa at pagsusuri ng iba;t ibang saliksik o pag-aaral upang
matukoy ang mga paksang hindi pa gaanong nagagawan ng pag-aaral; ang mga kaalamang nagtutugma
sa mga ito; at ang mga temang karaniwan sa mga ito.
· Pagsasalin- ito ay pagtutumbas ng isang teksto mula simulaang lengguwahe patungo sa tunguhang
lengguwahe na may pagsasaalang-alang sa nilalaman, estruktura, estilo, at kultura.
· Anotasyon ng bibliograpiya- ito ay isang tala ng mga sanggunian na nagbibigay ng isang talatang
paglalarawan o pagtataya sa bawat isa.
· White Paper- isa itong papel na masusing tumatalakay sa isang suliranin at sa solusyong
makatutugon dito. Ginagamit ito upang mahikayat ang mga mambabasa na tangkilikin ang solusyon,
produkto, o serbisyong inihahain.
Ø Ito’y pinaikling buod ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyong edukasyong natamo, publikasyon, at
mga pagsasanay na taglay ng isang may-akda.
Ø Mahalagang may kaugnayan ang nilalaman ng isang bionote sa paksain ng isang publikasyon.
Ang maikli ngunit siksik, at ang mahaba na maihahalintulad sa isang entri sa ensiklopedya.
§ Pangalan
§ Organisasyong kinabibilangan
§ Kasalukuyang proyekto
§ Mga pamagat ng naisulat na aklat, artikulo, o kaugnay na akda tulad ng mga sining-biswal, pelikula,
pagtatanghal
Ø Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang introduksiyon.
KAHALAGAHAN NG ABSTRAK
Ø Natutulungan nito ang sino mang mananaliksik o manunulat na higit pang mapaunlad ang isang
paksa, saliksik, o sulatin.
Ø Hindi mauubos ang oras ng isang mananaliksik sa paggalugad o paghahanap ng mga material na
kailangan.
Ø Nakasulat ito sa ikatlong panauhan at nakabatay sa katotohanan at hindi opiunyon lamang ng may-
akda.
URI NG ABSTRAK
§ Explanatory Sintesis
-walang kritisismo
§ Argumentative Sintesis
Ø Hindi nangangailangan ng maraming batis upang makatas ang pinakalaman ng isang akda o
impormasyon.
Ø Pinaikling bersiyon subalit hindi nangangailangan ng mga bagong ideya, opinyon o tesis ukol sa
nabasang akda.
Sa madaling salita, ang sintesis at buod ay parehong nagpapakita ng pinaikling laman subalit higit na
maraming akda o batis ang kailangan para sa sintesis kaysa buod.