Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

CITY UNIVERSITY OF PASAY


(Pamantasan ng Lungsod ng Pasay)
Pasadeña street F.B Harrison, Pasay City

Name: Bernal, Shaina O. Date:


Section: BSE 2-1 Major in English Rating:
Subject: Life and Works of Rizal

TASK 4:
ANG LIHIM NG PAMILYA NI RIZAL

Introduction:
Isa nanamang dokumentaryong may matutunan na aral ukol sa mga lihim ng
pamilya ni Rizal. Sa tulong ni Howie Severino matuto tayo manuod, makinig at
umintindi tungkol sa mga lihim na maibabahagi. Sa dokumentaryong ito
malalaman o maibabahagi sa atin ang kaalaman at parte ito ng buhay ni Rizal.

Part 1/4
1. Sa pamilyang may labing-isang anak si Jose Rizal ang niño bonito.
2. Siya ay matalinong bata na malapit sa ina(ang kaniyang unang guro).
3. Sa family tree na ginawa ni Rizal noong 1896(huling taon ni Rizal sa mundo)
madaming nagtaka sa kadahilanang dahil halos kompleto ang pamilya ng kaniyang
ama na si Francisco Mercado. Ngunit mula sa ina niyang si Teodora, walang
sangay.
4. Biñan, kung saan nakatira ang mayamang pamilya ni Teodora Alonzo.
5. Dr. Bimbo Sta. Maria, isang matagal ng nananaliksim tungkol sa buhay ni Rizal.
6. Alonzo De Alberto
7. Isa si Dr. Bimbo sa mga kumikilos upang pigilan ang paggiba nh
makasaysayang lupang kinatatayuan nito.
8. Mahigpit na ipinagbabawal ang oagpasok sa bahay.
9. Dito din lumaki ang limang anak ni Lorenzo Alonzo De Alberto ang sinasabing
pinakamayamang residente ng Biñan.
10. Aton mismo sa mga isinulat ni Rizal nagkaroon ng eskandalo at hidwaan sa
pamilya at nadamay ang kaniyang ina.
11. Isang hidwaan na saksi umamo ang bahay na ito.
12. Isang daang taon nang yumao si Teodora ngunit hanggang ngayon hati padin
ang angkan at may banta na ang bahay nila ay kakalasin na at itatayo sa malayong
lugar.

Part 2/4
1. Sampung taong gulang si Rizal nang magsimula ang isang pangyayaring
magbibigay ng pilat sa kanilang kasaysayan.
2. May tiyo siyang katukayo si Jose Alonzo(kapatid ng kaniyang ina) at madalas
itong nasa espanya.
3. Teodora din ang pangalan ng asawa ni Jose Alonzo na si Teodora Formoso.
4. Nakasaad sa libro na Historia na si Gregorio Zaide ang may akda na madalas
bumyahe sa ibang bansa si Jose Alonzo.
5. Naiiwan lamang sa kanilang bahay ang kaniyang sposang si Teodora at ang
kanilang mga anak.
6. Sometime in 1872, Si Jose Maria Alonzo came home from his trips to Europe
and found the house was empty. His wife wasn't there, his children weren't there.
Nobody was there.
7. Only knew that his wife went with another man.
8. Nakakalungkot talaga na napendeho si Jose Alonzo ng kaniyang asawa.
9. Sinasabi ring paborito ni Teodora Alonzo ang kaniyang bunsong kapatid na si
Jose Alonzo.
10. Sinubukan ni Francisco na pigilan si Donya Teodora sa pakikialam sa mag
asawa dahil nga away mag asawa iyon. Ngunit bigo ito.
11. Pinaniniwalaan din ng iba na sa sobrang galit ni Jose Alonzo ikinulong nito ang
kaniyang asawa sa isang silid.
12. Ibinilin ni Jose Alonzo ang kaniyang asawa sa kaniyang kapatid.
13. Naisalin din ang kwentong ito kay Barbara Gonzalez na apo sa tuhod ng
kapatid ni Rizal na si Lola Maria.
14. Minsan daw dinalhan ng meryenda ni Donya Teodora kasama ng kaniyang
anak na ai Saturnina.
15. Nung pagbigay sa kaniya kinuha niya ito at tinawag ang kaniyang aso na may
pangalang Ronquillo at pinakain dito ang meryenda.
16. Nagulat siya ng mamatay ang aso.
17. Dahil sa nangyare sa aso, pinagbintangan ni Teodora Formoso si Teodora
Alonzo na balak soyang lasunin nito.
18. Sa galit ni Teodora Formoso tinawag niya ang head ng guwardiya sibil upang
sila ang umaresto kay Donya Teodora dahil nga pinagtangkaan daw siyang lasunin.
19. Ang pagbintan na panlalason daw kay Teodora Formoso ay ang naging dahilan
ng pagkakakulong ni Teodora Alonzo ng mahigit dalawang taon.
20. Kinumbinsi ng alkalde si Teodora Alonzo na umamin upang makita na niya
ang kaniyang mga anak, ngunit kahit pa umamin na ito ay wala paring nangyayare.
21. Lumipas ang mahigit isang daang taon, ang bahay na minsan naging tahanan
ng mga Alonzo ay pagmamay ari na ng mga Alberto.
22. Ang mga Alberto ang mga sumunod na henerasyon mula sa angkan ni Jose
Maria at Teodora Formoso.
23. Mula sa labas kapansin pansin ang magarang instraktura ng bahay, hindi mo
iisiping mahigit dalawang daang taon na itong nakatayo.
24. Kahit pa isinasaad sa batas na kinikilala ang anumang instrakturang may edad
singkwenta pataas bilang national landmark, wala padin itong plaque ng
pagkilanlan.
25. Ang hindi pagkilala sa bahay na ito bilang landmark ay nahpapaugong sa mga
chismis na bastardo umano ang pamilya Alonzo.

Part 3/4
1. Nang ipadala ang batang Rizal sa Biñan upang mag aral, sinasabing tumira si
Rizal sa isang tiyahin at hindi sa malaking bahay ng kaniyang lolo.
2. Buwang ng Hunyo noon ng umugong ang balitang ginigiba na ang bahay sa
Biñan.
3. Umalma ang grupo nila Dr. Sta. Maria sila ang United Artist For Cultural
Conservation and Development ng Biñan.
4. Sa harap ng bahay ng mga Alberto nag alay sila ng mga musika at drama.
5. Si Teodora Alonso ay pinaniniwalaang dito sa bahay na ito nagdalaga.
6. Ginoong Gerry Alberto ang kasalukuyang nagmamay ari ng bahay apo sa tuhod
ni Jose Alonso kapatid ni Teodora Alonzo.
7. Sinasabing half brother lamang ni Teodora Alonzo si Jose Alonzo.
8. Aa libro ni Zaide na ating ginagamit sa paaralan ang sinasabing ama at ina nila
Narcisa, Teodora, Gregorio, Manuel, at Jose ay sina Lorenzo Alonso at Brigida De
Quintos.
9. Ngunit sa ibang libro ng mga mananaliksik katulad nila Asuncion Lopez Batug
at Austig Greg nabanggit ang pagiging half brother ni Jose Maria Alonso.
10. Pumukaw ito kay Dr. Sta. Maria hanggang mahanap niya ang isang research
paper na nagsasaad tungkol sa isang kasalang naganap sa pagitan ni Lorenzo
Alonso at isang batang babaeng taga Vigan named Paula Florentino.
11. Fixed marriage pero hindi sila nag kaanak.
12. According to the book 1824 ten years after Lorenzo Alonso Alberto married
Paula Florentino he was foundly being with Brigida Quintos.
13. Dahil sa bahay at lupa nagpanggap si Jose Alonzo bilang tunay na anak nina
Lorenzo Alonso at Paula Florentino.
14. He disowned his mother Brigida.

Part 4/4
1. Kahit pa konti konti ng binabaklas ang mga oarte ng bahay, mararamdaman
padin ang ang karangyaang meron ang mga Alonso noong araw.
2. Ayaw ng mga Alberto na madawit ang kanilang pangalan sa pangalan ng ina ni
Rizal na tinuturing nilang bastarda.
3. Sa unti unting pakaubos ng bahay, pakonti konti na ring nauubos na rin ang pag
asa nila Dr. Sta. Maria na maisalba ito.
4. Ngunit para kay Ginoong Alberto may karapatan din sila bilang may ari.
5. The plan was to move every materials to Bataan.
6. Jose Alberto nachismis na nagka affair kay Saturnina na panganay na anak ni
Teodora.
7. At isa pa ay yung youngest sister daw ni Rizal na si Soledad ay anak daw ni
Saturnina kay Jose Alberto.
8. Noong nalaman daw na buntis si Saturnina pinagbakasyon ito somewhere tapos
sinundo ni Donya Teodora na matagal din nawala.
9. Pag uwi dala nila yung baby sabi ni Donya Teodora kanya yon at yun ang bunso
si Soledad.
10. Soledad daw was the prettiest.
11. Everyone can be a hero, you don't have to be in a perfect family.
12. Sa Rizal Library ng ADMU nakita ang isang ginuhit ni Rizal kung saan hindi
naman itinago ang pamilya nila Teodora at ayon dito iisa ang ama at ina nina
Teodora Alonzo at Jose Alonzo.
Conclusion:
Sa dokumentaryong ito nalaman kong hindi lang isa o dalawa ang mga bersyon ng
kwento at buhay ni Rizal. May ibang bumabase sa libro may ibang bumabase sa
kanilang paniniwala at ang iba naghahanap or nagreresearch. Ang lesson lang dito
sa dulo is yung line na "Anybody can be a hero, you don't have to be in a perfect
family." Magulo man ang kanilang pamilya sa side ng kaniyang ina ngunit hindi
ito naging hadlang para siya'y maging isang bayani ng Pilipinas.

You might also like