Activity 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Activity 1

1. Bilang isang guro sa hinaharap, gaano kahalaga ang gampanin at paggabay ng


guro sa kanyang mga mag-aaral partikular na sa pagkatuto nito ng wika? Ipaliwanag.

Bilang isang guro sa hinaharap, mahalaga ang pag gabay ng isang guro sa
mga mag-aaral partikular na sa pagkatuto nito ng wika dahil ito ang ating wikang
kinagisnan, ang wikang Filipino. Ginagamit natin ito para mas matuto nilang gamitin
sa pakikipag usap, pakikipag balagtasan o kahit saan man sila pumunta. Mahalaga
ang pag gamit ng wikang Filipino para hindi tayo mag mukhang tanga kapag meron
satin nagsasabi ng ating wika at kung tinatanong tayo ng taong hindi pamilyar sa
ating wika, may isasagot tayo na tama at magkakaroon din sya ng ideya tungkol sa
ating mga salita kung anong ibig sabihin nito. Dapat na maging “proud” ang bawat isa
satin sa pag gamit ng ating wika. Dapat na maintindihan ng mga mag aaral ang ating
wika dahil sa panahon ngayon, bilang na lang ang mga mag aaral na marunong at
nakakaintindi ng ating wika dahil nadadala sila sa mga makabagong teknolohiya
ngayon katulad ng cellphone, laptop, computer games, online games at kung ano ano
pang mga “social media” na aplikasyon. Dapat na ibigay muna ng mga mag-aaral ang
kanilang cellphone sa kanilang guro para mag makapag “focus” ang mga mag aaral
sa kanilang subject. At dapat din na mas turuan at gabayan ng mga magulang ang
kanilang mga anak sa kanilang pag aaral dahil ang mga guro ang kanilang
pangalawang magulang na mas magpapaliwang ng mga salitang ating ginagamit at
eksperto sa pagbibigay ng mga halimbawa o sitwasyon.

2. Anu-ano ang katangian ng wika batay Henry Gleason? Magbigay ng halimbawa sa


bawat isa.

Ang mga katangian ng wika batay kay Henry Gleason ay ang masistemang
balangkas, sinasalitang tunog at arbitraryo. Ang masistemang balangkas ay ito ay
ang pag gawa o pagbuo ng grupo ng mga salita na naaangkop sa pangugusap. Ito ay
may isang pangungusap na dapat isaayos sa pagkakasunod sunod o sa tamang
pangungusap. Ang halimbawa nito ay “Pagsisisi huli nasa ang” na dapat ay Nasa huli
ang pagsisisi. Ang sinasalitang tunog naman ay ito ay nakabuo na ng pangungusap
na ginagamitan ng pag bigkas gamit ang ibig na my tunog. Ang halimbawa nito ay
ang isang salawikain na “Kapag may tiyaga, may nilaga”. At ang arbitraryo naman ay
bumabanggit ang bawat isa sa ka miyembro ng salita at kung sino ang may mas
mataas na bilang sa pag gamit ng salita (voting) ay iyon ang gagamitin nila. Ang
halimbawa nito ay sa isang pangkat na my pulong na gustong gumamit ng mas
maganda at angkop na pamagat sa kanilang proyekto tungkol sa Agrikultura. Ang isa
ay gusto ng pamagat na Agrikultura para sa Lahat at ang isa naman ay Tanim, Pag
harvest at pag benta. Ang napili nang karamihan sa kanila ay ang Agrikultura sa Lahat
kaya yun ang kanilang ginamit para sa kanilang proyekto.

File name format:

Example:
SURNAME-II-26-Activity1
Font size: 11-12
Font style: Times New Roman/Arial/Calibr

You might also like