Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DAIGDIG: Tahanan ng may Buhay

Sa daigdig matatagpuan ang lahat ng may buhay. Dito makikita ang mga hayop, halaman,
tao, at mga bagay na gawa ng tao. Sa daigdig nangyayari ang mga nararanasan ng mga
namumuhay nito, dito rin umiikot ang buhay ng isang nilalang. Higit sa lahat, ang daigdig ay
gawa ng Diyos para sa mga tao upang mamuhay sa paraang nais ng Diyos. Ngunit, namumuhay
ba tayo, ang mga tao, sa paraang nais ng Diyos?

Ang daigdig ay binubuo ng halos 200 na bansa. Bawat bansa ay may iba’t ibang kultura
at paniniwala, paraan ng pamumuno ng bansa, lenggwahe, relihiyon, at iba pa. Gayunpaman,
mayroon ding bansa na magkatulad ng paniniwala sa partikyular na bagay. Kahit pa man may
iba’t ibang lahi ang pinagmulan, hindi nagkalayong nagkasundo ang mga tao. Sa ibang banda,
kahit ang mga tao ay may parehong lahi, hindi nila magawang magkasundo. Sa lawak ng
daigdig, ang bawat sulok ay may kwentong kanais-nais at hindi kanais-nais.

Noong unang panahon, simple lang ang pamumuhay ng mga tao. Masasabi ko ring, nasa
ayos na kalayagan ang daigdig ng panahong iyon. Walang hindi kanais-nais na hangin, may mga
puno na nakapaligid, hindi pa masyadong masakit ang init ng araw, at walang nakakalat na
sandamakmak na basura. Hanggang ang mga tao ay naging progresibo, maraming nagbago.
Maraming teknolohiya ang nabigyang buhay na nagpapagaan ng buhay ng mga tao, katumbas
din ito ng unti-unting pagkasira ng daigdig. Kahit maaga pa lamang ay masakit na ang init ng
araw, mausok ang paligid lalo na sa urbang lugar, at maraming basura ang nagkakalat. Ang
daigdig na dapat ay ingatan ay may maruming hangin, maruming karagatan, at maruming
kapaligiran.

Walang ibang planeta ang pwedeng tirahan ng mga tao, kung kaya’t ang daigdig ay dapat
ingatan. Ito’y naghihingalo na sa kamay nating mga tao, kung kaya’t dapat nating solusyonan at
hindi na palalain pa. Hindi pwedeng isa, dalawa, o milyong tao ang gagawa ng hakbang, dapat
tayong lahat ay may ambag sa ikakabuti ng daigdig. Kahit simpleng bagay man lamang ay
malaki na kung ating ipagpatuloy ang kaayosan ng ating mga aksyon. Hindi pa huli ang lahat, at
pwede pa nating pahabain ang buhay ng daigdig na nakalaan para sa atin. Hindi man para sa
henerasyong ito, pero para na rin sa susunod na mga henerasyon. Totoong may hangganan ang
lahat, ngunit hindi kailangang magdusa ng kahit sino man at maghintay hanggang umabot na sa
hangganan ang ating mga buhay.

You might also like