Buwan NG Wika Emcee Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BUWAN NG WIKA

EMCEE SCRIPT

Sabay: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

Jojie : Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malnsang isda: kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang nagmula
sa

ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay

ng isang tao.

Jessa: Siyang tunay Bb. Jessa. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na

nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na

naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang

bawat tao.

Jojie: Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkikilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t

ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga

mamamayan.

Jessa. Kaya ngayong umaga ating muling saksihan ang isang palatuntunan ng ating

paaralan bilang pag-alala n gating Wikang Filipino na may temang:

Sabay: Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.

Jojie: Maligayang Panonood sa lahat!

Jessa: Inaanyayahan po ang bawat isa na magsitayo, para sa Pambungad na panalangin,

na pangungunahan ng ICTED Kahimig Ensemble at susundan ng pambansang awit ng

Pilipinas

at Himno ng ICTED.
PANALANGIN, PAMBANSANG AWIT, HIMNO NG ICT-ED
Jessa: Sa pagkakataong ito ay ating pakinggan ang pambungad na pananalita, tawagin

natin ang Direktres ng Ugnayang Pang-Akademiko, Bb. Vina Mendoza.

PAMBUNGAD NA MENSAHE

Jojie: Maraming salamat po Bb. Vina sa iyong napakagandang mensahe, ngayon naman ay

aming inaanyayahan si Bb. Rachel De Vela upang ipakilala ang mga Hurado

PAGPAPAKILALA SA HURADO

Jessa: At ngayong nakilala na natin ang mga hurado na siyang huhusga sa bawat kalahok

ng paligsahan, atin namang alamin ang Krayterya o Pamantayan sa Paghuhu sga ng mga

hurado. Inaanyayahan si Gng. Nerissa Magsino para sa paglalahad ng pamantayan ng

bawat aktibidad.

PAGLALAHAD NG PAMANTAYAN NG BAWAT AKTIBIDAD.

Jojie: At ngayon sa puntong ito ng programa ay atin nang uumpisahan ang paligsahan,

Jessa: Subalit bago tayo mag umpisa ay atin munang pakinggan ang hiyawan ng bawat

grupo. Pakinggan ang hiyawan ng:

SalitanG11 ABM and TVL ng San Antonio, G11 ICT, G12 San Antonio, hindi din papahuli

ang Grade 11 ng Lipa, Grade 12 ng Lipa at ang College.

Jojie: Ayan talagang nag iinit na an gating mga estudyante kaya hindi na naming

patatagalin pa.

Jessa: Ang unang bahagi ng ating paligsahan ay ang pagtatagisan ng galing ng bawat

kalahok sa larangan ng balagtasan at deklamasyon. Ipapaliwanag ko lamang na ang

magiging daloy ay salitan ang balagtasan at deklamasyon, kaya pagkatapos ng isang

balagtasan ang susunod ay deklamasyon naman. Kayat sa mga gurong taga payo ng bawat

kalahok mangyaring pakigabayan ang inyok pambato para sa maayos na daloy ng

programa.
Jojie : Ayan! At sa puntong ito, tinanawag ko na ang ating unang kalahok sa Balagtasan,

Nagmula sa

- - - - - - - BABANGGITIN ANG MGA KALAHOK-----

Jojie: Ayan maraming salamat po sa mga kalahok ng balagtasan at deklamasyon. Bago

tayo dumako sa ikalawang bahagi ng palatuntunan, ay ang lahat ay pinapayagang

magtanghalian. At mag papatuloy ang programa sa ganap na alas 12:15 ng hapon….

Jessa: Sa pagkakataong ito na ang lahat ay nakapananghalian na muli nais naming

pakinggan ang hiyawn ninyo. (Roll Call)

Jojie: Mukhang handa nang muli an gating mga mag aaral, Bb. Jessa. Kaya’t hinihiling ko

na muli mong ipaliwanag ang magiging daloy naman ng paligsahan ngyong hapon.

Jessa: Ang paligsahan ngayong hapon ay ang Bigsaywit at ang isahang pag-awit. Mauuna

ang isahang pag awit at susundan ng tatlong sunod sunod na Bigsaywit at isa muling

Isahang pag awit at kasunod ng dalawang bigsaywit.

ISAHANG PAGAWIT, BIGSAYWIT

Jojie: At para naman muling mabuhayan ang bawat isa narito ang isang pampasiglang
bilang mula sa mga piling mag aaral ng…..

Jessa: At sa puntong ito, ay atin nang malalaman kung sino ang mga nagwagi.

PAGAGAGAWAD

Jojie: Maligayang bati sa mga nanalo! At ngayon ay inaanyayahan naming si Bb. Grace

Velga para sa Pangwkas na Pananalita.

You might also like