Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino Baitang 8

Lunes 8:30 n.u – 9:30 n.u


Ika- 5 ng Setyembre 2022
I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa panahon ng
mga Katutubo,Espanyol at Hapon.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nabubuo ang isang makatutuhanang proyektong panturismo.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
1. Naiuugnay ang mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa mga
pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.(F8PB-Ia-c-22)

a. Natutukoy ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan.


b. Nakabubuo ng isang sanaysay na nagpapakita ng mahalagang kaisipang nakapaloob sa
mga karunungang-bayan.
c. Nakapagpahahalaga sa mahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan.

II. NILALAMAN
MGA KARUNUNGANG BAYAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
1. MELC 229
2. Mga larawan sa google

B. Iba pang Kagamitang Panturo


1. Powerpoint Presentation
2. Laptop
3. Speaker
IV. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawain ng Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN
a. Panalangin

Inaanyayahan ko ang pangulo ng klase Iyuko ang mga ulo at tayo’y manalangin. Amen
na pangunahan ang panalangin.

b. Pagbati

Magandang umaga klas! Magandang umaga po Gng. Ella


Magandang umaga mga kaklase!
Magandang umaga.

c. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago umupo ayusin ang hanay ng mga Maraming Salamat po ma’am.


upuan at pulutin ang mga basurang
makikita sa paligid at itapon ito sa
basurahan.
Maaari ng umupo klas.
d. Pagtala ng Liban
Wala pong lumiban sa klase ma’am.
Tinatawag ko ang atensyon ng ating
kalihim na itala ang mga lumiban sa
klase.
(tatlong pakpak at tatlong padyak)
Mabuti naman at walang lumiban sa
ating klase.Gustong gusto niyo
talagang matutu ng mga bagong
aralin.
Ngayon bigyan ang mga sarili ng
tatlong palakpak at tatlong padyak.

B. Balik-Aral sa nakarang aralin at /o


pagsisimula ng bagong aralin.

a. Balik-aral Ma’am ang gramatika po ay katulad ng bahagi


ng pananalita samantalang ang panitikan po ay
Sinong nakaalala sa mga aralin tulad ng mga alamt,kwentong-bayan,sawikain
tungkol sa gramatika at panitikan. at iba pa.

Tama ka Kyle.
Mahusay at naalala mo pa ang mga
halimbawa nito ,sa pagbibigay mo
nang halimbawa mas lalong
maiintindihan ang pagpapakahulugan
nito. Opo ma’am.

Kung gayon klas.


Nababatid kung handa na ang lahat
para sa ating aralin ngayong araw.
Handa na ba ang lahat?

C. Paglalahad ng aralin

Panuto:Basahin ang bawat pahayag at


inyong tutukuyin kung ang mga ito ay
a. Bugtong
b. Salawikain
c. Sawikain Bugtong (Manok)
d. Kasabihan
Sawikain
1. Tag-ulan o tag-araw,hanggangtuhod
ang salawal. Salawikain
2. Aking napagtanto na tayo pala ay
abot-tanaw ng Panginoon. Bugtong
3. Kung ano ang puno,siya rin ang
bunga. Sawikain
4. Hinila ko ang tadyang,lumapad ang
tiyan.
5. Hindi lahat ng mayaman ay asal
hayop.

Mahusay at tumpak inyung mga sagot klas.


Talagang handing-handa na ang lahat para sa
ating aralin. Bigyan ng tatlong pakpak at
tatlong padyak ang mga sarili. Walang laro o sugalan kundi mga kwentong
D. Paghahabi sa Layunin ng Aralin pala-isipan.

Naaalala mo ba ang kwento sayo ng mga


matatanda sa tuwing may lamay ? Ano ang Opo ma’am.
sinasabi nila klas?

Tama ! Tulad na lamang ng talas ng isipan


kung saan pinapasagot kayo nang mabilisan
sa bugtong. Tama ba klas? Isa itong
halimbawa ng mga karunungang bayan.

E. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


Sagot: Saging
bagong aralin
Sagot:Buwan
Mag-Bugtungan tayo!
1. Nanganak ang birhen,itinapon ang Sagot:Banig
lampin.
2. Kaisa-isang plato,kita sa buong Sagot:Bote
mundo. Sagot:Yoyo
3. Sa araw ay bumbong sa gabi ay
dahon.
4. Nagbibigay na,sinasakal pa.
5. Hindi tao,hindi ibon,bumabalik pag
itapon.

Napakaling mahusay ang inyung mga


sagot.Napakatalas ninyong mag-isip.
Ngayon ating pagyamanin ang iba’t ibang uri
ng karunungang bayan.

F. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1

Iba’t ibang uri ng karunungang bayan.


1. Bugtong(Riddles)
-ay uri ng palaisipang nasa anyong
patula. Isang pangungusap o tanong
na may nakatagong kahulugang
nilulutas bilang isang palaisipan.

Nagsisilbing itong libangan ng ating mga


ninuno na nagpasalin salin sa bibig ng mga
tao sa kasalukuyan.
Opo ma’am.
Halimbawa: Isda ko sa Mariveles nasa loob
ang lakiskis.
Sagot: Sili

Ngayon klas alam niyo na ang ibig sabihin ng


mga bugtong at mga halimbawa nito. Tama
ba klas?

2. Salawikain (Proverbs)
-karaniwang patalinghaga na may
kahulugang nakatago. Karaniwang
nasusula ng may sukat at tugma kaya
masarap pakinggan kapag binigkas.

Halimbawa: Natutuwa kung Dahil po sa ito ay matalinghaga ma’am.


pasalop,kung singili’y napopoot.

Ang kahulugan nito ay “Magaling


mangutang pero hindi marunong
magbayad”.
(nagbigay ng mga halimbawa)
Ngayon klas paano natin masasabing
ito ay salawikain?

Mahusay,tumpak ang iyong sagot.

3. Kasabihan(saying)
-ito’y hindi gumagamit ng mga
talinghaga gaya ng salawikain. Payak
o simple ang kahulugan. Ang
kilos,ugali, at gawi ng isang tao ay
masasalamin dito. (nagbigay ng mga halimbawa)

Halimbawa: Putak,putak Batang


duwag Matapang ka’t nasa pugad.

Ang kahulugan: Matapang lang dahil


nasa balwarte ang bata.

4. Sawikain(idyoma)
-ito ay patambis,ginagamitan ng mga
salitang eupemistiko,patayutay o
idyomatiko upang maging maganda
ang nakasasakit ng damdamin.

Halimbawa: Mahaba ang kamay.


Kahulugan: Magnanakaw.

Ang kahulugan nito ay pagiging mapagkunwari


G. Pagtalakay sa bagong konsepto at o mapagpanggap lamang.
paglalahad ng bagong kasanayan #2

Ating pagyamanin ang mga Pagkakaroon ng kakulangan sa pag-unawa sa


karunungang-bayan. gawaing mabuti at nararapat.

1. Nagmamatandang
Kulit,Nagmumurang kalupit.

Ano ang kahulugan nito klas?

Kung tubig ay magalaw,ang ilog ay


mababaw.

Ano kaya ang kahulugan nito klas?


H. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa
Formative Assessment) Sa unang salawikain po minsan na po akong
mapagkunwari kasi kailangan po sa isang
Magbigy pa ng iba’t ibang halimbawa sitwasyon. Kahit alam nang iba na
ng mga karunungang-bayan na alam nagpapanggap ako ginagawa ko parin po.
ninyo at ibigay ang mga kahulugan
nito?

I. Paglalapat ng aralin sa pang-araw


araw na buhay. 1. Bugtong
2. Sawikain
Mula sa dalawang saliwikain alin dito 3. Salawikain
ang repliksyon ng iyong sarili? 4. Kasabihan

Subukan mo nga ipaliwanag kung


bakit ka naging ganito?

J. Paglalahat ng Aralin
Mula sa ating paksang Karunungang-
Bayan ibigay muli ang mga uri nito.

Tama mahusay.
Sa inyong palagay gaano ka halaga
ang mga karunungang-bayan na
ibinahagi ng ating mga ninuno?

K. Pagtataya ng Aralin
Bumuo ng isang sanaysay na
nagpapakita ng kahalagahan ng mga
karunungang-bayan na ibinilin ng mga
ninuno at magbigay ng mga
halimbawa nito.
Narito ng pamantayan:
May kaayusan sa 20
pagsulat
May nilalaman 10
May halimbawa 10
Malinaw ang 10
kaisipan
KABUUAN 50 puntos

V. TALA
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

VI. PAGNINILAY
a. Bilang ng nakakuha ng 80% sa pagtataya________________________.
b. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation__________________.
c. Nakatutulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.__________
d. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation._______________
e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakakatulong ng lubos? Paano ito
nakatutulong?___________
f. anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?__________
g. anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?______________________

Inihanda ni: Gng. ELAINE H. TATOY


Guro sa Filipino

You might also like