Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KONSEPTONG PAPEL

I. Pamagat

KALAGAYAN NG WIKANG “MERANAW”: ETNOGRAPIKAL NA

PANANALIKSIK SA KINAGISNANG KULTURA NG MAGULANG

Mananaliksik:

Yasser B. Wagwag
STEM 11A – Angel Alcala

yasserwagwag@gmail.com

Coach:

Cecilia V. Repalda
GURO-SHS

Cecelia.repalda001@deped.gov.ph
II. Rasyonal

Ang wika ay lubhang napakahalaga sa maraming aspeto ng ating

pang-araw-araw na buhay. Ayon kay Gleason (2013), ang wika ay "isang

sistematikong balangkas ng tunog na nakatayong magsasalita ng mga taong

kabilang sa kultura." Sa katunayan, ito ang kinikilala bilang kaluluwa ng isang

kultura. Nakikipag-ugnayan tayo sa ganitong paraan. Maaari nating ipahayag ang

ating sarili at ang ating mga ideya sa pamamagitan nito. Sa pamamagitan rin nito ay

nalalaman natin kung ano ang sinisikap sabihin ng ating kapwa. Nauunawaan at

nagkakaunawaan ang lahat ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

Sa ating bansang Pilipinas, partikular na sa isla ng Mindanao, ay

mayroong napakaraming barayti ng mga wika. Isa na rito ang wikang Danao na

nahahati sa tatlong dayalekto: ang Meranaw, Magindanaw at Iranun (Kaufman,

2011). Ang mga taong kalimitang gumagamit ng mga wikang ito ay mga Muslim na

nakatira sa bandang timog-kanluran ng islang Mindanao sa Pilipinas. Kaugnay dito,

ang pag-aaral na ito ay espesyal na nakapokus sa wika ng mga Maranao na

kinalakihan ng mga ninuno ng mananaliksik.

Ang Muslim Maranao, ang pinakamalaking non-Christian ethnic group

sa Pilipinas, ay naninirahan sa paligid ng Lake Lanao sa Kanlurang Mindanao mula

pa noon ika-13 siglo, na humiwalay sa kanilang mga kamag-anak na Iranun sa

baybayin noong panahon na iyon. Ito ay nasasalamin mismo sa salitang Maranaw

na nangangahulagang “people by the lake” o mga tao sa paligid ng lawa (Allison,

1979). Napanatili ng ilang Maranao ang ugnayan sa kalapit nitong katutubong

Iranun, na sumama naman sa kanila sa pagsalakay ng mga alipin sa mga kapuluan

ng Pilipinas at Indonesia. Gayunpaman, ayon sa mga alamat, nagmula raw ang mga
Maranao sa Bembaran, isang kahariang lumubog sa ilalim ng dagat dahil sa

pagtanggi nito sa relihiyong Islam (Disoma, 1990).

Ang “Meranaw” ay isang wikang Malayo-Polynesian na ginagamit ng

mga katutubong Maranao sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa

Mindanao sa Pilipinas, pati na rin sa Sabah sa Malaysia. Ipinapalagay ng mga

pagtatantya na nasa pagitan ng 800,000 at isang milyon katao ang gumagamit ng

wikang ito. Ang Meranaw ay kabilang sa sangay ng mga lingguwaheng Malayo-

Polynesian sa Timog ng Pilipanas at malapit ding nauugnay sa wikang Ilanun at

Maguindanaon, na sinasalita naman sa sabah sa Malaysia, at sa ilang bahagi ng

Pilipinas. Ang wikang Meranaw ay sinusulat gamit ang alpabetong Latin, bagama’t

noong nakaraan ay isinulat ito gamit ang isang bersyon ng Arabic script, tulad ng

Malay (Lobel, 2011)

Ang mga kultura at wika tulad ng Meranaw ay nanganganib na mawala

at matabunan sa kasaysayan ng mundo lalo na sa kasalukuyan at modernong

panahon at sitwasyon. Ayon kay Drew (2022), tinatakpan ng adyendang

globalisasyon ang mga lokal na kultura at wika ng mga sikat na dayuhang kultura, na

siyang nagpapabilis sa paglimot sa mga tradisyon ng isang lugar. Ang pag-aaral ni

Dorji (2009), na nagsasabing ang mga tradisyon ay nasa panganib ng pagkalipol at

pagkalimot, ay nagpapatipay din sa pananaw na ito.

Dahil dito, nilalayon ng mananaliksik na itaas ang kamalayan ng

publiko tungkol sa unti-unting pagkawala ng ating mga tradisyon bilang resulta ng

globalisasyon, gayundin na isulong ang lokal na wika at kultura ng mga Maranao sa

bagong henerasyon ng bansa upang matiyak ang pagpapatuloy at pag-unlad ng

kulturang ipinamana sa atin ng mga ninuno nang hindi ito mawalay sa ating bansa.
III. Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pananaliksik na ito na:

A. Maitala, maisalin, at masuri ang iba’t ibang mga tradisyon at kaugalian na

ginagawa ng mga Maranao at maiugnay ito sa kanilang kultura at

identidad na bumubuo sa kanilang kumunidad.

B. Maipakita, maibahagi, at maisulong ang kultura at wikang Meranaw sa

bagong henerasyon ng bansa.

IV. Mga Tiyak na Layunin

Layunin din ng papel na ito na masagot ang mga katanungan na mas magbibigay-

linaw ukol sa nasabing paksa:

A. Anu-ano ang mga tanyag o pinakamatagal na tradisyong ginagawa ng

mga Maranao?

B. Paano nakakaapekto ang mga tradisyong ito sa wika at kulturang Meranaw?

C. Bakit mahalagang maunawaan ang kultura at identidad ng mga Maranao?

V. Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng isang kwalitatibo at etnograpikal na

uri ng metodolohiya sa pananaliksik, gamit ang open at semi-structured na mga

panayam bilang pamamaraan ng pagkolekta ng datos. Ayon kay Caulfield (2020), ito

ang uri ng pag-aaral na akma sa pagtutok sa isang partikular na grupo upang

obserbahan ang kanilang kultura at pag-uugali. Kaugnay nito, ang pag-aaral ay

gagamit ng isang purposive sampling na paraan sa pagpili nito ng mga kalahok sa

pananaliksik. Panghuli, isasaalang-alang din ang mga etikal na salik tulad ng

“confidentiality” patungkol sa indibidwal bilang pagrespeto sa karapatan ng kalahok.


VI. Kahalagahan ng Pananaliksik

Sa pamamagitan ng isang komprehensibong pananaliksik ng pag-aaral

sa mga tradisyon, kultura at wikang Maranao, maipapakita at maisusulong ang mga

ito para sa bagong henerasyon ng ating bansa upang mapigilan ang pagkawala ng

mga ito sa ating kasaysayan. Mas mapapahalagahan rin ng publiko ang papel na

ginagampanan ng mga lokal na kultura sa pagpapausbong at pagpapaunlad sa ating

identidad o pagkakakilanlan bilang isang komunidad at bansa.

Ang mga matutuklasan ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa

pagpapaliwanag at pagbibigay ng kaalaman tungkol sa kultura at wika ng mga

Maranao. Higit pa rito, ang mga institusyong pang-akademiko at panlipunan ay

makakakuha ng mga pananaw at impormasyon mula sa pagsusuri ng pananaliksik

upang mas mahusay na matuklasan kung paano makakayanan at mareresolba ang

problema ng unti-unting pagkawala ng ating lokal na kultura. Panghuli, ang

pangkalahatang ideya na iaalok sa pananaliksik na ito ay mag-uudyok sa pagbuo ng

mga bagong disenyo na magiging mahalaga para sa mga pag-uusap sa hinaharap

na maaaring humantong sa isang mas malalim na pagsusuri sa paksa.

VII. Mga Inaasahang Bunga

Ang pananaliksik na ito ay umaasang maipahayag, mabigyang-pansin,

at maipakilala ang maraming tradisyon at kaugalian na ginagawa ng mga Maranao , na

gagamitin upang matuklasan at mas maintindihan ang kultura at pagkakakilanlan na

bumubuo sa kanilang mga komunidad. Dahil dito, inaasahan din na ang pag-aaral

na ito ay makapagbibigay at makapagpapalaganap ng kultura at wikang Maranao sa

bagong henerasyon ng ating bansa, na magbibigay-daan sa lipunan na higit na

maunawaan ang kanilang kahalagahan sa ating pambansang pagkakakilanlan.


Ang mga matutuklasan ng pag-aaral na ito ay inaasahang magbigay

ng inspirasyon at motibasyon sa ating mga katutubo at kapwa Maranao na

ipagmalaki at ipahayag ang kanilang sariling kultura, wika, at pagkakakilanlan sa

bansa at sa buong mundo. Lalago ang pag-unawa at kamalayan ng mga estudyante

gaya ko at ng pangkalahatang publiko sa kahalagahan ng pagtangkilik at

pagpapahalaga sa lokal na kultura at wika ng ating bansa, ang Pilipinas.

Panghuli, ang pangkalahatang ideya at datos na malalahad sa pag-

aaral na ito ay inaasahang magagamit ng mga iskolar o iba pang mananaliksik sa

hinaharap na magnanais na ituloy ang pananaliksik sa isyung ito. Kasama rin dito

ang mga institusyong gustong maunawaan ang mga hamon na kinakaharap ng mga

lokal na kultura at wika sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng kanilang mga

pagkakakilanlan at identidad.

VIII. Sanggunian

Allison, E.J. (1979). Proto-Danaw: A Comparative Study of Maranaw, Magindanaw,


and Iranun. Papers in Philippine Linguistics. Pacific Linguistics, The Australian
National University. Kinuha noong ika-26 ng Mayo, taong 2022, mula sa
https://www.sealang.net/archives/pl/pdf/PL-A55.53.pdf

Caulfield, J. (2020, March 13). What Is Ethnography? | Definition, Guide &


Examples. Kinuha noong ika-26 ng Mayo, taong 2022, mula sa
Scribbr;www.scribbr.com.https://www.scribbr.com/methodology/ethnography/
#:~:text=Ethnography%20is%20a%20type%20of,that%20the
%20ethnographer%20produces%20afterwards.

Disoma, E.R. (1990). The Meranaw: A Study of Their Practices and Beliefs. Marawi
City: Mindanao State University. Kinuha noong ika-26 ng Mayo, mula sa
https://www.nlb.gov.sg/biblio/6865573

Dorji, T.C. (2009). Preserving our Folktales, Myths and Legends in the Digital Era.
Journal of Bhutan Studies. Kinuha noong ika-26 ng Mayo, taong 2022, mula
https://www.bhutanstudies.org.bt/publicationFils/JBSVVol/%Preserving%our
%Folktales,%Myths%Legends%inthe%Digital%Era,pdf

Drew, C. (2022). Cultural globalization (examples, pros, cons) – AP human Geo.


Helpful Professor. Kinuha noong ika-26 ng Mayo, taong 2022, mula sa
https://helpfulprofessor.com/cultural-globalization-examples-pros

Gleason, H. (2013). Katangian ng Wika. Scribd. Kinuha noong ika-26 ng Mayo,


taong 2022, mula sa https://www.scribd.com/document/350875745/Henry-
Gleason-Katangian-Ng-Wika

Kaufman, Daniel. (2011). Exclamatives and temporal nominalizations in


Austronesian. 10.1075/tsl.96.25kau.

Lobel, J. (2011). Maranao dialogs and drills9781931546652. dokumen.pub. Nakuha


noong ika-26 ng Mayo, taong 2022, mula sa https://dokumen.pub/maranao-
dialogs-and-drills-9781931546652.html

You might also like