Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LEARNING PLAN in FILIPINO 9

PETSA:
MARKAHAN: IKALAWA
GURO: Bb. CHARITY A. RAMOS

CONTENT STANDARD:
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya.

PERFORMANCE STANDARD:
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga
akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.

ESSENTIAL UNDERSTANDING:
Maunawaan ng mga mag-aaral na…
(Overarching)
1. Ang pag-aaral ng iba’t ibang panitikang nagmula sa Timog-Silangang Asya ay makatutulong upang
mapagtibay ang pagkakakilanlang Asyano.
(Topical)
2. Ang kabataan ang susunod na lider ng ating bansa. Napakalaki ng potensiyal ng Pilipinas na
umunlad, kailangan lamang ay malinang sa bawat isa ang tunay na pagmamahal sa Inang Bayan
sa pamamagitan ng pag-aalay ng sariling lakas at talino upang linangin ang yaman nito sa halip na
tumungo sa ibang bansa at doon magtrabaho.
3. Ang tauhan ang isa sa pinakamahalagang elemento ng akdang pasalaysay. Nakasalalay sa
maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang pagiging epektibo ng akda.
4. Mahalagang maging maingat sa pagpili at pagtanggap ng mga impormasyon kaya kailangang
maunawaan natin kung kailan nagiging makatotohanan ang mga pahayag.

ESSENTIAL QUESTION:
(Overarching)
1. Bakit kailangang alamin ang iba’t ibang akdang pampanitikan mula saTimog-Silangang Asya?
(Topical)
2. Bilang kabataan, bakit mahalagang ialay natin ang ating lakas at talino sa pagpapabuti ng
kalagayan ng ating Inang Bayan?
3. Bakit mahalaga ang maayos na paghabi ng mga tauhan sa akda?
4. Bakit mahalagang malaman ang mga pahayag na ginagamit sa pagiging makatotohanan ng mga
pahayag

LEARNING COMPETENCIES:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nabubuo ang kritikal na paghusga sa karakterisasyon ng mga tauhan at sa epekto nito sa pagiging
masining ng akda batay sa napakinggang mga pahayag.
2. Nailalapat sa sarili, bilang isang Asyano ang pangunahing kaisipan ng dulang binasa.
3. Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito.
4. Napahahalagahan ang napanood na dula sa pamamagitan ng pagpili at pagpapaliwanag ng
bahaging naibigan.
5. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula.
6. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa)

Learning Targets:
1. Nakapaglalahad nang maayos ng pansariling saloobin tungkol sa pangingibang-bansa.
2. Nakapagbibigay ng kahulugan ng salita sa loob ng pangungusap at naipapaliwanag ang mga ito.
3. Napahahalagahan ang mensaheng nais ipabatid ng dula.
4. Naiuugnay sa sarili ang pangunahing kaisipang at nagamit ito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
5. Naisasadula ang ilan sa mga eksena ng dula at naiugnay ito sa kasalukuyang pangyayari.

Subject Matter: Makapaghihintay ang Amerika (Dula)

I. PRELIMINARIES
A. Prayer
B. Checking of Attendance
C. Classroom Setting

II. LESSON PROPER


A. Explore
1. Introduce the essential question.
2. Present the Lesson Objectives.
3. Motivation
Magpapakita ang guro ng larawan o tunay na bandila ng Estados Unidos saka
magtatanong sa mga mag-aaral nitong sumusunod na katanungan:

1. Ano ang unang pumasok sa isip ninyo kapag nakakita kayo ng bandila ng Estados Unidos?
2. Ilarawan ang bansang Amerika. Bakit maraming Pilipino ang nahuhumaling na tumungo,
magtrabaho, o manirahan dito? Bakit?
3. Ano-ano ang mga naging impluwensiya sa atin ng mga Amerikano?

Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang sagot.

B. Firm-Up
1. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Ibibigay ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga salita habang nababago ang
estruktura ng mga ito at gagamitin ito sa sariling pangungusap.
maagap maaga aga

gamot manggagamot gamutin

gabi gabi-gabi gumabi

2. Pagbasa ng Akda
Ang klase ay hahatiin sa lima. Bawat pangkat ay bibigyan ng kopya ng tekstong
babasahin at tatalakayin sa pangkat ang nilalaman o mensaheng nais ipabatid ng tula. Matapos
ang ilang minuto ay pagsusunod-sunorin ng mga mag-aaral ang pangyayari sa dula sa
pamamagitan ng Kadena de Istorya.

3. Pagtatalakay sa Binasa
Bilang pagpapahalaga sa akda, sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na
katanungan upang higit na mapalalim ang pag-unawa sa tula.

Narito ang mga tanong:


a. Ilarawan ang mag-asawang Fidel at Ligaya. Anong uri ng pamilya mayroon ang mag-
asawang ito?
b. Bakit naisipan ni Fidel na tumungo at magtrabaho sa Amerika gayong mayroon naman
siyang matatag na trabaho ditto sa Pilipinas?
c. Sa iyong palagay, ano kaya ang nararapat na gawin n gating pamahalaan upang
maiwasan ang paglaganap ng “brain drain” sa bansa?
d. Bilang kabataan, paano ka makatutulong upang magamot ang sakit na kanser na
binanggit ni Fidel na patuloy na nagpapahirap sa maraming mamamayang Pilipino?

C. Deepen
1. Iparirinig sa mga mag-aaral ang awit na may kinalaman sa brain drain o pangingibang-bansa
ng mga Pilipino upang doon magtrabaho na may pamagat na “Walang Natira” na inawit ni Gloc
9. Matapos ang pag-awit ay iuugnay ito sa dulang Makapaghihintay ang Amerika sa
pamamagitan ng pagtatanong ng: Garantisado bang magiging maganda ang ating buhay kung
matitira tayo sa Estados Unidos?

Iuugnay sa sarili ang sagot sa tanong at magpapakita ng ilan sa mga paraang dapat gawin
upang maiwasan ang pangingibang bansa ng mga Pilipino gamit ang graphic organizer.

2. Bilang pagpapalalim sa akdang tinalakay ay pipili ang mga mag-aaral ng ilang bahagi ng
kuwento na tunay nilang naibigan at nakaantig sa kanilang puso. Magpapakita sila ng kagyat na
pagsasadula ng ilang ilang eksenang higit na kapupulutan ng aral saka iugnay sa mga
pangyayaring kalimitang makikita sa lipunang kinabibilangan.

Pamantayan:
Kaisahan ng diwa --- 15%
Pagkamalikhain --- 15%
Tindig at Boses --- 10%
Dating sa Madla --- 10%
-----------------
Kabuuan ---- 50%

D. Summary of the Lesson


Sasagotan ng mga mag-aaral sa kanilang Journal Notebook ang katanungan ito:

“Bilang kabataan, bakit mahalagang ialay natin an gating lakas


at talino sa pagpapabuti ng kalagayan n gating Inang Bayan?”
.
III. CLOSING PRAYER

IV. REFERENCES AND MATERIALS


Reference Books: Pinagyamang Pluma 9 (K to 12), pp. 101-136
Materials: Libro
Larawan
Manila Papers
Markers
Speaker

V. REMARKS
Learning Targets:
1. Nasusuri ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa kuwento.
2. Natatalakay ang mga pahayag na ginagamit sa pagiging makatotohanan ng pahayag
3. Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan.
4. Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng piling pangyayari sa dula.
Subject Matter: Makapaghihintay ang Amerika (Dula)

I. PRELIMINARIES
A. Prayer
B. Checking of Attendance
C. Classroom Setting
D. Review
Maglalahad ang guro ng isang sitwasyo na may kinalaman sa pagtatrabaho sa ibang bansa,
matapos nito’y tatanungin ang mga mag-aaral kung ano damdamin nila hinggil sa ibinigay na
sitwasyon

II. LESSON PROPER


A. Explore
1. Recall the essential question.
2. Present the Lesson Objectives.
3. Motivation
Magpapakita ang guro ng video clip ng isang pelikula at tatanungin ang mga mag-aaral
kung ano ang pinakahalagang bagay na bumubuo sa palabas.

B. Firm-Up
1. Pagtatalakay
Tatalakayin ang tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay at susuriin ng mga mag-
aaral ang papel na ginampanan ng bawat tauhan sa kuwento at bubuo ng kritikal na
paghuhusga sa pagiging epektibo ng bawat tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining ng
akda.

2. Ilalahad ng guro ang iba’t ibang ekspresyong maaaring gamitin sa pagpapahayag ng


katotohanan at opinyon, at magbibigay ang mga mag-aaral ng ilan sa mga linya mula sa dula
na na nagpapakita ng katotohanan at opinyon.

C. Deepen

1. Magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan na may kinalaman sa mga kontrobersiyal na
isyu sa lipunan o kaya’y sa pamahalaan, at magbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang
ideya o saloobin gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon.

D. Transfer
Ang mga mag-aaral ay susulat ng isang pagsusuri ng pagiging makatotohanan ng ilang
pangyayari sa dulang nabasa. Kung nais ay maaari ring magsaliksik ng iba pang dulang nagmula sa Timog-
Silangang Asya, at ibigay ang sariling kaisipan, pananaw, at saloobin tungkol sa sinuring akda.

 Palawakin Pa Natin (Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng piling pangyayari sa dula F9PU-
Ig-h-45), pahina 146

E. Summary of the Lesson


Ipapaliwanag ng mga mag-aaral kung bakit mahalagang malaman ang mga pahayag na
ginagamit sa pagiging makatotohanan, nang sa ganoon ay higit nilang makita ang kahalagahan ng paggamit
ng wastong gramatika/retorika na ang diin ay nasa wastong gamit ng mga pahayag sa pagiging
makatotohanan.

III. CLOSING PRAYER

IV. REFERENCES AND MATERIALS


Reference Books: Pinagyamang Pluma 9 (K to 12), pp. 137-145

Materials: Powerpoint Presentation


Video clip presentation

V. REMARKS

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

JENNY CLAIRE B. SOLIJON ALAN A. GASCON


Academic Coordinator School Principal

You might also like