Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LEARNING PLAN in ENGLISH 9

PETSA:
MARKAHAN: IKALAWA
GURO: Bb. CHARITY A. RAMOS

CONTENT STANDARD:
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Timog-Silangang Asya.

PERFORMANCE STANDARD:
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga
akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.

ESSENTIAL UNDERSTANDING:
Maunawaan ng mga mag-aaral na…
(Overarching)
1. Ang pag-unawa at pagpapahalaga sa akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya ay
makatutulong upang mapagtibay at mapanatili ang magagandang pagkakakilanlang Asyano.
(Topical)
2. Pawang kabutihan at magagandang bagay ang dulot ng mapayapang lugar o kalooban sa buhay
ng tao, at ito ay karaniwang nakakamit sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagpapakumbaba, at
pagpapatawad.
3. Ang tula bilang isang panitikan ay sadyang mahalaga at napatunayang epektibo mula pa noon
hanggang sa kasalukuyan lalo na sa pagpapahayag ng damdamin.

ESSENTIAL QUESTION:
(Overarching)
1. Bakit kailangang maunawaan at mabigyang-halaga ang mga akdang pampanitikan ng Timog-
Silangang Asya?
(Topical)
2. Ano ang dinadala ng isang mapayapang lugar o kalooban sa buhay ng mga tao? Paano makakamit
ang bagay na ito?
3. Gaano kahalaga at kaepektibo ang tula bilang panitikan lalo na sa pagpapahayag ng damdamin?

LEARNING COMPETENCIES:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakabibigay ng mga salitang maiuugnay sa larawan ng isang “Puting kalapati”.


2. Nailalahad ang sariling interpretasyon hinggil sa kaisipang nais iparating ng Tula at naiugnay ito sa
sarili.
3. Natutukoy ang iba’t ibang paksa ng mga tula sa Asya.
4. Nakabubuo ng sariling slogan batay sa aral na nakuha sa tula.
Learning Targets:
5. Nakabibigay ng mga salitang maiuugnay sa larawan ng isang “Puting kalapati”.
6. Nailalahad ang sariling interpretasyon hinggil sa kaisipang nais iparating ng Tula at naiugnay ito sa
sarili.
7. Natutukoy ang iba’t ibang paksa ng mga tula sa Asya.
8. Nakabubuo ng sariling slogan batay sa aral na nakuha sa tula.
Subject Matter:Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan (Tula)

I. PRELIMINARIES
A. Prayer
B. Checking of Attendance
C. Classroom Setting

II. LESSON PROPER


A. Explore
1. Introduce the essential question.
2. Present the Lesson Objectives.
3. Motivation
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sadalawang pangkat. Sisimulan ang klase sa
pamamagitan ng pagpapakita ng larawan ng isang puting kalapati. Gamit ang concept map,
magbibigay ang mga mag-aaral ng mga salitangmaaaring maiugnay sa larawan, kung ano ang
sinisimbolo nito sa buhay ng tao. Matapos ang itinakdang oras, pipili ang bawat pangkat ng
isang kinatawan na siyang magpapaliwanag sa harapan patungkol sa ginawa nilang konsepto.

B. Firm-Up
1. Pangkatang Talakayan
Ang bawat pangkat ay bibigyan ng kopya ng tekstong babasahin.Bago paman sisimulan ang
porman na pagtatalakay sa paksang aralin, magbabahagi na muna ng kanya-kanya nilang
ideya o opinyon ang mga mag-aaral sa loob ng kanilang pangkat hinggil sa islogang;

“Kapayapaan ay kayamanan sa buhay kung maranasan


Sa pagkakaisa at pang-unawa ito’y tunay na makakamtan.“

2. Pagbasa ng Akda
Bibigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral na mag-isip ng tahimik hinggil sa paksang
tatalakayin at pagkatapos ay sabay-sabay nang babasahin ang kabuuan ng tula.

3.Pagtatalakay sa Binasa
Sasagutan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na katanungan upang higit na
mapalalim ang
pag-unawa sa tula.

Narito ang mga tanong:


a. Tungkol saan ang tulang binasa?
b. Ano ang sinisimbolo ng kalapati?
c. Ano raw ang pakay ng kalapati sa paglilibot nito sa mundo? Sa iyong palagay,
magagawa kaya niya ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
d. Masasabi mo bang payapa o tahimik ang buhay ng tao sa mundo sa kasalukuyan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
e. Sa kasalukuyan, ano-ano ang mga pangyayari sa mundong sumisira sa pandaigdigang
kapayapaan na masasabi mong likha ng kasamaan?
f. Ano-ano ba ang puwedeng gawin ng tao upang magkaroon ng ganap na kapayapaan sa
mundo?
g. Bilang kabataan, paano ka makatutulong upang mapanatili ang kapayapaan sa inyong
tahanan, komunidad, bansa, at mundo?

C. Deepen
1. Isusulat ng mga mag-aaral sa kanilang Journal ang sariling interpretasyon hinggil sa kaisipan
at damdaming nangingibabaw sa tula at iugnay ito sa sarili. Maaari ring gawing gabay sa
pagbabahagi ang katanungang ito..
 Paano makakamtan sa buhay at maging sa bansa o sa buong mundo ang tunay na
kapayapaan?
 Ano ang naidudulot ng isang mapayapang lugar o kalooban sa buhay ng tao?

2. Ang guro ay magpapakita ng iba’t ibang halimbawa ng mga tula. Babasahin itong mabuti ng
mga mag-aaral at tutukuyin nila kung ano ang paksa ng bawat tula. Matapos matukoy ang
paksang ginamit ay ipapaliwanag ang kaibahan ng bawat isa sa pagbuo ng tula

D. Summary of the Lesson


Ang mga mag-aaral ay bubuo ng sariling islogan batay sa mga aral na nakuha mula sa tula, at
pipili ang guro ng ilan sa mga mag-aaral na siyang magbabahagi ng nabuo nilang islogan sa
harap ng klase.

F. Assignment/Agreement:
Magsaliksik sa internet ng ilan sa mga halimbawang tula sa Timog-Silangang Asya.

III. CLOSING PRAYER

IV. REFERENCES AND MATERIALS

Reference Books:Pinagyamang Pluma 9 (K to 12), pp. 61-

Materials: Powerpoint Presentation


Markers
Manila Papers

V. REMARKS

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

JENNY CLAIRE B. SOLIJON ALAN A. GASCON


Academic Coordinator School Principal

You might also like