AP8 Q1 Module4 V2.0

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

8

Araling
Panlipunan
Unang Markahan –Modyul 4:
Kondisyong Heograpiko sa
Panahon ng mga Unang Tao
sa Daigdig

1
Araling Panlipunan-Grade 8
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Kondisyong Heograpiko sa Panahon ng mga Unang Tao
sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Kristhel Venus R. Duron


Editors: Jewel P. Depacto, Kathy A. Garcia, Lanie B. Aguirre and
Hermielyn Joy J. Morales
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Antonio V. Amparado Jr. Rolex H. Lotilla, and
Arvin M. Tejada
Tagaguhit:
Tagalapat: Raiza M. Salvaloza
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE – Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – REPS, A.P
Belen L. Fajemolin PhD – CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – EPS, LRMS

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893

2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag -aaral ng mga
mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag -aaral kahit wala
sila sa paaralan.

3
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kasanayan, kaalaman at konsepto tungkol


sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan. Naglalayon itong mahasa ang mga
mag-aaral sa kaisipan na ang heograpiya ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa
daloy ng ating kasaysayan. Naglalaman din ito ng mga nakatakdang
pagkakasunodsunod ng leksyon para lubusang maunawaan at maintindihan ng mga
mag-aaral.

Ang modyul ay mayroong isang aralin;

• Aralin 1 – Ang Heograpiya ng mga Sinaunang Kabihasnan

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Naiisa-isa ang mga aspektong nagbunsod sa pagbuo at pag-unlad ng mga


sinaunang kabihasnan sa daigdig.
2. Natatalakay ang mga pangyayaring nagbibigay-daan sa pag-usbong ng mga
sinaunang kabihasnan.
3. Natatalakay ang ugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng
sinaunang kabihasnan sa daigdig.
4. Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

4
Subukin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong


sagot mula sa mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang
papel.

1. Ang itinuturing na pinakamatandang kabihasnan na nananatili hanggang sa


kasalukuyan ay tinatawag na kabihasnan ________________________
A. China
B. Egypt
C. Indus
D. Mesopotamia

2. Ang ilog na matatagpuan sa kabihasnang Mesopotamia MALIBAN sa Ilog


Euphrates.
A. Huang Ho o Yellow River
B. Indus River
C. Nile River
D. Tigris River

3. Ang kabihasnang matatagpuan sa rehiyon ng Fertile Crescent na isang


paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa
silangang baybayin ng Mediterranean.
A. China
B. Egypt
C. Indus
D. Mesopotamia

4. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng heograpiya ng sinaunang


kabihasnan sa kasalukuyan?
A. Ang kaalaman sa pagsasaka, pagpapastol, at pangangaso ay
nakatutulong sa mga sinaunang tao sa paglinang ng buhay sa daigdig.
B. Ang kamangmangan sa pagsasaka, pagpapastol, at pangangaso ay
nakatutulong sa mga sinaunang tao sa paglinang ng buhay sa daigdig.
C. Ang tao ay dumadaan sa iba’t ibang antas ng panahon sa pag-unlad.
D. Wala sa mga nabanggit.

5. Alin sa mga sumusunod na klima ang nararanasan sa Egypt?


A. tag-araw
B. taglagas
C. tagsibol
D. tag-ulan

5
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang
isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
C. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

7. Ang namuno sa isa sa mga dinastiya ng China na pinaniniwalaang gumawa


ng paraan upang makontrol ang bahang naidudulot ng Ilog Huang Ho ay si
___.
A. Cheng
B. Kublai Khan
C. Wu Wang
D. Yu

8. Ito ay itinuturing na isang subcontinent dahil sa laki at kaibahan sa ibang


bansang Asyano.
A. India
B. China
C. Egypt
D. Mesopotamia

9. Ang Egypt ay napapalibutan ng anong anyong lupa na nagsilbing


pananggalang mula sa mga kaaway at naging dahilan din kung bakit nalinang
ng mga Egyptian ang kanilang kabihasnan.
A. bukirin
B. bundok
C. disyerto
D. talampas

10. Ang kabihasnan kung saan matatagpuan ang bundok ng Himalayas.


A. India
B. Mesopotamia
C. Pakistan
D. Syria

11. Ang kapaligiran ay may malaking ambag sa pagtatatag ng sinaunang


kabihasnan. Alin sa sumusunod na katangiang heograpikal ang kadalasang
matatagpuan sa mga sinaunang kabihasnan?
A. disyerto at karagatan
B. lambak at ilog
C. bundok at dagat
D. talon at talampas

6
12. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kilala noon bilang Mesopotamia na
may kabiserang Baghdad ngayon?
A. Iran
B. Iraq
C. Iberia
D. Iceland

13. . Ang kabihasnan ay nahubog mula sa mga maliliit na pamayanan at patuloy


na umunlad dahil sa mga katangitan nito MALIBAN sa _____________.
A. sistema ng pagsulat
B. kaaway ng mga barbaro
C. matatag na sistemang pulitikal
D. mataas na antas ng teknolohiya

14. Sumibol ang mga kabihasnan sa mga lambak-ilog. Ang sumusunod na mga
bansa ay katatagpuan ng sinaunang kabihasnan MALIBAN sa ___________.
A. India
B. China
C. Maldives
D. Mexico

15. Karaniwang mataba ang lupa sa mga sinaunang kabihasnan dahil sa silt na
naiiwan sa tuwing umaapaw ang ilog. Ano ang mabuting naidudulot nito sa
pamumuhay ng tao?
A. Nakapipinsala sa kabuhayan ng tao.
B. Nagiging maputik ang mga pamayanan. C. Nagbibigay ng lupang
mapagtataniman.
D. Nasisira ang tirahan at ari-arian ng mga tao.

7
Aralin Ang Heograpiya ng mga
4 Sinaunang Kabihasnan

Maraming libong taon ang nagdaan bago naitatag ang kabihasnan ng tao. Ang buhay
ay isang hamon tungo sa sibilisadong pamumuhay. Ang mamuhay ay lubhang
mahirap lalo na kung iisipin ang kapaligirang pisikal ay malamig, bulubundukin, at
tigang.
Ang mga unang kabihasnan ay nagsimula sa mga lambak ng mga ilog sa Kanlurang
Asya (Mesopotamia),Timog Asya ( India), Silangang Africa (Egypt) at Silangang Asya
(China). Ang mga ilog ng Tigris-Euphrates sa Mesopotamia, Nile sa Egypt, Indus
sa Pakistan, at hilagang India, at Huang Ho sa China ay may malaking bahaging
ginampanan sa pagsisimula ng kabihasnan sa daigdig.

Balikan
Sa modyul 3, sinuri mo ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong pre-
historic. Ang kaalamang ito ay iyong gagamitin upang masuri at higit na
maunawaan ang pagbuo ng sinaunang kabihasnan. Handa ka na ba?

Mga Tala para sa Guro


Ito ay naglalaman ng mga aralin, gawain, at mga estratihiyang
makakatulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Maaaring gumamit
ng mapa o globo at atlas.

8
Tuklasin
Suriin ang mga pahayag. Uriin kung sa anong heograpiya ng mga sinaunang
kabihasnan ito napapabilang. Piliin ang sagot mula sa kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Mesopotamia Indus China Egypt

1. Ang kabihasnan kung saan matatagpuan ang Nile River na may 4160 milya
o 6694 kilometro ang haba mula katimugan patungong hilaga.

2. Ang nagawang paraan ni Yu patungkol sa pagbaha ng isang ilog ay nagbigay


daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.

3. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay


nakapagbibigay ng kaligtasan sa mga tao sapagkat nahahadlangan nito ang
mga pagsalakay.

4. Gumawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga kanal para sa


daluyan ng tubig sa kanilang mga sakahan upang maparami ang kanilang
ani.

5. Ito ang kabihasnang umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Ilog


Huang Ho.

6. Ito ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito
sa ibang karatig lugar.

7. Karamihan sa mga nanirahan dito ay maliliit na pamayanang may tanggulan


at maayos na kalsada.

8. Matatagpuan sa rehiyon ng Fertile Crescent.

9. May matatarik na kabundukan ng Hindu Kush, Himalayas at Krakatoa ang


nasa hilaga ng kabihasnang ito.

10. Sakop nito ang malalaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at


ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan.

9
Suriin

Kabihasnan
Ang salitang kabihasnan ay ang proseso kung saan ang isang lipunan o lugar ay
umabot sa modernong yugto ng kaunlaran at organisadong lipunan. Ang ibig
sabihin nito ay may mga batas, kultura, mataas na antas ng teknolohiya, matatag
na seguridad para sa mga mamamayan, maayos na sistema ng pagsulat, may
sariling wika at relihiyon.

Heograpiya ng Mesopotamia

Sa kanlurang Asya matatagpuan ang


isang lugar na Mesopotamia, salitang
nagmula sa mga Greek na meso o
“pagitan” at potamos o “ilog” kung kaya
ito ay nangangahulugang lupain “sa
pagitan ng dalawang ilog” na inaakalang
lunduyan ng unang kabihasnan.

Ang Mesopotamia ay nagsimula sa


malawak na lupaing dinadaluyan ng mga
ilog Tigris at Euphrates. Sa kasalukuyan,
Sangunian:https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/07/
08/kabihasnang-mesopotamia/ matatagpuan ang ilog sa Iraq at bahagi ng Syria
at Turkey. Nabibilang ang Mesopotamia (Iraq ngayon) sa rehiyon ng Fertile Crescent,
isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa
silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng
banlik (silt) ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates. Dahil dito,
nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim.

Walang likas na hangganan ang Mesopotamia kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing
ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na
rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar. Sa mga taong 5500 BCE
daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan ng
hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang
pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa mga sumunod na taon,
nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at
panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Ang Uruk na itinuturing
na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig ay isang halimbawa nito.

10
Heograpiya ng Lambak ng Indus (India)

Sa kasalukuyang panahon ang mga


lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro
sa lambak ng Indus ay isa sa
pambihirang natuklasang mga sentrong
sinaunang kabihasnan. Noong 1920,
ang mga labi ng dalawang lungsod ng
mga lugar na ito ay natagpuan ng mga
arkeologo. Gayon din ang lipunang
nabuo rito ay kasabay halos ng
pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE.

Sangunian : http://ap4hs.blogspot.com/2015/08/second-quarter- aralin-2.html Hugis triyanggulo ang India,


mula sa
Timog Asya patungong Indian Sea. Kung
paghahambingin sa sinaunang Egypt at Mesopotamia mas malawak ang lupain sa
Indus. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India, at
ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod na ito ay
nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo BCE. Sa
kasalukuyan, tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan
dito partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan. Sa paligid ng Indus River
nagsimula ang kabihasnan sa India. Nababalot ng makapal na yelo ang tuktok ng
kabundukang Himalaya at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na
dumadaloy sa Indus River na may habang 2,900 kilometro o 1,800 milya at
bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.

Ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga


lipunan at estado sa sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat
taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan
upang malinang ang lupain. Daan-daang pamayanan ang nananahan sa lambak ng
Indus sa pagsapit ng 3000 BCE. Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang
may tanggulan at maayos na mga kalsada. Nang sumunod na limang siglo,
nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa
pagbaha.

Matatagpuan sa hilagang bahagi ng India ang pinag-usbungan ng kabihasnan nito.

11
Heograpiya ng Ilog Huang Ho (China)

Sa loob ng maraming taon, ang China


ay hindi gaanong napasok ng mga
dayuhan dahil sa mga likas na
hangganan na nagsilbing proteksyon
upang malinang ang katutubong
kaugalian nito. Ang kabihasnan sa
China ay umusbong sa tabing-ilog
malapit sa Yellow River o Ilog Huang
Ho Ang ilog na ito ay may habang
halos
3,000 milya na nagmumula sa
Sangunian : https://fdocument.pub/document/sinaunang- kabundukan ng kanlurang China at
kabihasnan-sa-china.html
dumadaloy patungong Yellow Sea. Sa
mahabang panahon ang dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang makailang ulit at
humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain.
Ang pag-apaw ng Ilog Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit dahil sa
pagiging patag ng North China Plain, madalas nang nagaganap ang pagbaha sa
lugar na ito. Dahil dito, tinawag na “Dalamhati ng China” ang ilog. Hindi nagtagal,
sa kalapit na Yangtze naman nanirahan ang ilan sa mga tao. Natuto silang
magtanim ng palay. Ginamit nila ang sistemang paddy kung saan nadadala ang
tubig sa mababang lugar na taniman.

Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang


dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi
matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya.
Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang
idinudulot ng Huang Ho. Nagpatayo siya ng malalaki at maliliit na dam upang
maging payapa ang ilog. Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang
makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka. Naniniwala ang mga Tsino na sila
lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo na tinawag nilang barbaro
sapagkat hindi sila nabiyayaan ng kabihasnang Tsino. Zhongguo na
nangangahulugang Middle Kingdom ang tawag din nila sa kanilang lupain.

12
Heograpiya ng Egypt

Ang heograpiya ang susi sa kasaysayan ng Egypt.


Ang Egypt ay napaliligiran ng kontinente ng
Europe, Asia at Africa na may maganda ding
lokasyon sa baybayin ng Mediterranean na
kapakipakinabang para sa kalakalan.

Mahalagang tandaan na sa pag-unawa sa


heograpiya ng Egypt, ang tinutukoy na Lower Egypt
ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang
Nile River ay dumadaloy patungong Mediterranean
Sangunianhttps://www.tes.com/lessons/Nq Sea. Samantala, ang

Upper Egypt ay nasa bahaging


g59Wyzduoq0w/egypt-1
katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu
Simbel. Ang Nile River na may 4,160 milya o 6,694 kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.

Ang Egypt ay tinawag bilang The Gift of the Nile noon pa mang unang panahon
dahil kung wala ang ilog na ito, magiging isang disyerto ang buong lupain nito. Tila
hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-silangan ng disyerto ng Africa.
Datirati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na pinagmumulan ng Nile River ay
nagdudulot ng pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Noon lamang 1970, ang
pagbahang idinudulot ng Nile River ay nahinto nang Aswan High Dam upang
makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay ng tubig.

Ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga


magsasaka sa lambak-ilog sa Panahong Neolitiko. Sa tuyong lupain, ang tubig-baha
ay nagdudulot ng halumigmig na nag iiwan ng matabang lupain na mainam para sa
pagtatanim. Kaagad nagtatanim ang mga magsasaka sa pagbaba ng tubig-baha. Ang
putik na dala ng ilog ay unti-unting naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang
maging latiang tinatawag na delta. Ang lugar na ito ay naging tahanan ng mga ibon
at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig mula rito para sa mga lupang sakahan.

Ang mga sinaunang Egyptian ay gumawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng


mga kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka upang
maparami ang kanilang maitanim bawat taon. Ang ganitong mga proyekto ay
nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat na teknolohiya, at

13
maayos na mga plano. Sa mga panahong ito, ang pagtataya ng panahon kung kailan
magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din.

Ang Nile River ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay maliban sa pagsasaka


noong mga panahong iyon. Ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa pampang
ng ilog ay nagawa nitong mapag-ugnay. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa
silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang mga pagsalakay. Kaya ang mga tao ay nagawang
makapamuhay nang mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.

Pagyamanin

Gawain 1 Ang Mapa ng Sinaunang Kabihasnan


Ngayong nalaman mo na kung ano ang heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan,
nais kong tukuyin mo kung anong lugar ang ipinakikita ng mapang nasa ibaba.
Bigyan ito ng sarili mong paglalarawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/ http://mgasinaunangkabihasnan.blogspot.com/2014/07/an g-
d4/South_Asia_UN.png sinaunang-kabihasnan-ng-china.html

___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________

14
3. 4.
https://www.tes.com/lessons/Nqg59Wyzduoq0 w/egypt- https://www.shorthistory.org/ancient-
1 civilizations/mesopotamia/theterm-mesopotamia-and-geographical-
position/

___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________
___________________________________ ___________________________________

Isaisip
Ngayong napagyaman mo na ang iyong kaisipan sa aralin, subukan mong
punan ang mga pahayag na nasa ibaba.

Bilang isang mag-aaral, napagtanto ko na sa sinaunang kabihasnan ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa
Magsulat ng isang liham pasasalamat batay sa natutunan mo
tungkol sa ginampanan ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.

Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang sa gawaing ito:


1. Pumili ng isang anyong lupa, anyong tubig o kahit anong bagay na
may kaugnayan sa heograpiya ng mga sinaunang kabihasnan na
nais mong gawan ng liham pasasalamat.
2. Isulat sa liham ang sariling saloobin tungkol sa mahalagang papel
na ginampanan nito sa buhay ng mga sinaunang tao at kung ano
ang naging ugnayan nito sa iba pang kabihasnan.
3. Gawing batayan ang kasunod na rubric sa pagmamarka ng iyong
liham.

15
Rubric sa Pagmamarka ng Liham Pasasalamat

Pamantayan Paglalarawan Puntos


Nilalaman Mahusay na naipaliwanag ang bahaging 12
ginagampanan ng heograpiya sa buhay ng mga
sinaunang tao; nakapagbibigay ng halimbawang
magpapatunay sa papel na ginampanan nito sa
mga sinaunang tao

Teknikal na buo Wasto ang paggamit ng mga bantas, baybay ng mga 8


ng Liham salita at maayos ang mga bahagi ng isang liham

Anyo at Desenyo Malinis at maayos ang pagkakasulat; naglagay ng 5


malilikhaing bagay at simbolo; angkop ang kulay ng
disenyo

Kabuuan 25

Tayahin

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa
mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang kabihasnan ay nahubog mula sa mga maliliit na pamayanan at patuloy


na umunlad dahil sa mga katangian nito MALIBAN sa _____________.
A. sistema ng pagsulat
B. kaaway ng mga barbaro
C. matatag na sistemang pulitikal
D. mataas na antas ng teknolohiya

2. Sumibol ang mga kabihasnan sa mga lambak-ilog. Ang sumusunod na mga


bansa ang katatagpuan ng sinaunang kabihasnan MALIBAN sa ___________.
A. India
B. China
C. Maldives
D. Mexico

16
3. Karaniwang mataba ang lupa sa mga sinaunang kabihasnan dahil sa silt na
naiiwan sa tuwing umaapaw ang ilog. Ano ang mabuting naidudulot nito sa
pamumuhay ng mga tao?
A. nakapipinsala sa kabuhayan ng tao
B. nagiging maputik ang mga pamayanan
C. nagbibigay ng lupang mapagtataniman
D. nasisira ang tirahan at ari-arian ng mga tao

4. Ang pinakamatandang kabihasnang nanatili hanggang sa kasalukuyan ay


ang kabihasnang ______.
A. China
B. Egypt
C. Indus
D. Mesopotamia

5. Ang ilog na matatagpuan sa Kabihasnang Mesopotamia maliban sa ilog


Euphrates.
A. Huang Ho o Yellow River
B. Indus River
C. Nile River
D. Tigris River

6. Ang kabihasnang matatagpuan sa rehiyon ng Fertile Crescent na isang


paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa
silangang baybayin ng Mediterranean.
A. China
B. Egypt
C. Indus
D. Mesopotamia

7. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang


isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
B. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang
mamumuhunan.
C. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.
D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

8. Ang namuno sa isa sa mga dinastiya ng China na pinaniniwalaang gumawa


ng paraan upang makontrol ang bahang naidudulot ng Huang Ho ay si ___.
A. Cheng
B. Kublai Khan
C. Wu Wang
D. Yu

17
9. Ito ay itinuturing na isang subkontinente dahil sa laki at kaibahan sa ibang
bansang Asyano.
A. India
B. China
C. Egypt
D. Mesopotamia

10. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng heograpiya ng sinaunang


kabihasnan sa kasalukuyan?
A. Ang kaalaman sa pagsasaka, pagpapastol, at pangangaso ay
nakatutulong sa mga sinaunang tao sa paglinang ng buhay sa daigdig.
B. Ang kamangmangan sa pagsasaka, pagpapastol, at pangangaso ay
nakatutulong sa mga sinaunang tao sa paglinang ng buhay sa daigdig.
C. Ang tao ay dumadaan sa iba’t ibang antas ng panahon sa pag-unlad.
D. Wala sa mga nabanggit.

11. Alin sa mga sumusunod na klima ang mararanasan sa Egypt? A. tag-araw


B. taglagas
C. tagsibol
D. tag-ulan

12. Ang namuno sa isa sa mga dinastiya ng China na pinaniniwalaang gumawa


ng paraan upang makontrol ang bahang naidudulot ng Ilog Huang Ho ay si
___.
A. Cheng
B. Kublai Khan
C. Wu Wang
D. Yu

13. Ang Egypt ay napapalibutan ng anong anyong lupa na nagsilbing natural na


pananggalang mula sa mga kaaway at naging dahilan din kung bakit nalinang
ng mga Egyptian ang kanilang kabihasnan.
A. bukirin
B. bundok
C. disyerto
D. talampas

14. Ang kabihasnan kung saan matatagpuan ang bundok ng Himalayas.


A. India
B. Mesopotamia
C. Pakistan
D. Syria

18
15. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kilala noon bilang Mesopotamia na
may kabiserang Baghdad ngayon? A. Iran
B. Iraq
C. Iberia
D. Iceland

Karagdagang Gawain

Basahin at unawain ang pahayag na nasa ibaba at pagkatapos ay sagutan


ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang kondisyong heograpiko sa panahon ng mga sinaunang tao sa daigdig ay
may malaking impluwensiya sa pamumuhay nito. Iba’t-iba ang pamumuhay lalo na
kapag ang tao ay nakatira sa kabundukan, kapatagan, talampas, lambak at disyerto.
Nilinang at ginamit ng mga sinaunang tao ang kanilang kapaligiran upang
matagpuan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang
pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang
daan ang pagtatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinatawag
na kabihasnan.

PAMPROSESONG TANONG:

1. Kung ikaw ay namumuhay sa panahon ng sinaunang tao, alin sa talampas,


kapatagan, lambak ilog, o kabundukan ang pipiliin mo upang manirahan?
Pangatwiranan ang sagot.

2. Bakit kailangang linangin ng tao ang kanyang kapaligiran?

3. Paano nilinang ng sinaunang tao ang kanyang kapaligiran upang makabuo


ng isang kabihasnan?

19
Susi sa Pagwawasto

20
Sanggunian
Aklat
Blando, R., Mercado, M., Cruz, M., & Espiritu, A. (2013). Kasaysayan ng Daigdig
(1st ed.). Pasig City.

Cruz, T., Reyes, R., & Lazaro, M. (1992). Araling Panlipunan IV ( Ang Kasaysayan
ng Daigdig) (1st ed.). Quezon City: Vicente Publishing House.

Villoria, E., & Abrecea, M. (2003). Makabayan Serye Daigdig Tungo sa


Globalisasyon (1st ed.,). Quezon City: Vibal Publishing House Inc.

Larawan

Kabihasnang Mesopotamia (n.d.)


https://billyjawboiles.wordpress.com/2013/07/08/kabihasnang-
mesopotamia/

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya (n.d.)


http://ap4hs.blogspot.com/2015/08/second-quarter-aralin-2.html

Sinaunang kabihasnan sa china - [PPTX Powerpoint] (n.d.)


https://fdocument.pub/document/sinaunang-kabihasnan-sa-china.html
Egypt #1^ - Lessons - Tes Teach (n.d.)
https://www.tes.com/lessons/Nqg59Wyzduoq0w/egypt-1

Ang Sinaunang Kabihasnan ng China (n.d.)


http://mgasinaunangkabihasnan.blogspot.com/2014/07/ang-sinaunang-
kabihasnan-ng-china.html

Upload.wikimedia.org (n.d.)
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/d/d4/South_Asia_UN.p
ng

The term Mesopotamia and geographical position (n.d.)


https://www.shorthistory.org/ancient-civilizations/mesopotamia/the-
termmesopotamia-and-geographical-position/

Website
“LR Portal”. (2014). DepEd LR Portal. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6039

21
PAHATID. -LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng


Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII
simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit
naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

22

You might also like