Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

LEARNING PLAN in FILIPINO 9

PETSA: October 1-15, 2019


MARKAHAN: IKALAWA
GURO: Bb. CHARITY A. RAMOS

CONTENT STANDARD:
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyonal ng Silangang
Asya.

PERFORMANCE STANDARD:
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano.
ESSENTIAL UNDERSTANDING:
Maunawaan ng mga mag-aaral na…
(Overarching)
1. Ang lahing Asyano ay makikilala sa pamamagitan ng mga panitikang nagmula rito sapagkat ang
panitikan ang sumasalamin sa kultura nito.
2. Gamit ang mga taglay na aral at kaisipan ng mga panitikang nagmula sa Silangang Asya ay
mahaharap ang mga hamon sa pang-araw-araw na buhay.
(Topical)
3. Ang paggalang at pagtanggap sa pagkakaiba-iba ng kultura’t tradisyon ng iba’t ibang tao at lahi ay
susi sa kapayapaan at pagkakaisa.
4. Ang pagsulat ng sanaysay ay isang kasanayang dapat malinang sa isang tao dahil maraming
pagkakataon sa buhay ang mangangailangan ng kakayahang ito.

ESSENTIAL QUESTION:
(Overarching)
1. Paano makikilala ang lahing Asyano sa pamamagitan ng mga panitikang nagmula sa Silangang
Asya?
2. Paano magagamit ang mga taglay na aral at kaisipan ng mga panitikang nagmula sa Silangang
Asya sa iyong pang-araw-araw na buhay?
(Topical)
3. Bakit mahalagang tanggapin, igalang, at matuto sa pagkakaiba-iba ng kultura’t tradisyon ng iba’t
ibang tao at lahi?
4. Bakit mahalagang matutong sumulat ng sanaysay ang isang mag-aaral? Sa ano-anong
pagkakataon magiging kapakipakinabang ang kaalamang ito?

LEARNING COMPETENCIES:
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap.
2. Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa, at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay.
3. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan.
4. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong opinyon, matibay na
paninindigan at mungkahi.
5. Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o
opinyon sa isang talumpati.
6. Naisusulat ang isang talumpating naglalahad ng sariling pananaw tungkol sa napapanahong isyu o
paksa.
7. Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating
nagpapahayag ng matibay na paninindigan.

Learning Targets:
1. Napag-iisa-isa ang mga bagay mula sa Tsina na lubos na nakaimluwensiya sa buhay ng mga
Pilipino.
2. Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap.
3. Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa, at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay.
4. Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan.
Subject Matter: Ako si Jia Li, Isang ABC (Sanaysay)

I. PRELIMINARIES
A. Prayer
B. Checking of Attendance
C. Classroom Setting

II. LESSON PROPER


A. Explore
1. Introduce the essential question.
2. Present the Lesson Objectives.
3. Motivation
Papangkatin ang klase sa apat bago magpapakita ang guro ng salitang TSINO sa
pisara. Bawat pangkat ay mag-uunahan sa pagtala sa papel ng mga bagay mula sa bansang
Tsina na sadyang nakaimpluwensiya sa alinmang aspekto ng ating buhay bilang isang Pilipino.
Ang may maraming maisulat ang siyang makakaani ng mas maraming puntos.

2. Ipapakilala ang paksa at kung saan nagmula ang akdang babasahin.

B. Firm-Up
1. Pagpapalawak ng Talasalitaan
Ipakikilala ang konsepto ng mga salita o pahayag na di lantad ang kahulugan. Para
makuha ang kahulugan ng mga salita o pahayag na ito ay kinakailangan ng tinatawag na
reading between the lines o pagtukoy sa di lantad na kahulugan sa pamamagitan ng pagbasa at
pag-unawa sa pangungusap na pinaggamitan nito.
Sasagotan ang sumusunod:
Payabungin Natin A (Pagpapaliwanag sa mga salitang di-lantad ang kahulugan
batay sa konteksto ng pangungusap), mga pahina 214-215
Payabungin Natin B (Pagbibigay ng iba pang salitang halos kapareho rin ang
kahulugan ng pang-unang salita), mga pahina 215-216

2. Pagtatalakay sa Akda
Magbibigay ng tanong pangganyak sa mga mag-aaral hinggil sa akda bago sisimulang
basahin nang tahimik ang sanaysay.
Matapos mapag-usapan sa pangkat ang kaisipang hatid nito, ay magbabahagi ang
bawat kinatawan sa pangkat kung ano ang naunawaan nila sa akdang nabasa.

C. Deepen
1. Ang klase ay mahahati sa apat. Bawat pangkat ay pipili ng limang mahahalagang pahayag
mula sa sanaysay at susuriin nila ang kaisipang nakapaloob sa akda, layunin, at paksang
ginamit sa pagbuo nito saka ipapaliwanag ang bawat isa.

2. Bubuo ng isang compare and contrast organizer kung saan paghahambingin ng mga mag-
aaral ang paraan ng kanilang pamumuhay, maging ang kultura’t tradisyon sa pamumuhay mayroon si
Jia Li.

D. Transfer
Bubuo ng isang sanaysay na personal o pamilyar batay sa naging opinyon o pananaw ng may-
akda tungkol sa paksang may kaugnayan sa nagiging buhay ng mga taong nag-ma-migrate o naging
dayuhan sa ibang bayan.

E. Summary of the Lesson


Isusulat ng mga mag-aaral sa kanilang journal ang sagot sa katanungang:
“Bakit mahalagang tanggapin, igalang, at matuto sa pagkakaiba-iba ng kultura’t tradisyon ng iba’t ibang
tao at lahi.”

III. CLOSING PRAYER

IV. REFERENCES AND MATERIALS


Reference Books: Pinagyamang Pluma 9 (K to 12), pp. 101-136
Materials: Libro
Manila Papers
Markers

V. REMARKS
Learning Targets:
1. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong opinyon, matibay na
paninindigan at mungkahi.
2. Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o
opinyon sa isang talumpati.
3. Naisusulat ang isang talumpating naglalahad ng sariling pananaw tungkol sa napapanahong isyu o
paksa.
4. Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu sa talumpating
nagpapahayag ng matibay na paninindigan.

Subject Matter: Ang Mag-inang Palakang Puno (Pabula)

I. PRELIMINARIES
A. Prayer
B. Checking of Attendance
C. Classroom Setting
D. Review
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung ano ang natutunan nila sa nagdaang talakayan.

II. LESSON PROPER


A. Explore
1. Recall the essential question.
2. Present the Lesson Objectives.
3. Motivation
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral ang mga katanungang;
 Naniniwala ba kayo sa mga pamahiin?
 Ano-ano ang mga pamahiin na alam ninyo?
Sasagutan ito ng mga mag-aaral at magkakaroon ng maikling talakayan ukol sa mga pamahiin
sa Kasanayang Pangwika, pahina 228.

B. Firm-Up
Tatawag ng dalawang mag-aaral na may malinaw na boses upang basahin ang usapan
nina Jia Li at ng kaibigan niyang si Nina kaugnay ng paniniwala sa mga pamahiin. Tutukuyin
naman ng iba pang mag-aaral mula sa usapan ng dalawang tauhan ang paraang ginamit nila sa
pagpapahayag ng kani-kanilang sariling opinyon o pananaw.
Bilang pagpapalalim, tatalakayin ang Isaisip Natin tungkol sa Paggamit ng Angkop na
mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon/Pananaw sa mga pahina 229-230.

C. Deepen
1. Maglalahad ang guro ng ilang napapanahong isyu, at bibigyang pagkakataon ang
mga mag-aaral na maglahad ng sarili nilang opinyon o pananaw hinggil sa usaping ito na may
angkop o wastong gamit ng pagpapahayag ng opinyon/pananaw.

2. Magpapakita ng halimbawang video ng isang taong mananalumpati at bibigyang-puna


ng mga mag-aaral ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang mga saloobin
o opinyon sa isang talumpati.

D. Transfer
Ang klase ay mahahati sa apat. Bawat pangkat ay bubuo ng isang talumpating hindi
bababa sa tatlong talata na maglalahad ng sarili nilang opinyon o palagay tungkol sa usapin ngayon ng
patuloy na pag-aagawan sa teritoryo ng Pilipinas at ng Tsina tulad ng mga isla sa West Philippine Sea.
Matapos makabuo ng talumpati ay pipili ng isang kinatawan sa pangkat na siyang maglalahad nito sa
klase.

E. Summary of the Lesson


Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng
isang sanaysay na may angkop na gamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng sariling opinyon o
pananaw.

III. CLOSING PRAYER

IV. REFERENCES AND MATERIALS


Reference Books: Pinagyamang Pluma 9 (K to 12), pp. 137-145
Materials: Libro
Larawan
Video clip presentation

V. REMARKS

No class:

October 3-4, 2019 – 2nd MIDTERM EXAM

Iniwasto ni: Pinagtibay ni:

JENNY CLAIRE B. SOLIJON ALAN A. GASCON


Academic Coordinator School Principal

You might also like