Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

At ngayon, hayaan ninyo akong ipakita ko sainyo sa kung paanong ang ating likas na pagkatao ay

naliwanagan o di naliwanagan.

Tignan mo, Glaucon! May mga taong nakatira sa isang kuweba sa ilalim ng lupa, na may bungangang
nakabukas paharap sa liwanag at inaabot ang lahat ng nasa kuweba. Nakatira na sila rito mula pa noong
sila ay mga bata pa. Nakakadena ang kani-kanilang mga binti at leeg upang hindi sila makagalaw at maari
lamang nilang Makita ang nasa harapan nila. Pinipigilan ng pagkagapos ang kanilang paglingon. Sa itaas
at likuran nila ay may apoy na nagdiringas mula sa malayo. Sa pagitan ng apoy at ng mga bilanggo ay
may isang nakataas na daan at makikita mo ang isang mababang pader na itinayo tulad ng isang tabing
kung saan ang mga nagpapagalaw ng manika ay nasa harapan. Itinatanghal sa kabila ang kanilang mga
papet.

Glaucon: Ganoon pala

At nakikita moba? May mga taong dumaraan sa tabi ng pader na may dalang iba’t ibang klase ng
lalagyan at llok ng mga hayop na yari sa kahoy at bato at iba pang kagamitan na lumilitas sa kabila ng
pader. Ilan sa kanila ay nag-uusap, ang iba naman ay tahimik lamang.

Glaucon: ipakita mo sa akin ang kakaibang larawan, at sila ay mga kakaibang bilanggo.

Tulad natin, nakikita lamang nila ang kani-kanilang anino o ang mga anino ng isa’t isa na itinatapon ng
apoy sa kabilang bahagi ng kuweba

Glaucon: totoo? Paano sila makakakita ng kahit ano maliban sa mga anino kung hindi sila
pinahihintulutang lumingon?

At ang mga bagay na dala-dala sa katulad na paraan ay sa anino lamang nila nakikita

Glaucon: oo

At kung kaya nilang makipag-usap sa isa’t isa,binbigyan nila ng pangalan ang mga anino ng mga bagay na
nasa harap nila

Bilanggo 1: araw

Glaucon totoong totoo

At ipagpalagay pa nating ang mga bilangguan ay may alingawngaw na nanggagagling sa kabilang tabi

Bilanggo 2: tubig

Siguradong mahuhumaling sila kapag isa sa mga dumraan ay nagsalita na

Bilanggo 3: ibon

Bilang tinig ng mga gumagalaw na anino

Glaucon: Walang duda


Para sa kanila ang katotohanan ay walang iba kundi ang mga anino lamang ng mga imahe

Glaucon: sigurado yan

At ngayon sipatin mong muli at tignan kung ano talagang mangyayari kung isa sa mga bilanggo ay
nakalaya at Makita ang kasinungalingang ginawa sa kanila

Bilanggo 1: (tumayo, lumingon-lingon, at naglakad patungong liwanag----binatana)

Bilanggo 1: arayyyy (habang tinitignan ang mga sugat galing sa pagkakagapos)

Bilanggo 1: nakakasilaaaaw ( habang tinatakpan ang mga mata)

Bilanggo 1: hindi naman ito, at wala naman ang mga ito sa aninong nakikita namin, ilusyon lang ang
lahat na iyon

You might also like