Province of Rizal Municipality of Binangonan Barangay Tagpos
August 17, 2022
CHERRIBIN C. PANGANIBAN MLGOO Binangonan, Rizal RE:ALALAHANIN/REKLAMO NA GALING SA FACEBOOK PAGE NG DILG CALABARZON Dear Mam Cherribin, Narito po ang aking tugon sa tanong na ipinarating sa Facebook Page ng DILG CALABARZON Ayon sa iponost na concerned ni Mr. Carlo M. Musa ng Sitio Malitlit, Tagpos, Binangonan, Rizal, ay nag-ugat sa di papapasok sa kanyang anak at apo sa gate ng San Pedro Village, Tagpos, Binangonan, Rizal. Nais ko bigyang linaw para sa kaalaman DILG at kinauukulan. Ang San Pedro Village, na nasa Tagpos, ay isang pribadong pamamay-ari ni Mr. Rodrigo C. Macatlang, Jr., and Delia Macatlang, Jr., patunay nito ay ang kalakip ng kopya ng Titulo ng lupa bilang Annex “A”. Bukod dito ang nasabing lugar ay may pamunuan ng San Pedro Village Homeowners, Association, Inc., kalakip nito ang kopya ng dokumento ng nakasumite sa aming tanggapan na kinikilalalang lehitimong isang asosasyon, kalakip nito ang kopya ng HLURB Registration bilang Annex “B”. Kalakip din nito ang Katitikan ng Pagpupulong na ginanap sa kainan sa Aplaya na may petsang Enero 11, 2020 at 3:00 P.M., bilang Annex “C” at ang mga Attendance ng mga nagsidalo noong Enero 11, 2020 bilang Annex “D”, sulat paanyaya na may petsang February 14, 2020, bilang Annex “E”, Pabatid Publiko na may petsang July 20, 2022 bilang Annex “F” at ang panghuli bilang Annex “G” ay ang mga pabatid publiko na nakatarpaulin sa bawat lugar na dinaraanan ng mga nakikiraan sa San Pedro na mababasa at mauunawan sapagkat ito ay nasusulat sa Tagalog na lengwahe. Ang mga patakarang ipinapatupad ng nasabing asosasyon para sa Security, Peace and Order na ay ipinabatid at ipinaalam sa mga karatig lugar at kapwa asosasyon na nakatira at nakikidaan sa lugar ng San Pedro Village, ganun din sa barangay. Gaya ng nabanggit sa mga kalakip nito ang mga patawag at attendance, minutes ng mga pagpupulong tungkol sa mga pinapatupad ng San Pedro mula sa taong 2020 hanggang sa kasalukuyan. Bukod dito, hanggang ngayon po tayo ay nasa PANDEMIC at may umiiral pa din Ordinance ang Munisipyo tungkol sa curfew mula 10:00 ng Gabi hanggang ika 5:00 ng umaga, kung kaya’t ang mga minor de edad ay hindi maaring lumabas sa nasabing oras sa gabi, at kung hindi naman menor de edad, kung hindi naman emergency ang rason ng paglabas ay sakop ng Ordinansa ng Munisipyo. Umasa po kayo na ang mga patakarang umiiral sa aming lugar para sa Security, Peace and Order ay naayon sa mga ordinansa ng local na pamahalaan barangay. Para po sa inyong kabatiran, ang reklamong ipinarating sa inyo ay natugunan, sa katunayan ang sinasabing menor de edad ay pinapasok din sa nasabing lugar ng mga oras na iyon matapos na mapatunayan na sila ay lehitimong naninirahan sa karatig asosasyon ng San pedro Village. Umaasa po ako na natugunan ng sulat na ito ang mga katanungang nais mabigyan ng linaw ni Mr. Carlo M. Cusa tungkol sa pamamalakad ng San Pedro Village para sa mga dumaraan sa lugar na ito. Maraming Salamat.
Malaking Impluwensya Ang Nangyaring Pagsakop NG Espanyol Sa Ating Bansa Kaya Naman Ito Ay Naghatid Sa Atin NG Mga Hinding Magandang Nangyari Sa Ating Bansa