Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Ang Heograpiya sa Pagbuo at
Pag-unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Ang heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga
Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Geline T. Fajardo
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Diosdado S. Mateo / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4 :
Ang Heograpiya sa Pagbuo at
Pag-unlad ng mga Sinaunang
Kabihasnan sa Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad
ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad
ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan


ang aralin tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Pagtutuonan ng pansin
sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga mahahalagang bagay o datos na
naglalarawan sa mga sinaunang kabihasnang umunlad sa mga lambak-ilog at kung
paano sila nakapagtatag ng mauunlad na pamayanan at nakapagtaguyod ng
kabihasnan.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:
Talakayan 1 – Heograpiya ng Mesopotamia
Talakayan 2 – Heograpiya ng Lambak Indus
Talakayan 3 – Heograpiya ng Ilog Huang Ho
Talakayan 4 – Heograpiya ng Egypt
Talakayan 5 – Heograpiya ng Mesoamerica

Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

a. nakapag-uugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga


sinaunang kabihasnan ng daigdig;
b. nakapagsusuri ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan ng daigdig; at
c. nakapagpahahayag ang sariling pananaw ukol sa kaugnayan ng
heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan ng
daigdig.

1
Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Saan umunlad ang unang sibilisasyon sa India?


A. Indus Valley C. Silangang Ghats
B. Talampas ng Deccan D. Nile Valley
2. Anong ilog ang humubog sa Sibilisasyong Egypt?
A. Indus C. Nile
B. Hwang D. Tigris
3. Saan ang sentro ng pamayanan noong unang panahon sa kadahilanang
naroon ang pangunahing ikabubuhay nila?
A. dagat-ilog C. lambak kapatagan
B. lambak-ilog D. tabing dagat
4. Sa pag-apaw ng tubig sa ilog na kung saan umusbong ang Mesopotamia,
ano ang tawag sa iniiwan ng baha?
A. banlik C. dumi
B. buhangin D. luwad
5. Ano ang kasalukuyang tawag sa Mesopotamia?
A. Afghanistan C. Iraq
B. Iran D. Lebanon
6. Anong rehiyon sa Asya ang madalas tawagin ng mga heograpo na sub-
kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan?
A. Hilagang Asya C. Timog Asya
B. Silangang Asya D. Timog Silangang Asya
7. Saang lagusang daan nakakapasok ang mga pagsalakay at pandarayuhan
sa India?
A. Himalayas C. Khyber Pass
B. Hindu Kush D. Ganges
8. Saang tabing ilog umusbong ang kabihasnan sa China?
A. Huang Ho at Yangtze C. Nile
B. Indus at Ganges D. Tigris at Euphrates
9. Anong kabihasnan ang tinawag na “The Gift of Nile” dahil kung wala ang ilog
na ito, ang buong lupain na ito ay magiging disyerto?
A. China C. Indus
B. Egypt D. Mesopotamia
10. Saan ang lunduyan ng unang kabihasnan sa America?
A. Mesoamerica C. North America
B. Mexico D. South America

2
11. Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa isang lugar sa
pagtataguyod ng kabihasnan?
A. dahil mapalalakas nito ang turismo ng lugar
B. dahil magbibigay daan ito sa mga karatig lugar
C. dahil isang karangalan ang mabuhay ng maraming anyong lupa at
anyong tubig
D. dahil dito nanggagaling ang kanilang pagkain at hanapbuhay
12. Kung ang pagbabatayan ay ang heograpiya, ano ang magkakatulad ang
mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egypt, Indus,
China?
A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining.
B. Naninirahan ang sinaunang tao sa tabi ng ilog.
C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.
D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.
13. Bakit nahinto ang pagbahang idinudulot ng Ilog ng Nile?
A. dahil sa mga paraon
B. dahil sa pagkakatayo ng Aswan High Dam
C. dahil sa pagkakahati ng mga lungsod
D. dahil binuksan ang daan mula Lubyan Desert hanggang Abu Simbel
14. Anong kabihasnan ang itinuturing na pinakamatanda sa buong daigdig na
nanatili hanggang sa kasalukuyan?
A. China C. Indus
B. Egypt D. Mesopotamia
15. Ang mga lambak-ilog ang pinakakaraniwang pinag-usbungan ng mga
sinaunang kabihasnan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ito ang pook na kung saan sumilang ang mga kabihasnan.
B. Patuloy pa ring pinakikinabangan ang mga lambak-ilog.
C. Nagbibigay sigla pa rin sa mga tao ang mga ilog.
D. Malaki ang nagawa ng ilog para sa tao.

3
Aralin Ang Heograpiya sa Pagbuo at

1 Pag-unlad ng mga Sinaunang


Kabihasnan sa Daigdig
Ang sumibol na kabihasnan ay nagdaan sa mahabang proseso at sa mga
panahon. Ang mga karanasan ng tao sa larangan ng pamumuno, paglinang sa
kasanayan at maging sa kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang matugunan
ang kanilang mga pangangailangan. Sa modyul na ito ay inaasahang matutuhan mo
ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang
kabihasnan sa Daigdig: Mesopotamia, Indus, Tsino, Ehipto, at Mesoamerica.
Simulan mo na ang iyong pagkatuto.

Balikan

Malinaw na kung paano nalinang ang kabihasnan at ang mga batayan upang
maituring na kabihasnan ang isang pamayanan. Malaki ang kaugnayan ng
heograpiya sa pagbuo ng mga sinaunang kabihasnan na siyang humubog sa daloy
ng kasaysayan ng daigdig.
Nasa tuktok ng bato ang mga kongklusyon tungkol sa yugto ng pag-unlad ng
kultura ng mga sinaunang tao. Punan sa ibabang bahagi ng mga bato ng mga
ebidensyang susuporta sa nakatalang kongklusyon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel

Bato ng Yugto ng Pag-Unlad

Malaki ang epekto ng Higit na umunlad ang


agrikultura sa pamumuhay pamumuhay ng tao dahil
ng tao sa paggamit ng metal

4
Mga Tala para sa Guro
Sa pagtalakay ng panimula ng sinaunang kabihasnan
mahalagang malaman ang bahaging ginampanan ng heograpiya
sa paghubog ng kabisnan noong sinaunang panahon.
Makatutulong kung ang bawat mag-aaral ay mayroong mapa ng
daigdig o world map at pagiging pamilyar sa pitong konitente,
anyong lupa, anyong tubig, at iba pang bumubuo sa katangiang
pisikal ng daigdig. Ang gamit ng games o laro sa heograpiya ay
maaaring magpayabong din sa kaalaman ng mga mag-aaral na
patunay ng kasiya-siyang pagkatuto.

Tuklasin

Pagmasdan ang mapa ng daigdig. Iguhit ito sa iyong sagutang papel at


kulayan ng akma ang mga kontinente sa ibaba batay sa sa ibibigay na direksiyon.
Tukuyin sa mga kontinente kung saan matatagpuan ang mga lugar.

Asia- kayumanggi Antarctica- lila Europe- berde South America - pula


Africa- dilaw Australia- rosas North America- asul

Mesopotamia (Iraq) Egypt Indus (India at Pakistan)

Huang Ho (China) Mesoamerica

5
Suriin

Heograpiya ng Mesopotamia

Ang Mesopotamia ay nanga-


ngahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang
ilog”. Ito ay galing sa mga salitang Greek na
meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Ang
Mesopotamia ay itinuturing na kauna-
unahang kabihasnan sa buong daigdig.
Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang
sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga
Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian,
Chaldean, at Elamite na nagtangka ring
sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng
mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang
umusbong at bumagsak sa lugar na ito na
nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga
kabihasnan. https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/
thumb/0/06/Tigr-euph.png/597px-Tigr-euph.png

Ang Mesopotamia ay walang likas na


hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing
ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din
ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga
ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar. Sa
mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na
pamayanang sakahan ang matatagpuan sa
kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-
ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang
pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa
mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga
pagbabago sa aspektong panlipunan, pampolitika,
at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong
kapangyarihan. Isang halimbawa ang Uruk na
https://upload.wikimedia.org/wikipe itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod
dia/commons/2/23/Fertile_Crescent
sa daigdig.
_map.png

Matatagpuan ang Mesopotamia sa Rehiyon ng Fertile Crescent, isang


paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang
baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates
ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang
lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim.

6
Heograpiya ng Lambak ng Indus

Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung


ihahambing sa ibang panig ng Asya. Madalas itong tawagin ng mga heograpo na sub-
kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga kabundukan, kaya maituturing
itong halos isang hiwalay na kontinente. Matatarik na kabundukan ng Hindu Kush,
Himalayas, at Karakuran ang nasa hilaga nito samantalang pinalilibutan ito ng
Arabian Sea sa kanluran, Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan.
Tulad ng ibang kontinente, samu’t sari rin ang wikang ginagamit sa rehiyong ito.
Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyan,
binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri
Lanka, Nepal, at Maldives.

Bagama’t ang rehiyong ito ay


inihihiwalay ng mga kabundukan sa
hilaga, nakararanas din ito ng mga
pagsalakay at pandarayuhan.
Nakapapasok ang mga tao sa mga
daanang tulad ng Khyber Pass sa
hilagang-kanluran, dala ang kanilang
sariling wika at tradisyon, na
nagpayaman sa kulturang Indian.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/8/8b/Kh
yber_Pass_Area_Map.jpg

Mas malawak ang lupain sa Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at


Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating
India, at ang kinaroroonan ng lupaing Pakistan sa kasalukuyan. Ang mga lungsod
na ito ay nagsimulang humina at bumagsak noong ikalawang milenyo B.C.E. Sa
kasalukuyan, tinatayang mahigit 1000 lungsod at pamayanan ang matatagpuan dito
partikular sa rehiyon ng Indus River sa Pakistan. Nagsimula ang kabihasnan sa
India sa paligid ng Indus River. Ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot
ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy
sa Indus River na may habang 2900 km. (1800) milya at bumabagtas sa Kashmir
patungong kapatagan ng Pakistan. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng
matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa
sinaunang India. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng
ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang
lupain.

Daan-daang pamayanan ang nananahan


sa lambak ng Indus sa pagsapit ng 3000 B.C.E.
Karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang
may tanggulan at maayos na mga kalsada. Nang
sumunod na limang siglo, nagkaroon din ng mga
kanal pang-irigasyon at mga estrukturang
pumipigil sa mga pagbaha.

Sa kasalukuyan,isa lamang ang India sa


mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung
susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/comm
pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang ons/8/8b/Khyber_Pass_Area_Map.jpg
namumukod-tangi sa iba.

7
Heograpiya ng Ilog Huang Ho

Ang kabihasnan sa China ay


umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow
River o Huang Ho. Ang ilog na ito ay
nagmumula sa kabundukan ng kanlurang
China at may habang halos 3000 milya.
Dumadaloy ito patungong Yellow Sea. Ang
dinaraanan nito ay nagpabago-bago nang
makailang ulit sa mahabang panahon at
humantong sa pagkakabuo ng isang malawak
na kapatagan, ang North China Plain. Ang
pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng
pataba sa lupa ngunit dahil sa pagiging patag
ng North China Plain, madalas nang
nagaganap ang pagbaha sa lugar na ito. Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang
Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa
kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang
unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang
makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho. Ang pangyayaring ito ay
nagbigay-daan upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka.
Heograpiya ng Egypt

Mahalagang tanda ang tinutukoy na Lower


Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung
saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong
Mediterranean Sea sa pag-unawa sa heograpiya ng
sinaunang Egypt, ang Upper Egypt ay nasa
bahaging katimugan mula sa Libyan Desert
hanggang sa Abu Simbel. Ang Nile River na may
4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.
Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar na
pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng pag-apaw
ng ilog tuwing Hulyo bawat taon. Ang pagbahang
idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970
nang maitayo ang Aswan High Dam upang
makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang
suplay ng tubig. Ang Egypt ay tinawag bilang The
Gift of the Nile dahil kung wala ang ilog na ito, ang
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co
mmons/2/25/River_Nile_map.svg buong lupain nito ay magiging isang disyerto. Tila
hinihiwa ng ilog na ito ang bahaging hilagang-
silangan ng disyerto ng Africa noon pa mang unang panahon.Sa Panahong Neolitiko,
ang taunang pag-apaw ng Nile ay nagbigay-daan upang makapagtanim ang mga
magsasaka sa lambak-ilog.

Ang tubig-baha ay nagdudulot ng halumigmig sa tuyong lupain at nag-iiwan


ng matabang lupain na mainam para sa pagtatanim. Ang mga magsasaka ay kaagad
nagtatanim sa pagbaba ng tubig-baha. Ang putik na dala ng ilog ay unti-unting
naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang tinatawag na delta. Ang

8
lugar na ito ay naging tahanan ng mga ibon at hayop. Maaari ring gamitin ang tubig
mula rito para sa mga lupang sakahan.

Upang maparami ang kanilang maaaring itanim bawat taon, ang mga
sinaunang Egyptian ay gumagawa ng mga imbakan ng tubig at naghukay ng mga
kanal upang padaluyin ang tubig sa kanilang mga lupang sinasaka. Ang ganitong
mga proyekto ay nangangailangan ng malaking bilang ng mga manggagawa, sapat
na teknolohiya, at maayos na mga plano. Ang pagtataya ng panahon kung kailan
magaganap ang mga pagbaha ay naisakatuparan din sa mga panahong ito.

Ang Nile ay nagsilbing mahusay na ruta sa paglalakbay noong mga panahong


iyon. Nagawa nitong mapag-ugnay ang mga pamayanang matatagpuan malapit sa
pampang ng ilog. Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa silangan at kanlurang bahagi
ng ilog ay nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt sapagkat nahahadlangan nito ang
mga pagsalakay. Dahil dito, ang mga tao ay nagawang makapamuhay nang
mapayapa at masagana sa loob ng mahabang panahon.

Heograpiya ng Mesoamerica

Ang Mesoamerica o Central


America ang rehiyon sa pagitan ng
Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico
at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El
Salvador. Sa hilagang hangganan nito
matatagpuan ang mga ilog ng Panuco
at Santiago. Samantala, ang
katimugang hangganan ay mula sa
baybayin ng Honduras sa Atlantic
hanggang sa gulod o slope ng
Nicaragua sa Pacific at sa Tangway ng
Nicoya sa Costa River. Sa
kasalukuyan, saklaw ng Mesoamerica
ang malaking bahagi ng Mexico, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/7/74
/Mayan_Language_Migration_Map.svg/1280px-
Guatemala, Belize, El Salvador, at Mayan_Language_Migration_Map.svg.png
kanlurang bahagi ng Honduras. Hango
ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna”. Ito
ang lunduyan ng mga unang kabihasnan sa America. Sa lupaing ito, ang malaking
pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng
klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon. Pabago-bago ang panahon sa
rehiyong ito.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at isa ito sa mga lugar na
unang pinag-usbungan ng agrikultura, tulad ng Kanlurang Asya at China. Sa
kasalukuyang panahon, may malaking populasyon ang rehiyong ito.

9
Pagyamanin

Gawain 1: Larawan-Suri
Ilarawan ang katangian ng isang lambak-ilog base sa iyong nakikita sa larawan at
punan ang mga pahayag ng hinihingi nitong impormasyon. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.

1. Matatagpuan sa kontinente ng
A_________ ang tatlo sa mga
sinaunang k________ sa
daigdig.
2. Umusbong ang mga k_________
ito sa mga pook na malapit sa
_______.
3. Pinatutuyanan nito na ang tatlo
sa mga sinaunang k_________
sa daigdig ay umunlad sa
kontinente ng A________.

Gawain 2: Katangian – Epekto, Tukuyin Mo!


Isulat sa unang hanay ang mga katangiang pisikal na taglay ng Mesopotamia at sa
ikalawang hanay ay ang epekto ng tinukoy na pisikal na katangian. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Epekto ng Pisikal na
Pisikal na Katangian ng Kapaligiran
Mesopotamia 1.__________________
1.__________________ 2.___________________
2.___________________ 3.___________________
3.___________________

10
Gawain 3: Geo-Bookmark
Pumili ng isang sinaunang kabihasnan na iyong ilalarawan ang heograpiya.
Gumawa ng isang Geo-bookmark na nagpapakita ng kaugnayan ng heograpiya at
pag-unlad ng sinaunang kabihasnan sa Daigdig

Pamantayan sa Pagmamarka ng Geo-Bookmark


Pamantayan Deskripsyon Puntos
Wasto ang mga detalye ng piniling
Nilalaman ng bookmark paksa;nakapaloob ang mahalagang 15
datos sa geo-bookmark
Magkakaugnay ang mga larawan sa
Mga Larawang Ginamit
geo-bookmark; malinaw ang mga 10
sa bookmark
larawan

Mahusay ang pagkakadisenyo ng


Disenyo ng bookmark geo-bookmark, gumamit ng angkop 5
na kulay

Kabuoan 30

Gawain 4: Talaan ng Natutuhan


Punan ang chart base sa hinihingi nitong impormasyon ukol sa kaugnayan ng
heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

AKING ALAM MGA


NAIS MALAMAN
KAHALAGAHAN

Maglista ng limang
bagay na iyong Ano-ano pa ang Magbigay ng
alam ukol sa nais mong limang bagay na
heograpiya ng malaman? iyong natutuhan
sinaunang sa aralin
kabihasnan

Gawain 5: Reflection Journal


Gumawa ng komitment sa iyong reflection notebook. Gawing gabay ang mga
sumusunod na tanong.

• Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng preser-


basyon ng pinagmulan ng mga sinaunang kabihasnan?
• Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon, paano mo maipakikita ang pagmama-
lasakit at pagmamahal sa sa mga sinaunang kabihasnan?

11
Reflection Journal

Gawain 6 Double Matching Type


Iugnay ang Hanay A sa mga sinaunang kabihasnan sa Hanay B at tukuyin ang
kinaroroonan nito sa Hanay C. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B Hanay C

1. Sa pagitan ng A. Lupain ng Yucatan


A. Egypt
dalawang ilog Peninsula

2. Nasa gitna ng B. Timog ng


B. Indus
kontinente Mediterranean

C. Nasa Kanluran ng
3. Biyaya ng Nile C. Mesoamerica
Yellow Sea

4. Nasa tangway ng D. Dumadaloy ang


D. Mesopotamia
Timog Asya Indus River

5. May matabang lupain E. Nasa Kanlurang


E. Tsino
sa Huang Ho Asya

12
Isaisip

Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-


unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig. Isulat ang tamang impormasyon
upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Sumibol malapit sa mga ____________ ang halos lahat ng mga sinaunang


kabihasnang naitatag ng tao.
Ang___________ ang lunduyan ng sinaunang kabihasnan na umusbong sa
pagitan ng Ilog Tigris at ___________. Ang kabihasnang India naman ay umusbong sa
kambal na lungsod na Mohenjo-daro at __________. Kabihasnang __________ ang
naitatag sa Ilog ___________ at Yangtze. Itinuturing ang Egypt bilang unang
kabihasnan na sumibol sa ___________. Ang _____________ o Central America ang
rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa
katimugan ng El Salvador.

Isagawa

Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Paano nakaimpluwensiya ang heograpiya sa


pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig?

13
Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Bakit kaya karaniwang may magkakatulad na katangiang heograpikal ang mga


sinaunang kabihasnan?
A. dahil sa pagpupursigi ng mga taong naninirahan dito
B. dahil sa matatagpuang anyong lupa at anyong tubig sa lugar
C. dahil malawak ang sakop ng mga sinaunang kabihasnan
D. dahil higit na biniyayaan sila ng Maykapal kaysa sa ibang rehiyon
2. Ang malakas na pag-ulan noon sa lugar na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot
ng pag-apaw ng ilog sa anong buwan bawat taon?
A. Hunyo C. Agosto
B. Hulyo D. Setyembre
3. Ano ang epekto ng mga katangiang heograpikal sa pamumuhay ng tao?
A. makasaysayang lugar na maaaring pasyalan
B. pinagkukuhanan ng pagkain at masaganang hanapbuhay
C. makahihikayat ng mga dayuhan upang mamuhunan
D. nagsilbing aral sa mga kabataan ang kasaysayan na dulot nito
4. Sa heograpiya ng Egypt, ano-ano ang pagkakahati nito?
A. East at West C. North at South
B. Lower at Upper D. High at Bottom
5. Ano ang tawag sa nabuong latian dulot ng putik na naipon sa bunganga ng Nile
sa hilaga?
A. alpha C. charlie
B. beta D. delta
6. Saan matatagpuan ang Mesoamerica?
A. sa pagitan ng Sinaloa at Fonsenca C. sa pagitan ng Huang Ho at Yangtze
B. sa pagitan ng Tigris at Euphrates D. pagdumi ng Indus at Ganges
7. Ano ang kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Mesoamerica?
A. Aztec C. Olmec
B. Inca D. Toltec
8. Ano ang positibong naidudulot ng pag-apaw ng ilog Huang Ho sa China?
A. pagbaha sa North China Plain C. pagtaba ng lupa
B. pagkasira ng mga pananim at bahay D. pagdumi ng lungsod
9. Alin sa katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan ng daigdig ang may
malaking pagkakatulad sa isa’t isa?
A. ang pinag-usbungan ng mga kabihasnan
B. ang mga paniniwala ng mga kabihasnan
C. ang mga uri ng tao sa kabihasnan
D. ang mga likas na yamang matatagpuan sa kabihasnan
10. Paano napararami ng mga Egyptian ang kanilang maaaring itanim bawat taon?
A. tinatabasan ang tangkay ng kanilang pananim linggo-linggo
B. naghihintay ng tag-ulan at tag-araw
C. sinasabuyan ng pataba ang pananim
D. nag-iimbak ng tubig at naghuhukay ng mga kanal
11. Ano ang tawag noon ng mga Tsino sa sinaunang lupain?
A. Central Kingdom C. Top Kinggdom
B. High Kingdom D. Middle Kingdom

14
12. Anong lungsod ang pinakabagong tuklas ng mga sinaunang sentrong
kabihasnan sa kasalukuyang panahon sa Lambak ng Indus?
A. Harappa at Mohenjo-daro C. Olmec at Toltec
B. Sumer at Babylon D. Yellow at Yangtze
13. Bakit mahirap ipagtanggol ang Mesopotamia sa ibang lugar kung pagbabatayan
ang heograpikal na katangian nito?
A. dahil walang likas na hangganan ang mga lupain
B. dahil pala-kaibigan ang mga tao
C. dahil sa mga ilog na kayang tawirin
D. dahil hindi mahigpit ang seguridad
14. Ano ang kahulugan ng salitang Mesopotamia?
A. sa gitna ng dagat
B. sa pagitan ng bulubundukin
C. sa pagitan ng dalawang ilog
D. sa gitna ng kapatagan
15. Alin sa sumusunod na katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan
ang nararapat na mapangalagaan?
A. ang mga taong naninirahan dito
B. ang mga lupain na sinakop ng mga nandarayuhan
C. ang mga lambak-ilog na pinag-usbungan ng mga kabihasnan
D. ang mga ginto at pilak na matatagpuan sa lugar

Karagdagang Gawain

Gumawa ng geography checklist sa heograpiya ng


sinaunang kabihasnan. Sundin ang format sa ibaba at isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel

Geography Checklist
Kabihasnan: Egypt Indus Mesoamerica Mesopotamia Tsino
Mga
Katangiang
Heograpikal:

Lagyan ng tsek ang kahon kung taglay ng mga kabihasnang tinukoy ang mga
katangiang heograpikal ng kabihasnan.

15
Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et al. Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng


Mag-aaral. Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City: Department
of Education-Instructional Materials Council Secretariat, 2014.

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG


Codes in Araling Panlipunan,”Department of Education, May, 2020, page 51

Learning Resource Portal. “Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 3 Ang mga
Unang Kabihasnan”. Accessed May 08, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6039

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like