Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

“Ang Balarila ay Bala ng Dila”


- ang balarila ay bala ng dila dahil ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng anyo, uri ng mga salita, at
tamang pag kakaugnay ng mga salita sa isang oahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan
o diwa .
2. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita
2.1- Ng/Nang
- Kumain ako nang kumain kanggang sa ako ay nabusog
-Nasanay ka nang humiga pagkatapos kumain.
Kailan ka magpapasa ng activity?
- Bukas ng hapon.
Busog ka?
- Oo. Kumain ako sa bahay ng almusal bago pumasok.
2.2 Pahirin/Pahiran
- Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina.
- Pahirin mo ang pawis ng iyong kapatid.
- Pahiran mo ng mantika ang aking tinapay.
- Aking papahiran ng pampakintab ang aming bintana.
2.3 Sundan/ Sundin
- Sundan moa gad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo.
- Sundan mo si Anna.
- Bilang tao nararapat nating sundin ang sampung utos ng diyos.
- Sundin mo ang payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas.
2.4 Subukan/ Subukin
- Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.
- Subukan mong alamin ang kaniyang sekreto.
-Subukin mo ang tatag ng kanilang pag-ibig.
- Subukin mo kung gaano siya kabilis magsulat.
2.5 Walisan/ Walisin
-Walisan mo ang ating bakuran
- Wawalisan ko mamaya ang sahig sa aming sala.
- Walisin mo ang mga tuyong dahoon sa bakuran.
-Wawalisin ko mamaya ang nag kalat na papel sa sahig kapag natapos akong maglaba.
2.6 May/ Mayroon/ Meron
- May mga bagay na hindi mo dapat alamin.
-May anay sa dingding na ito.
- Mayroon siyang bagong laruan.
-Mayroon siyang pasok bukas?
2.7 Operahan/ Operahin
-Si Luis ay ooperahan sa Lunes.
-Habang inooperahan si Luna ay panay dasal ng kaniyang asawa.
- Nakatakdang operahin ang mga mat ani Mang Juan sa Martes.
- Ang tumor sa dibdib ng may sakit ay ooperahin mamaya.
2.8 Pakiusap/Ipakiusap/Pakiusapan
- Ang pakiusap ng magulang sa mga anak ay tinupad.
- Pakiusap, pakiabot ng aking panyo.
-Ipakiusap mo ako sa aking mga magulang, kung nais ninyo akong isama.
- Pakiusapan niyo ang kaniyang magulang upang siya’y payagan.
2.9 Magbangon/ Bumangon
- Tulungan mo kaming magbangon ng mga haligi para sa aming bahay.
-Panahon na upang magbangon tayo ng panibagong kilusan.
-Bumangon kana at ika’y mahuhuli na sa paaralan!
-Ang kapatid mo bumangon na ba ?
3.0 Napakasal/ Nagpakasal
-Si Janet ay napakasal sa sarili niyang kapasyahan.
-Napasakal na nga ba kayo ng kasintahan mo?
- Ang mag-asawa ay nagpakasal ng kanilang panganay na anak.
- Si Aling Aura ang nagpakasal sa pamangkin niyang naulila sa mga magulang.
3.1 Kong/Kung
-Kakain ako kung kakain ka.
-Sasali ako kung sasali ka.
- Ito ang paborito kong kulay
- Ito ang palagi kong kinakain.
3.2 Magsakay/ Sumakay
-Magsakay ka ng sampung kahon ng lansones sa bus.
-Magsakay ka ng 2 bata sa iyong motor.
-Sumakay na tayo sa daraang bus.
-Sumakay na tayo upang tayo’y hindi mahuli sa klase.
3.3 Din/Rin
- Masarap din magluto ang nanay ko.
-Uy! Na-fall din daw siya sayo!
- May bahay rin kami sa Cavite.
-Gusto ko rin ng sinigang
3.4 Daw/Raw
- Sa ilog daw maliligo ang mga binate.
-Masakit daw ang ulo ni Tess kaya hindi siya nakapasok sa klase.
-Si Anna katulad mo raw na masipag sa trabaho.
- Nag-aaway raw ang mga bata.
3.5 Sina/Sila
- Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.
-Nakita ko sina Ben at Allegra.
-Nakita ko sila.
-Sila ay mabubuting anak.
3.6 Tagalog/Pilipino/Filipino
- Tagalog ang wikang gamit ng karamihan sa Pilipinas.
- Wikang tagalog ang Pangunahing wika ng Pilipinas.
- Matiyaga ang manggagawang Pilipino.
- Pilipino ang tawag sa ating nakatira sa Pilipinas.
- Filipino ang asignaturang tinuturo sa paaralan.
- Ang aking napiling kurso sa kolehiyo ay Filipino.
3.7 Punasan/Punasin
-Punasan mo ang mesa.
-Punasan mo ang sahig.
-Punasin mo ang alikabok sa mesa.
-Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.
3.8 Pinto/Pintuan
- Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
- Gawa sa narra ang pinto.
- Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
-Nakaharang sa pintuan ang bagong biling refrigerator.
3.9 Muna/Mo Na
- Mag-aral ka muna bago ka maglaro.
-Mag hugas ka muna ng plato bago ka manuod.
- Bigyan mo na ng pagkain ang alaga mong aso.
-Pakainin mo na ang iyong bisita.
4.0 Kapag/ Kung/ Kong
- Umuuwi siya sa bahay kapag malapit na ang gabi.
-Makinig sa grupo kapag siya ay nagsasalita.
-Kung tayong lahat ang sasama mas masaya.
-Kung tayo’y manunuod siya’y magiging malungkot.
-Ayaw kong umalis bukas.
- Maasahan sa mga gawain ang matalik kong kaibigan.

You might also like