YUMOL-Ebalwasyon Sa Kultura

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: Wezza Fyrg M.

Yumol 2nd Year BS in Psychology Seksyon: FIL101 A7-1

I. Gamit ang mga salitang polychromic, monochromic, individualist, collectivist, allocentric,


at idiocentric, bumuo ng isang paglalahad na naglalarawan ng iyong sarili. Pamagatan itong
“Kilala Ko Ako.”
Kilala Ko Ako
Hi! Ang magandang dilag na nagpapahayag ng kanyang sarili sa inyo ngayon ay
nagngangalang Wezza Fyrg M. Yumol. Ako ay nakatira sa munisipalidad ng Polomolok na
nakapaloob sa probinsya ng South Cotabato. Ako ay nag-aaral ng Batsilyer ng Agham sa
Sikolohiya sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology na kung saan ay malayo
sa aking kinagisnan. Ang aking ina ang nagtatrabaho sa Dubai samantalang ang aking ama ay
ahente sa kompanya ng Rebisco. Kung kaya’t ako, ang aking ama, at kapatid lamang ang nasa
bahay namin. Sa loob ng 20 taon, masasabi kong marami na akong napagdaanan sa buhay na
nakapaglalabas at naglalarawan kung sino ako bilang anak, kapatid, kaibigan, at mag-aaral.
Si Wezza sa bahay. Ang aking pamilya ay ang aking comfort place. Ang aming tahanan
ay aking kaginhawaan. Marami na kaming mga alaala na-ibuo ng magkasama. Ako ay maunawain
sa aking kapatid sapagkat malaki ang epektong sikolohikal at emosyonal ang na-idulot ng
pagtrabaho ng aming ina sa malayo. Ang aking kapatid ay sensitibo at mas iniisip ang kanyang
pansariling damdamin kung kaya’t iniisip ko nang maigi ang mga binibitawan kong mga salita sa
kanya dahil ayaw ko siyang masaktan. Gayundin sa aking ina – nagiging maingat ako na hindi
makasakit ng damdamin o ikapanglumo niya sapagkat siya lamang mag-isa sa Dubai at wala kami
in-person upang makausap siya ng maayos. Kahit papaano ay magkasundo naman kami ng aking
kapatid sa maraming bagay lalong lalo na sa pagluluto na kung saan ay natutunan naming sa aming
ama. Si papa ay maraming naibahagi na recipe sa amin at nakakakapag bonding kami sa
pamamagitan ng pagluluto. Ngunit ang pinakatumatak sa aking isip ay ang kanyang prinsipyo na
pagiging malinis sa lahat ng bagay kahit sa pagluluto. Kung kaya’t habang nagluluto ako ay
mainam ko ring nililinisan ang mga hugasin at kapaligiran sa kusina. Ang aking ama rin ang
nagturo sa amin na maging masipag sa mga gawaing bahay. Kung pwede ay maglinis habang
hinihintay maluto ang nakasaing na kanin.
Si Wezza bilang estudyante. Mahalaga sa akin ang edukasyon kung kaya’t ginagawa ko
ang lahat upang makakuha ng matataas na marka. Marami akong mga kabiguan at mga sakripisyo
na napagdaanan upang makarating sa aking tinatayuan ngayon sa pag-aaral. Noong wala pa ang
pandemya, masikap ako sa pag-aaral ng aking mga asignaturang kinuha sa bawat semester. Hindi
ako makapagpahinga, makapag surf sa social media, at maging humiga hanggat hindi pa tapos ang
aking mga takdang-aralin dahil bumabagabag sa isip ko ang mga gawain. Mas epektibo ang aking
pag-aaral habang ako ay nakikinig ng musika. Maliban sa pag-aaral, naranasan ko rin ang maging
isang lider sa klase noong high school. Bilang isang lider na may layuning gawin ang silid-aralan
bilang isang malusog na kapaligirang pang-edukasyon, dapat isalang-alang ang mga opinyon at
saloobin ng lahat ng kaklase. Mula sa pag desisyon para sa mga programa katulad ng buwan ng
wika hanggang sa pagpili ng mga pagkain sa Christmas party ay pangkalahatang desisyon at ito
ang aking prayoridad sa aking buong termino.

Si Wezza bilang kaibigan. Sa aking mga kaibigan ko napapalabas ang aking pagiging
humorous dahil nasisiyahan ako kapag ako ay nakakapagpatawa ng ibang tao at napapagaan ko
ang kanilang mga loob. Ako ay isang active listener lalong lalo na pagdating sa aking mga kaibigan
dahil gusto kong umunawa at tumulong sa kanilang mga problema at mabibigat na pinagdadaanan.
Halos ng aking mga kaibigan ay sa akin nagsasalita ng kanilang mga hinanakit sa buhay, pag-
aaral, at social life. Ito ay maaaring dahil sa lalim ng aming pagsasamahan at itinuturing ko sila
bilang parte na ng aming pamilya. Bukas ang aming bahay na tanggapin sila anumang oras. Wala
naming problema ang aking mga magulang ukol rito.
Si Wezza bilang si Wezza. Ako ay isang masayahing tao sa kabuuan. Gusto kong masaya
ang mga nakapaligid sa akin. Ngunit may mga pagkakataon sa buhay na ako ay nababaon sa
kalungkutan at gustong mapag-isa. Kapag may mga personal akong problema, na-iirita ako sa lahat
at hindi ko namamalayan na napaka sensitibo ko na sa mga bagay. Ako ay isang mapagmahal na
anak, mahilig akong yumakap at humalik sa aking mga magulang – simbolo ng pagmamahal ko
sa kanila at gusto kong ibigay sa aking mga magulang ang kanilang mga inaasam sa buhay kapag
ako ay makapag trabaho na. Isa rin akong responsablen mamamayan at sumusunod sa batas na
ipinapatupad ng ating bansa. Marunong akong tumulong sa kapwa sa pamamaraang pagbigay ng
makakain sa mga nagugutom na bata sa kalye. Marunong rin akong lumingon sa pinanggalingan
at may takot sa Diyos.
Marami sa atin ang hindi kilala ang ating mga sarili. Tayo minsan ay nagugulat na kaya
pala natin gawin ang mga gabay na inakala nating hindi natin magagawa. May mga karanasan sa
buhay na nagbibigay ng depinisyon sa kung sino tayo. Maging ang mga tagumpay at pagsubok na
ating pinagdadaanan ay ang simula ng pagkikilala natin sa ating mga sarili.

II. Ipahayag ang inyong sariling opinion tungkol sa mga grupo sa Pilipinas na may
natatanging kultura (Rizalian, GMS, Ilaga, Moncadista, at PBMA). Ano kaya ang nagtulak
sa mga tagatatag na bumuo ng ganitong uring grupo? Nakatutulong ba ito sa kapayapaan
sa Mindanao? Paano?
Ang Pilipinas ay binunuo ng libo-libong isla kung kaya’t marami tayong barayiti ng mga
kultura at relihiyon. Dahil sa pag-unlad ng pamamaraan ng pamumuhay ng ating mga ninuno dulot
ng pakikiayon sa mga pagbabagong naganap sa kanilang kapaligiran, maraming kultura ang
umusbong. Ang mga kultura sa ating bansa ay na-impluwensyahan rin ng iba’t ibang mga
kaganapan sa ating kasaysayan katulad ng mga katutubong tradisyon at pagsakop ng mga dayuhan.
Hindi ma-ikakaila na ang ating mga kultura at relihiyon ay pinaghalo ng ating sariling nakagawian
mula sa ating mga ninuno at ng mga tradisyong pangdayuhan.
May mga katutubo at mga mangangalakal ang dumayo sa katimugang bahagi ng Pilipinas
mula sa Malaysia, India, at iba pa nating mga karatig bansa ilang daang taon na ang nakakaraan.
Sila ang bumuo at nagpa-unlad ng iba’t ibang mga kultural at pang relihiyong kagawian at
selebrasyon. Ilan na rito ang mga muslim at mga b’laan. Mayroon din naming mga natatanging
kultura na kakaiba sa karamihan. Ang mga Rizalian ay naniniwala sa pagka-diyos ng ating
pambansang bayani na si Jose Rizal. Pinaniniwalaan rin nila na si Rizal ay buhay pa at babalik
upang i-ahon ang kanyang mga tagapaglingkod mula sa kahirapan at pang-aapi. Sa kasalukuyan
mayroon nang 300,000 ang miyembro ng grupong ito. Ang mga Ilaga naman ay karamihang
binubuo ng Ilonggo. Sila ay yumayakap sa tradition ng Folk Catholicism na gumagamit ng mga
anting-anting at karahasan. Ang mga Moncadista ay mga taga-sunod ni Dr. Hilario Camino
Monado – isa umanong kinikilala bilang Filipino Messiah. Ang PBMA (Philippine Benevolent
Missionaries Association) ay isang organisasyon na may layuning simulan ang mga gawaing
makatao at isulong ang kapatiran sa mga mamamayan sa kabila ng edad, kasarian, lahi, relihiyon,
at iba pa.
Kung ako ang tatanungin, ang kapayapaan ay nakakamit depende sa layunin ng
komunidad. Ito ay ang pagkaka-isa ng bawat mamamayan anuman ang lahi, kultura, relihiyon, at
pangkat ang kanilang kinabibilangan. Ang mga natatanging kulturang ito ay may iba’t ibang
gustong makamit. Halimbawa, ang PBMA ay sumasagawa ng mga aktibidad na naglalayong
ipagkaisa ang mga tao sa pamamagitan ng pagturo ng hindi lamang mga aralin na hango sa isang
relihiyon ngunit base sa lahat – Kristiyanismo, Budismo, Hinduismo, Judaismo, at Akashic.
Walang intensyon ang kultura na makasakit at magdala ng pahamak sa kung sinuman. Hindi nila
pinipilit ang mga tao lumipat ng relihiyon, gusto lamang nila idagdag ang kanilang mga pagtuturo
sa pang espiritwal na pagkatao ng mga tagapakinig. Kung kaya’t para sa akin ay walang problema.
Hindi tulad ng mga Ilagan a gumagamit ng karahasan. Sila ang salarin sa Manili massacre. Kung
saan maraming mga Moro, Kristyano, at mga Muslim na namumuhay ng mapayapa ay nawalan
ng buhay. Ang dalawang kulturang ito ay may magka-ibang layunin na nagdudulot ng gulo at/o
kapayapaan sa komunidad.

Ang barayiti ng kultura sa Mindanao ay layong nagdudulot ng mga komplikasyon at


diskriminasyon ngunit kung ang mga miyembro nito ay marunong rumespeto ng tradisyon at
kagawian ng kanya-kanyang mga kultura at relihiyon, makakamit natin ang kapayapaan. Ang
kulturang may mabuting layunin at mga miyembro na marunong umunawa at rumespeto ang
siyang daan patungo sa matiwasay na komunidad.

REFERENCES:
https://publishing.cdlib.org/ucpressebooks/view?docId=ft0199n64c&chunk.id=d0e2351&toc.dep
th=100&toc.id=d0e2319&brand=ucpress
http://www.ethnicgroupsphilippines.com/2016/08/18/the-moncadistas-in-samal-island
https://artsandculture.google.com/entity/rizalista-religious-movements/m0zmxy7j
https://www.localherodinagatislands.com/copy-of-constitution-by-laws

You might also like