Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

NAME: _____________________________________________ DATE: ____________________


GRADE: _________________________ SCORE: ___________________
QUARTER I - FIRST SUMMATIVE TEST
FILIPINO 7
I. Pagtukoy ng Sanhi o Bunga

Panuto: Isulat sa patlang ang titik S kung ang may salungguhit ay tumutukoy ng sanhi. Isulat ang titik B kung ito ay
tumutukoy ng bunga.

1. Hindi naplantsa ni Janet ang kanyang uniporme dahil nawalan sila ng kuryente.

2. Tulog ang sanggol kaya huwag kayong maingay.

3. Pagka’t malakas ang sikat ng araw, agad natuyo ang mga damit sa sampayan.

4. Dahil nakalimutan ni Roselle ang kanyang I.D., bumalik siya sa bahay.

5. Sapagka’t nagmamadali siyang lumabas ng bahay, hindi nakapagsuklay si Carla.

6. Pumutok ang gulong ng bisikleta ni Justin kaya napatigil siya sa daan.

7. Naunawaan ni Gabby ang aralin kung kaya’t tama lahat ang sagot niya sa pagsasanay.

8. Hindi pumasok sa opisina si Manuel pagka’t mataas ang kanyang lagnat.

9. Dahil basa ang sahig, nadulas at nasaktan ang isang mag-aaral.

10. Nakalabas ang tuta kasi naiwan na nakabukas ang gate.

II. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago
ang bilang.

_______11. Uri ng kuwento kung saan binibigyang diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang
pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa naturang lugar.
a. Kwento ng Katutubong Kulay c. Kwento ng Katatawanan
b. Kwento ng Kababalaghan d. Kwento ng Katatakutan

_______12. Ito ay mga salaysayin na nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.

a. Kwento ng Katutubong Kulay c. Kwento ng Katatawanan


b. Kwento ng Kababalaghan d. Kwento ng Katatakutan

_______13. Dito inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan
ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

a. Kwento ng Tauhan c. Kwento ng Katatawanan

E-mail: siagaointegrated501785@gmail.com
FB account: https://www.facebook.com/profile.php?id=100084797600767
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

b. Kwento ng Kababalaghan d. Kwento ng Katatakutan

________14. Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

a. Kwento ng Tauhan c. Kwento ng Katatawanan


b. Kwentong Bayan d. Kwento ng Katatakutan

________ 15. Ito ay uri ng kwento kung saan ito ay naglalaman ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

a. Kwento ng Tauhan c. Kwento ng Katatawanan


b. Kwentong Bayan d. Kwento ng Katatakutan

________ 16. Elemento ng isang Maikling Kwento kung saan nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang
pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento.

a. Saglit na kasiglahan c. Suliranin


b. Panimula d. Wakas
_________17. Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
a. Saglit na kasiglahan c. Suliranin
b. Panimula d. Wakas
_________18. Ang ________________ ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban
sa kapaligiran o kalikasan
a. Saglit na kasiglahan c. Suliranin
b. Tunggalian d. Wakas
_________19. Dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
a. Kasukdulan c. Suliranin
b. Kakalasan d. Wakas
_________20. Ito ay element ng maikling kwento kung saan itinuturing itong tulay sa wakas ng kwento.
a. Kasukdulan c. Suliranin
b. Kakalasan d. Wakas
________21. Ito’y bahagi ng maikling kwento kung saan dito ipinapakilala ang mga tauhan, tagpuan, at ang suliraning
kakaharapin ng pangunahing tauhan.
a. Gitna c. Suliranin
b. Kakalasan d. Simula
________22. Bahagi ng maikling kwento kung saan binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan.
a. Gitna c. Wakas
b. Kakalasan d. Simula
________23. Ang ________ ay binubuo ng kakalasan at katapusan ng kwento. Sa bahaging ito kababasahan ng magiging
resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. 
a. Gitna c. Wakas
b. Kakalasan d. Simula
________24. Ano ang pangalan ng pinuno sa kwentong Ang Pilosopo?
a. Abed c. Arturo
b. Abel d. Abil
________25. Sino-sino ang mga tauhan sa pabulang “Ang Mataba at Payat na Usa”?
a. Ang mag-iina at mga usa c. Ang Kuneho at Pagong
b. Ang leon at ang daga d. Ang aso at uwak

E-mail: siagaointegrated501785@gmail.com
FB account: https://www.facebook.com/profile.php?id=100084797600767

You might also like