Professional Documents
Culture Documents
Topic 2 and 3
Topic 2 and 3
Ayon kina Dayag at del Rosario (2016), kung babalikan ang kasaysayan, hindi
naging madali ang pagpili sa wikang pambansa.
Nang mapagtibay nag Kautusang tagapagpaganap Blg. 134 matapos ang dalawang
taon, sinimulan nang ituro sa pampubliko at pribado ng wikang pambansa na
batay sa Tagalog.
Sa pamamagitan naman ng Batas Komonwelt Blg. 570, ipinapahayag ang pagiging
isa sa mga opisyal ng wikang pambansa simula Hunyo 4, 1946.
Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wiakng pambansa. Mula Tagalog
ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose
E. Romero , ang kalihim ng edukasyon noon. Sa panahong ito lumalaganap ang
paggamit ng Wikang Pilipino.
BE circular No. 71, s. 1939. Ipinag-utos nang noo’y Kalihim Jorge Bocobo ng
paturuang Bayan na gamitin ang mga katutubong diyalekto bilang mga
pantulong na wikang panturo sa primary simula taong 1939-1940.
Kautusang Tagapagpaganp BLg. 263. Noong Abril 1, 1940 ay nilagdaan ng
Pangulong Quezon ang kautusan at dito’y ipinag-utos ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa lahat ng paaralang pampubliko at pribado sa bansa.
Nag-aatas din ito ng paaralang paglilimbag ng Tagalog-English Vocabulary at
isang gramatika na pinamagatang “Ang Balarila ng Wikang Pambansa.”
Bulitin Blg. 26, s. 1940. Naglalaman ng pagmumungkahing magsama ng
isang pitak o seksiyon sa Wikang Pambansa sa lahat ng pahayagang
pampaaralan uypanyg mapasigla ang pagy- aaral ng Wikang Pambansa sa
mataas na paaralan, mga paaralang normal at tekniko na nilagdaan ng
Direktor ng Pagtuturo na si Celedonio Salvador.
Executive Order No. 10. Noong Nobyembre 30,1943, nagpalabas si Jose P.
Laurel ng Executive Order Blg. 10 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay
ituturo sa lahat ng mataas na paaralang pampubliko at pampribado,
kolehiyo at unebersidad na agad magkakabisa simula taong panuruan 1944-
1945 (Bernabe, 1987y; sa Boras-Vega, 2010).
Memorandum Pangkagawaran Blg. 6, S. 1945.
Ipinalabas ng kagawaran ng Edukasyon na nagtatakda ng tentatibong
kurikulum sa elementary. Sa kurikulum na ito, ang wikang pambansa ay
binibigyann ng pang araw-araw na pagkaklase, 15 minuto sa primarya at 30
minuto sa intermedya.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25. Noong Hunyo 19, 1974, ang kagawaran
ng eduksyon at kultura ay nalagda sa pamamagitan ng kautusang
Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 ng mga panuntunan sa pagpapatuypad sa
Patakarang Edukasyong Bilingguwal. Ayon sa panuntunang ito, binibigyan
ng katuturang magakahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga
panturo sa mga tiyak na asignatura, sa pasubaling gagamitin ang Arabic sa
mga lugar na ito ay kinkailangan.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 50, s. 1975.
Simula sa taong panuruan 1979-1980, isasama sa kurikulum ang lahat ng
mga institusyong tersiyarya ang lahat ng anim (6) nay unit ng Pilipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987.
Ang Filipino at ingles ay ggamiting mga midyum sa pagtuturo. Ituturo rin
ang dalawang wika at gagamiting midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng
beduykasyon para matamo ang bilingguwal na kahusayan.
CHED Memorandum Order (CMO) No. 59, s. 1996. Sa animnapu’t tatlong
(63) minimum na kahingian ng General Education Curriculum (GEC) siyam
(9) na yunit ang inilaan sa Filipino at siyyam (9) din sa Ingles.
CMO No. 04, s. 1997. Siyam (9) na yunit ng Filipino ang kukunin sa
programang Humanities, Social Science at Communication (HUSOCOM) at
anim (6) naman sa di-HUSOCOM.
Isa rin ang National Commission for Culture and the Arts of the Philippines
(NCCA) o Pambansang Komisyon Para sa Kultura at mga Sining sa mga
organisasyon na nagtataguyod sa kahalagahan ng wikang Filipino . sa kanilang
resolusyon na bahagi ng kaytitikan ng pulong noong 2014, isinasaad na sadyang
mahalaag ang paggamit ng wikang Filipino upang mapaigting ang kamalayang
pambansa at pagkakaisa ng sambayanan.
Mga Gawain:
Pagsulat ng Journal
4. Tanggol Wika
5. Wikang Filipino
Gamit ang timetable, isulat sa kahon ang mga pangyayari batay sa isinasaad
ng taon.
Pagpapahalaga