G7 Modyul 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

COMMISSION ON DIOCESAN SCHOOLS

SAINT CHRISTOPHER ACADEMY


High School Department
Bangar, La Union

FILIPINO 7
Pangalan: ________________________________________ Petsa: Ika- 19-23 ng Oktubre 2020
Baitang at Seksyon: ______________________ Guro: Bb. Analyn V. Laysa

UNANG MARKAHAN MODYUL 5


PAKSA: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga,
Panghihikayat, Pagpapahayag ng Saloobin
Pagsulat ng Iskrip ng Informance

PANIMULA!

Sa lahat ng bagay na ating ginagawa may mga dahilan kung bakit nangyayari ang isang bagay at may resulta ang
lahat ng ating desisyon at ginagawa.
Sa araling ito, tayo ay matutong magpahayag ng mga sanhi at bunga ng mga pangyayari, panghihikayat at
pagpapahayag ng saloobin gamit ang mga pang-ugnay upang maging mas malinaw at mabisa ang ating pagpapahayag.
Kaya naman sa susunod nating gawain, ikaw magbibigay ng posibleng dahilan o bunga ng isang pangyayari.

Tandaan:

Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga,


Panghihikayat, at Pagpapahayag ng Saloobin

Pang-ugnay na ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga, Panghihikayat, at Pagpapahayag ng saloobin.


Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala, at pangungusap ay mahalagang sangkap para sa
malinaw, lohikal, at mabisang paglalahad. Sa paggamit ng iba’t ibang pang-ugnay, higit na nabibigyang-diin ang
layunin sa pagpapahayag. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga


 Pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan: sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, at
kasi/naging
 Pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta: kaya/kaya naman, dahil dito, bunga nito, tuloy
2. Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat
 Pang-ugnay na nagpapakita ng pagsang-ayon: totoo, oo, mabuti, at sigurado
 Pang-ugnay na nagpapakita ng pagtutol: hindi, ngunit, subalit, datapwat at bagama’t
3. Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin.
Ilan sa mga ito ay ang: sa palagay ko, hinuha ko, kapag, pag, kung gayon, sana, at basta

Pagsulat ng Iskrip ng Informance

Informance
 Ito ay binubuo ng dalawang salitang information at performance.
 Sa pagsasagawa nito, kinakailangan mong magsagawa ng pananaliksik na may kinalaman sa bagay na iyong
papaksain at matapos makakuha ng sapat na impormasyon ay ipapakita o ipeperform mo ito.
 Ito ang presentation ng natutuhan ng estudyante na nagpopokus sa paraan ng pag-aaral at kung paano ang
pagkatuto sa paaralan.
 Ito ay may intensyong maipakita ang pagdiriwang sa mga kaalamang natututuhan at halos kapareho ng mga
pormal na pagtatanghal subalit di gaya ng binanggit na higit ang pagsasanay na ginagawa.
 Nagagawa nitong maging pokus sa kurikulum at sa proseso ng pag-arte na siyang higit na pinagtutuunan ng
kurikulum.
 Kinakailangan na maipakita ang lubos na kaalaman ng mga mag-aaral habang binibigyang pagkakataon o
oportunidad sila na maibabahagi sa publiko ang kanilang totoo at tunay na kaalaman.
 Hangad ng pag-aaral na itong magkaroon ang mga manonood ng karanasang totoo at malalaman kung ano ang
mga nangyayari habang ginagawa o nagsasanay para maipakita ang kanilang mga kakayahan

 Mga halimbawa ng informance

 Skills demonstration
 One on one visitation
 Classroom visit
 Stage class
 Informal performance

 Benepisyo ng informance
1. Mapagbuti ang kalidad ng edukasyon.
2. Makaisip ng pinaka-epektibong paraan ng pagkatuto.
3. Magamit ang kaalaman ng mga mag-aaral.

Inihanda ni: Iniwasto ni: Binigyang-pansin ni:


Bb. Analyn V. Laysa Bb. Jennifer B. Galuz Gng. Mylane B. Acosta
Guro sa Filipino Akademik Koordineytor Punong-guro
WORKSHEET SA ASIGNATURANG FILIPINO
MODYUL 5

Pangalan: ________________________________________ Petsa: _________________


Baitang at Seksyon: ______________________ Iskor:

 Gawain 1

Panuto: Sa ibaba ay mayroon tayong iba’t ibang sitwasyon. Kailangan niyo lang magsulat ng mga maaaring maging
dahilan o resulta ng sitwasyong naibigay. (2 puntos bawat aytem)

Halimbawa: Nakalimutan ni Ian na kunin ang kaniyang payong______________.


Sagot: Nakalimutan ni Ian na kunin ang kaniyang payong kaya nang umulan kinahapunan ay nabasa
siya ng ulan.

1. Hindi naging disiplinado ang tao ngayong pandemya ________________________________________________


___________________________________________________________________________________________
2. Maraming mag-aaral ang hindi muna tutuloy sa pag-aaral ngayong may pandemyang kinakaharap ang
bansa_______________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
3. Nagkasakit si Ben ____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
4. Si Michael ay kumain ng panis na pansit __________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
5. Si Daniel ay hindi nakikinig sa talakayan sa asignaturang Filipino ______________________________________
___________________________________________________________________________________________
6. Nakalimutan na kunin Jenny ang kanyang sinampay na damit _________________________________________
___________________________________________________________________________________________
7. Ang pangkat nila Zen ay pinuri ng kanilang guro ___________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
8. Natulog nang maaga ang pamilya De Castro _______________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
9. Kumain ng gulay at prutas si Jaime ______________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
10. Ang mga mamamayang Pilipino ay nagtulungan hinggil sa Covid-19____________________________________
___________________________________________________________________________________________

 Gawain 2
Panuto: Bilugan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at salungguhitan ang salita o mga salitang
pinag-uugnayan nito. May mga pangungusap na higit sa isang pang-ugnay ang ginamit. (2 puntos bawat aytem)

1. Ang magkakapatid ay minahal ng mga tao sapagkat sila’t tunay na matulungin sa kapwa.
2. Bagama’t nawala ang minamahal ay hindi niya inalintana para sa kapakanan ng kanyang bayan.
3. Maligayang naninirahan ang mga tao sa lugar subalit dumating ang isang mayabang na kaaway.
4. Sa aking hinuha ay madaling matatalo ni Tulalang ang kanyang mga kalaban dahil sa kanyang angking talino.
5. Ang pagdating ng sarimbar ay totoong nagbigay ng kaligayahan sa mamamayan.
6. Nagkaroon siya ng kanser sa baga dahil sa labis na paninigarilyo.
7. Bumaha sa EDSA dahil sa malakas na ulan.
8. May sugat si Candy kaya iyak siya ng iyak.
9. Sana bigyan pa ako ng isang pagkakataon ng aking kaibigan para maituwid ang mali na aking nagawa sa kanya.
10. Mataas ang lagnat ni Joshua kaya hindi siya pumasok sa paaralan.
 Gawain 3

Panuto: Saliksikin ang epiko na pinamagatang “Labaw Donggon”. Tukuyin ang katangian ng pangunahing
tauhan mula sa epiko. Gumawa ng deksripsyon o paglalarawan sa pangunahing tauhan at bilang karagdagan
iguhit si Labaw Donggon. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang kahon (60 puntos)

PAMANTAYAN SA PAGGUHIT

Kahusayan sa paggamit ng mga kulay 10

Kahusayan sa Pagguhit/ Konsepto 15

Kalinisan 5

Kabuoan 30 puntos

PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY DESKRIPSYON NG PANGUNAHING


TAUHAN

Nilalaman 15

Organisasyon ng Ideya / Paglalahad 10

Mekaniks 5

Kabuoan 30 puntos

You might also like