GWTW 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

“The party will start at 6 pa naman pero by 4 pwede na tayong magayos and magbihis” ani Elle.

She and Maree has been preparing for this event simula pa nung unang araw pa lang daw nila dito. We
won at the compet yesterday. Naforsee na yata ng mga kagrupo ko na mananalo kami kaya ganito
kagarbo ang paghahanda ng lahat para sa party mamaya.

All the candle lights, curtains, food and drinks, costumes and, etc; ang gaganda. Everyone’s really excited
for it… including Red and Reka… except me.

We may have won but I still don’t get it why do I still feel this shallowness inside me dahil doon sa
nangyari sa amin kahapon ni Red. I should be prioritizing my school performance rather than being
feared this absurd feeling I have for Red.

“Heard Red will be wearing a tux or something for the after party later tonight. Ready ka na?”

“Di ako aattend sa party” simpleng sagot ko na ikinagulat niya.

“What!? Bakit!?”

“Ayoko lang”

“That’s it. Ayaw mo lang?” inis niyang tanong “Pano naman ako? Edi ako lang mag-isa doon?”

“Maree will be there too, okay”

“And Reka?” taas kilay niya “Tapos, ending third wheel ako sa kanilang dalawa”

Inikutan ko siya ng mata at binuntong hingahan lamang. Elled scratch her forehead “If you’re not coming
because of some shallow reason that I’ve been hunching about over the past few days, Val di ka nagiging
reasonable. Wag mo namang hayaang di maexperiencee yung party dahil lang may iniiwasan ka”

Biglang nagpantig ang tenga ko at kinunutan siya ng noo “Wala akong iniiwasan okay. Wala lang akong
dalang damit –”

“Kaya nga dinalhan kita ng para sa’yo – ”

“ – Masakit rin ang ulo ko!” I snapped.

“Val…”

Lumapit na ako sa pinto at binuksan ito para sa paglabas. I bowed down to her and shown my deepest
regret from shouting “Let… Let’s probably just drop this conversation already, Elle, okay? Thanks for
covering my need pero wala talaga akong balak pumunta sa party mamaya. Sorry”

Lumayo na ako at lumipat na lamang sa kabilang pintuan papalabas. As I walk through the ballroom’s
fancy tiles, alam kong naagaw ko ang atensyon ni Red na ngayo’y nagaayos ng audio. He was plainly
watching me as I make my way out.

Yumuko ako at tuluyan nang lumabas.


I deeply regreted my sudden snap at Elle. Nahihiya ako na nagawa ko iyon. Pero, kapag kasi kabilang na
si Red sa usapan ay tila biglang naririndi ako at naiirita. I don’t know if its plainly because I really like him
and I cannot withstand the fact that he get to be with Reka so I don’t have any choice but to just hate
him instead.

Nakakaloko!

Kaya inabala ko na lamang ang sarili sa pagikot sa loob ng transcient house. It was a big-ass mansion
with big-ass garden. The landscape was laid with gradient grass. Sobrang ganda, iyon nga lang ay
pumasok na akong muli dahil kahit na ba, tanghali ay maginaw pa rin.

Umakyat ako sa kabilang entrada at inakyat ang grand staircase na pinalamutian ng magagarbong telang
kumikintab. I was busy feasting my eyes with the aesthetic when Red’s roommate, Gray, suddenly
bumped into my way.

“Hi!” aniya habang may bitbit na kung anong plastic “Ready ka na mamaya?”

“Yes! Ikaw ba?”

“Noong nakaraan pa!” tumawa siya at iniangat ang bitbit “See? I’m already carrying my costume for
tonight. Haha!”

Napatang-tango na lang ako sa kanya at di alam ang dapat sunod na sabihin. He was smiling at me like
an idiot as if waiting for me to say something kaya napangiti na lang akong muli. “I’ll probably just go
now”

And just like that, I scrammed.

Mahaba-habang oras pa ang kailangan kong bunuin bago mag-umpisa ang kaganapan sa baba. Kaya
pumanik na lang muna ako sa itaas upang umidlip muna ako pansamantala. Afterall, I really don’t have
any desire to attend that party.

I’ll probably just occupy myself later, tending this imaginative stupid wounds of mine. Baka sakaling pag-
gising ko ay wala na akong nararamdaman… or not.

“It’s already 7 na. Umakyat lang ako para iabot tong pinapabigay ni Red” sabay abot ni Maree ng basong
papel “Nasabi rin ni Elle na wala ka raw balak umattend sa party. Pero kung sakaling magbago raw isip
mo, yung costume nasa balcony niyo raw”

Huminga ako nang malalim at tumango. Tatanungin ko sana siyang muli tungkol sa kaganapan sa baba
pero bigla na siyang tumalikod at lumabas ng kwarto. Wala tuloy akong nagawa kundi ang tapunan na
lamang ng tingin ang basong iniabot niya sa akin.

Inikot ko iyon at tinignan ang laman. It was a coffee flavored milkshake na may nakasulat na kung ano sa
gilid. I delved into it and tried to comprehend the words written on the side.

Halatang sulat kamay nga iyon ni Red base sa natatandaan ko.


‘im sorry for lashing out on you, earlier. I didn’t mean to say those things. I know, I’ m so stupid so,
please lemme make it up with you’

Napangiti ako nang wala sa sarili at sa di malamang dahilan ay bigla akong nagkaganang kuhanin ang
telepono at tignan ang kung anong meron dito. Unfortunately, there were tons of messages sent from
him, mas may bago nga lang nitong habang natutulog ako.

I seriously don’t know why the fvck I suddenly gawked in balcony and peeped on the dress Elle has
brought for me. Lumapit ako roon at hinawakan ang malambot na telang puti nito.

It was made from the finest smooth silk! May burda itong kung ano sa bandang dibdib at sa sobrang
ganda ay napasuot ako nito.

I made a slow turn in front of the mirror and admired the classiness of the dress upon going down to the
party. May kung anong desisyon ang nabubuo na sa likod ng isipan ko simula pa nitong araw.

I just realized that maybe it’s really high time for me to put this all into end. He’s my friend and he
deserve to at least have an explanation why I suddenly avoided him. After all, one way or another our
friendship is bound to end na rin naman since I fvcking fvcked it up.

So, might as well end it properly with an explanation para walang bad blood and baka mawala na rin
itong gumugulo sa akin.

Looking like a classic character of Juliet Capulet’s white angel with wings, I stormed my way to the ball.
Halos magsilingunan sa akin ang mga kaibigan ko nang dumuwang na ako sa hagdanan. I gained more
confidence from that, kahit na ba kinakabahan ako na makita si Red.

Humalo na ako sa mga tao sa baba at nakisaya. It was Elle who freaking saw me first upon making my
way to their table.

Halos talunin niya ang lakas ng tutog dahil sa ingay ng sigaw niya nang makita ako.

“Oh my freaking G! Valky!” pinaghahahampas niya ang mesa habang ang isang kamay naman ay
magbitbit na inumin “Sabi na aattend ka eh!”

“Failed to resist the beauty of this dress. Sayang naman kung di ko magagamit at makikita ng iba”

Nilakihan niya ako ng mata at sinimangutan “Aba’t buti na lang talaga! Dahil muntik ko nang sunugin
iyan noong pinlano ni Maree na gamitin”

Napailing na lang ako “Well, thank you for that”

“Thank you, my ass! You gotta dance with me on the dance floor for that!”

Napahalakhak ako at hinayaang alunin niya sa pusod ng nagsasayawang tao. The night blasted and just
like that, nasa rurok na naman ako ng kasiyahan ko. I missed this feeling. I missed being this happy.

Especially with this people I only get to be with and know more dahil sa event na ito.

Siguro… siguro makakayanan ko naman na ganito kasaya muli.


Kaya ko naman.

Kailangan ko lang sanayin yung sarili kong sa ibang bagay na lang sumaya at di na sa kanya.

Kasi pwede naman, eh. Pwede naman palang sumaya nang di siya kasama.

“Hey!” tawag ko kila Maree at Elle sa kalagitnaan ng sayaw “you guys want some drink or something? I
heard they got the best horchata in town”

Tumango naman silang pareho kaya inexcuse ko na ang sarili ko para kumuha ng inumin.

I don’t know why I looked like an idiot, smiling alone in the bar whilst waiting for my orders to come.
Kahit nga iyong bartender ay napansin iyon.

Kaso nga lang, nang tumalikod na ako matapos kunin ang inumin sa kanya ay bigla itong naglaho.

My smile slowly faded as my hand trembles in unnamed feeling. Napanganga ako at unti-unting
naramdaman ang pamamasa ng mata. Red… Red was holding Reka’s waist while whispering something.
And just like that, I immediately looked away and tried to get past them.

Kaso nga lang ay nabunggo ko si Red nang may biglang umatras na tao sa gilid nito. He moved away and
glance me in the eye. Alam kong nakita niya ang pamumula ng mga ito pero wala na akong pakielam.
Tumakbo na lang ako palayo at iniwan ang basong bitbit.

I immediately closed the door of our room and lean against the door. Hinawakan ko ang labi mula sa
panginginig dahil sa kaba at gustong pagiyak.

Akala ko kaya ko na.

Akala ko pwede na.

Kaso, hindi pa pala.

Bakit sa dinami-raming gawain, itong pinakamadali ang naging mahirap?. Matalino akong estudyante
pagdating sa lahat. I can resolve all things in just a snap. Heck, I would not even be here if it was the
otherwise.

Pero bakit ganun? Pagdating kay Red natatanga ako? It seems like, the fate doesn’t want me to go
fvcking through all this bulls.

Hindi ko naman ginusto na magkagusto sa kanya pero bakit parang ang hirap umahon?

Niyakap ko ang tuhod ko at pilit na pinigil ang pagiyak. I let myself be like that for a silent minute
matapos lumipat sa balkonahe at pagmasdan ang liwanag na dulot ng buwan. Everything was hushed
and still, not until I heard a knock from my door.

“Val?...”

“Yes?” pinalis ko ang natirang luha sa pisngi

“It’s Elle. Can I come in?”


“S-Sure” I said.

The knob twists and the door slowly revealed her. Her eyes were droopy, and the corners of her lips falls
on the floor. Tatayo na sana ako para salubungin siya nang bigla akong mapatigil dahil sa paglingon niya
sa kung sinong nasa likod.

“Red…”

---

Let's talk! Follow me on my socials♥

Facebook: @Unholy Schwa

Instagram: @duchess_francois

Twitter: @Mighty_Francois

Wattpad:

Instagram: @hebrew_faith

Facebook: @peytluvs

You might also like