Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Mga estratehiyang panturo na

magagamit sa pagtuturo ng Filipino.

1. Ang Pagkatutong Integrativ(Integrative Learning)


Binibigyang din dito ang integrasyon o pagsasanib ng paksang aralin sa pag-aaral
ng wika. Ang paglalahad ng wika ay hinahango sa nilalaman o ng paksa. Taliwas ito
sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo ang hiwalay at
malayo sa konteksto ng paggagamitan nito. Nakapokus sa mag-aaral at integrasyon
ng apat na kasanayan. Ang mga istratehiyang partisipativ, fasilativ at konsultativ ay
mga katangian ng pag-aaral ng integrativ. Dito, ang guro ay tagapagdaloy lamang
ng pagkatuto, ang mga mga-aaral ang nagsasagawa ng mga gawain. Ang guro ay
taga-gawa lamang ng iskrip ng pagkatuto, konsultant, tagagabay, tagakumpas,
subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng aralin, ang mag-aaral ang sentro o ang bida: siya
ang aktibong nagsasalita, nakikinig. bumabasa at sumusulat kung kinakailangan.
Mga Estratehiya:
• Simulasyon
• Graphs
• Journal
• Story mapping
• Mind map
• Modeling
• Interview
• Webing
• Thinking hots
• Diagrams
2. Mga Susing Elemento ng Sama-samang Pagkatuto (CollaborativeLearning)
a. Positibong Pakikipag-ugnayan(PositiveInterdependence) - nagaganap kapag
naramdaman ng lahat ng miyembro ng pangkat pa magkakaugnay sila sa isa't sa
pagsasagawa ng pangkalahatang layunin(common goal) lahat sila ay naghahangad
para sa tagumpay ng grupo
b. Indibidwal na pananagutan (1rdikvidual Accountability) = inaasahan ang bawat
miyembo, ay nananagot sa grupo at kakikitaan ng pagkatuto.
c. Harap-harapang _interaksyon(Face to faceInteraction) - kapag ang bawat
miyembro ay magkakalapit sa isa't isa, nagkakausap ay may daloy ng pag-unlad ang
pangkat.
d. Pagproseso ng Pagkatuto (Processing Learning)-kapag tinatalakay ng miyembro
ng grupo ang pagkatutong nagaganap at tinataya ang kanilang sama-samang
pagsisikap sa ibubunga ng gawain.
e. Kasanayang Sosyal (Social Skills) - kapag ang grupo ay aware sa kafarayan sa
wastong pakikihalubilo na ang kasariayao' ay nakatuor sa pagpapaunlad ng
komunikasyon, partitiwala pamumuno at conflict resolution.
Mga Estratehiya:
o Panckatang gawain (mallit at malaking pangkat)
o Dayads / triyads
o Dugtungang pagsasalaysay
o Talakayang papanel
o Tableau
o Brainstorming
o Buzz session
o Debate
o Fishbowl
o Round table forum
o Mock trial / jury trial
o Composite report consensus
o Think, pair, share
o Elevator speech
o Buzz ng Bayan
o Field Reporting
o Hosting
o Infomercial
o Picture Summary Technique
3. Pagkatutong Interac (Interactiv Learning)

Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang


pagpapahayag ng sariling ideyal ang mahalaga kundi ang pag-unawa sa mensaheng
ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon.

Ayon kay Wells (sa Rivers, 1987), ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng
tatsulok na ugnayan ng tagaaghatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng
situwasyon, maging pasalita o pasulat na komunikasyon. Sa loob ng klasrum, may
tatlong uri ng interaksiyon na maaaring lahukan ng mag-aaral: interaksiyon sa guro, sa
kapwa mag-aaral at sa teksto o kagamitang pampag-aaral.

Mga Estratehiya:
o Ven diagram
o KWL
o Authors chair
o Broadcasting
o Chamber theater

Iba pang mga halimbawa:

➢ PIN (Positive Negative Interest)


➢ FISH BONE (Pagbibigay ng sanhi at bunga mula sa nabasa o naipahayag)
➢ P-SOLVE – Pagbibigay ng kinahinatnan, hakbangin at ng konklusyon sa
suluranin na sinasaad.
➢ PECS (Pagbibigay ng problema, sanhi, epekto at kung ano ang solusyon sa
problema)
➢ VERTED PYRAMID (Pagkakasunod- sunod ng istorya / pangyayari papunta sa
pinakakasasabik Ina pangyayari o pinakamahalagang kahihinatnap / clima.

You might also like