Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

a. Hilig sa buhay d.

mga plano pagdating ng araw

Ang aking hilig ay ang paglalaro ng mga kulay,


hugis at anyo. Ang pagbuo ng sining sa kahit 2. Sa sariling pananalita ilarawan ang mundo gamit ang
paanong paraan; maaaring tradisyonal o estilong paglalarawan.
makabago. Ito ay isang paraan ng
pagpapahayag ng ating emosyon, imahinasyon
at pananaw. Ang magpaanod sa agos ng
imahinasyon at disenyo ay pinakamahalagang
parte ng gawaing ito.

b. Pinaniniwalaan

Naniniwala ako na ang musika ang


pinakamabisang paraan ng pagpapakita at
pagpapaliwanag ng ating mga nararamdaman.
Ang musika ang nagbibigay tono sa ating mga
emosyon. Sa mga pagkakataong tayo’y
malungkot at tila ba naliligaw, nariyan ang
musikang malumanay upang tayo’y pakalmahin.
Sa pagkakataon namang walang mapagsidlan
ang ating tuwa, nandyan ang mga musikang
nakakaindayog upang samahan tayo sa saya.
Ang musika ay napakalawak na mundo kung
saan naroon ang isa sa mga bagay na
makakaunawa sa ating nararamdaman.

c. Pananaw sa buhay

Ang buhay ay isang kalsada, at tayong mga tao


bilang mga sasakyan. May pagkakataong
mabagal ang usad at minsan ay talagang
mapapahinto, mahirap at nakakaabala man ito
sa daloy ng buhay ay wala tayong magagawa.
Minsan naman ay napakabilis ng takbo at
nararating agad natin ang ating destinasyon.
May mga pagkakataong malubak ang daan na
kung minsan ay nagdudulot ng labis na hirap at
minsan pa’y sinasamahan ng sakit. Ngunit sa
kabila ng lahat ng ito, nawa’y manatili tayong
positibo at patuloy na tumingin nang tuwid sa
ating daan nang sa gayon, kahit pa pangit ang
daan, ay marating natin ang nais nating
marating. Ang mga paghihirap na ito ang mas
magpapasarap ng ating tagumpay.

You might also like