Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 53

CORE 02

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
HANAP-SALITA
Maghanap ng mga T U N O G X P
salitang may S X T L X V O
kinalaman sa wika. L A P I S X L
Isulat sa ibaba ang E D V K A A I

sagot. Ibigay ang N B L A A E G


G E W T Y G L
kahulugan ayon sa
U R D U S S O
pagkakaunawa at A B I T Y E T
gamitin sa I A L U F N O
makabuluhang O L A B O Y R
pangungusap ang S A L I T A C
mga nakuhang salita. P T S E O S G
Z U S A P C H
HANAP-SALITA
Maghanap ng mga T U N O G X P
salitang may S X T L X V O
kinalaman sa wika. L A P I S X L
Isulat sa ibaba ang E D V K A A I

sagot. Ibigay ang N B L A A E G


G E W T Y G L
kahulugan ayon sa
U R D U S S O
pagkakaunawa at A B I T Y E T
gamitin sa I A L U F N O
makabuluhang O L A B O Y R
pangungusap ang S A L I T A C
mga nakuhang salita. P T S E O S G
Z U S A P C H
Mga Layunin:
• naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radio, talumpati, at mga panayam;
• nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook,
google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika;
• nalalaman ang kahulugan at kahalagahan ng pambansang wika,
bilingguwalismo, multilingguwalismo, at unang wika sa pagkatuto;
• natutukoy ang mga pag-aaral na tumatalakay sa kahalagahan ng
paggamit ng unang wika; at
• nakapagbabahagi ng personal na karanasan gamit ang kanilang
unang wika.
WIKA
Kumusta Mabuti
Hummp! naman.
? Hoy!

Wika
- instrumento ng komunikasyon
- pinagsama-samang makabuluhang tunog,
simbolo, at
tuntunin kaya nabuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan at kaisipan
- behikulo sa pakikipag-usap at pagpaparating
ng mensahe
sa isa’t isa
LATIN PRANSES

dila dila
lingua langue
wika o
wika
lengguwahe
MGA POPULAR NA KAHULUGAN
NG WIKA

Ayon kay Henry Allan Ayon sa Cambridge


Gleason, Jr., ang wika Dictionary, ang wika
ay masistemang ay isang sistema ng
balangkas ng mga komunikasyong
tunog na pinili at nagtataglay ng mga
isinaayos sa tunog, salita, at
pamaraang arbitraryo gramatikang ginagamit
upang magamit ng mga sa pakikipagtalastasan
taong nabibilang sa ng mga mamamayan sa
isang kultura. isang bayan o sa iba’t
ibang uri ng gawain.
MGA POPULAR NA KAHULUGAN
NG WIKA

Ayon kay Charles


Darwin, ang wika
ay sining tulad ng
paggawa ng
serbesa o pagbe-
bake ng cake, o
ng pagsusulat.
WIKANG
OPISYAL AT
WIKANG
PANTURO
Ayon kay Virgilio Almario (2014),

WIKANG OPISYAL- itinadhana ng


batas na maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan.

WIKANG PANTURO- opisyal na


wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
● Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo 14, Seksiyon 7,

“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga


wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang
ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong na mga wikang panturo
noon.”

● Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, Mother Tongue


o unang wika ng mga mag-aaral ang naging opisyal
na wikang panturo mula Kindergarten hanggang
Grade 3 at tinawag na MTB-MLE.
● Ayon kay DepEd Sec. Bro. Armin Luistro,

“Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa


mga unang baitang ng pag-aaral ay makakatulong
mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang
sosyo-kultural.”

● Labinsiyam (19) na wika at diyalekto:

Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano,


Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Meranao, Chavacano,
Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon.

● Ang wika at diyalekto ay ginagamit sa paraang:


- Bilang hiwalay na asignatura
- Bilang wikang panturo
WIKANG
PAMBANSA
MAIKLING KASAYSAYAN NG ATING PAMBANSANG
PAGPAPLANO SA WIKA
Ang mga wika at yugto ng wika na
inihayag nito ay ang:

• Wikang Ingles (1901)


ang wikang dinala ng mga mananakop na
Amerikano at ipinalaganap sa pampubliko, at
kalaunan sa pampribadong edukasyon simula noong
1901.
1934: Isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang
Pambansa. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang
pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.
Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel L. Quezon na noo’y
Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.

1935: Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing:


“Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang
mananatiling opisyal na wika.”
Unang Yugto
ng Wikang - Norberto Romualdez ng Leyte – Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng
Tagalog Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
(Tagalog-1)
Tungkulin: Mag-aral ng mga diyalekto sa pangkalahatan sa pangkalahatan
para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang
batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at
panitikan na tinatanggap at sinasalita ng napakamaraming Pilipino.
1937: Noong Disyembre 30, 1937, iprinoklama ni Pangulong
Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging
batayan ng wikang pambansa base sa rekomendasyon ng
surian sa bisa ng Kautusang Tagapaganap Blg. 134.

Ikalawang 1940: Dalawang taon matapos mapagtibay ang


Yugto ng Kautusang Tagapaganap Blg 134, nagsimulang ituro ang
Wikang wikang pambansang batay sa Tagalog sa pampubliko at
Tagalog
(Tagalog-2)
pribadong paaralan.

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating


kalayaan noong Hulyo 4, 1946 ay wikang opisyal sa bansa
ay Tagalog at Ingles ipinahayag ding sa bisa ng Batas
Komonwelt Blg. 570.
1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa
Unang Yugto wikang Pambansa. Mula Tagalog ay naging Pilipino sa bisa
ng Wikang
Pilipino ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose
(Pilipino-1) E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Ginamit ang
Pilipino sa mga tanggapan, gusali, at mga dokumentong
pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba pa, sa iba’t
ibang antas ng paaralan at mass media tulad ng diyaryo,
Ikalawang
telebisyon, radyo, magasin, at komiks.
Yugto ng
Wikang
Pilipino (1973) 1972: Muling nagkaroon ng pagtatalo sa usaping pangwika.
(Pilipino-2) Sa huli, ito ang mga naging probisyong pangwika sa
Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2: Ang
Ang Unang
Wikang
Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga
Filipino (1973) hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay
(Filipino-1) sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning
Filipino.
1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng
Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong
Ang Ikalawang
Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang
Wikang
Filipino (1987) Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6: Ang wikang
(Filipino-2) pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

1987: Sinuportahan nang lubos ni Pangulong Cory Aquino


ang paggamit ng Filipino sa pamamagitan ng Atas
Tagapaganap Blg. 335, serye 1988 na: Nag-aatas sa lahat
ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya,at
instrumentality ng pamahalaan na magsasagawa ng mga
hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang
Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at
korespondensiya.
RAISE A HAND
AND BE
COUNTED✋
Raise a hand and Be Counted kung…

● Nakapagsasalita ● Nakapagsasalita
● Filipino ang
at nakauunawa at nakauunawa
iyong unang
ka ng iisang ka ng dalawang
wika
wika lamang wika o wikain

● Ingles ang iyong


● Nakapagsasalita
unang wika
at nakauunawa
ka ng tatlo o
● Isa sa mga wika at wikain sa higit pang wika
ating bayan o lalawigan ang o wikain
iyong unang wika
MONOLINGGUWALISMO,
BILINGGUWALISMO,
AT
MULTILINGGUWALISMO
paggamit
Kayo ay
Sun-a kuno mabubuting
ang akong gi- bata. Pakiulit
ingon, “Bata.” nga.

“Bata.” “Mabubuting
“Bata.” bata.”
Good morning,
Good morning,
children.
teacher.
Inanyayahan ka ng isang
Advance Happy
kaibigan para sa kanyang Birthday, Besh Taylor.
Uy, Ed. Adto sa akong
birthday party ugma sa party pero hindi ka Pasensya kaayo di ko
kaadto sa imong
gabie ha? Itom ang makapupunta. adlawong natawhan
tema nga isuot sa ako
kay naa mi delivery sa
party baya adto sa
utanon sa North gud.
Crown Regency.
Unang Wika (L1) Pangalawang WIka (L2)
● wikang kinagisnan mula pagsilang ● nagkakaroon ng exposure o pagkalantad sa ibang
● unang itinuro sa mga tao wika sa paligid tulad ng:
● tinatawag din itong katutubong ● mga palabas sa telebisyon, tagapag-alaga, mga
wika, mother tongue, at arterial na kalaro, mga kaklase, mga guro
wika ● salitang paulit-ulit na naririnig ay unti-unting
● pinakamataas o pinakamahusay natututunan ang wika
na naipapahayag ng tao ang ● magkaroon ng sapat na kasanayan at husay rito
kanyang ideya, kaisipan, at ● magamit sa pagpapahayag at pakikipag-usap
damdamin

Pangatlong Wika (L3)


● dumarami ang mga taong nakasasalamuha at mga lugar na
napupuntahan
● dumarami ang mga napapanood na mga palabas
● dumarami ang mga nababasang aklat
● tumataas ang antas ng kanyang pag-aaral
● ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikiangkop niya sa lumalawak na
mundong ginagalawan
MONOLINGGUWALISMO
MONOLINGGUWALISMO

● tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa


tulad ng:
ENGLAND,
PRANSYA,
SOUTH KOREA,
HAPON
● iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng
larangan o asignatura
● iisang wika ang umiiral bilang wika ng komersiyo, wika
ng negosyo at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-
araw-araw na buhay
BILINGGUWALISMO
Matatawag mo ba
ang sarili mong
BILINGGUWAL?
BILINGGUWALISMO

● paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang


wikang tila ba ang dalawang ito ay kanyang
katutubong wika. (Leonard Bloomfield, 1935)
● Bilingguwal ay isang taong may sapat na
kakayahan sa isa sa apat na makrong
kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, at pagsulat) sa isa pang wika
maliban sa kanyang unang wika. (John
Macnamara, 1967)
BILINGGUWALISMO

● Ang paggamit ng 2 wika nang magkasalitan ay


matatawag na bilingguwalismo at ang taong
gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.
-Uriel Weinrich (1953)
● May mga tanong sa pagpapakahulugan ni
Weinrich dahil hindi nabanggit kung gaano
dapat kadalas o kung gaano dapat kahusay
ang isang tao sa ikalawang wika para matawag
na bilingguwal. (Cook at Singleton, 2014)
BILINGGUWALISMO

● Balanced bilingual kung nagagamit ang dalawang


wika nang halos hindi matutukoy kung alin sa
dalawa ang una at pangalawang wika.
● Artikulo 15 seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas
1973, ang probisyon para sa bilingguwalismo o
pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga
paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga
pormal na transaksiyon sa pamahalaan o sa
kalakalan
BILINGGUWALISMO

● Hunyo 19, 1974, ang DepEd ay naglabas


ng guidelines sa pagpapatupad ng
edukasyong bilingguwal sa bansa.
(Department Order No. 25, s.1974)
BILINGGUWALISMO

● Makalinang ng mga mamamayang


Pilipinong matatas sa pagpapahayag sa
wikang Pilipino at Ingles.
● Ang bilingual education ay magkahiwalay
na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang
wikang panturo. (Pilipino ang dapat ituro
sa Social Studies/Social Science, Work
Education, Character Education, Health
Education, at Physical Education)
BILINGGUWALISMO

● Ingles naman ang magiging wikang


panturo sa Science at Mathematics.
● Magagamit na pantulong na wikang
panturo ang bernakular sa pook o lugar na
kinaroroonan ng paaralan.
MULTILINGGUWALISMO
MULTILINGGUWALISMO

● ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal.


● karamihan sa mga Pilipino nakapagsasalita ng
Filipino, Ingles at wikang katutubo.
● DepEd ng K to 12 kurikulum - pagpapatupad ng
MTB-MLE sa kindergarten hanggang Grade 3 na
nakasaad sa DO 16, s. 2012 na kilala bilang
Guidelines on the Implementation of the
Mother Tongue-Based-Multilingual Education
(MTB-MLE)
MULTILINGGUWALISMO

● Sa unang taon (2012) ng MTB-MLE, nagtalaga


ng walong pangunahing wika o lingua franca at
apat na iba pang wikain sa bansa upang
gamiting panturo at asignatura
● Walong pangunahing wika: Tagalog,
Kapampangan, Pangasinensi, Ilokano, Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, Waray
● Apat na iba pang wikain: Tausug,
Maguindanaoan, Meranao, at Chavacano
MULTILINGGUWALISMO

● Pagkalipas ng isang taon (2013), nadagdagan ng


pitong wikain:
Ybanag sa Tuguegarao City, Cagayan at
Isabela;
Ivatan sa Batanes;
Sambal sa Zambales;
Aklanon sa Aklan;
Kinaray-a sa Antique;
Yakan sa ARMM; at
Surigaonon sa Surigao City at karatig-lugar
Ang mga programang pangwika :

• Monolingguwalismong Ingles
Dahil ayaw ng mga Amerikanong ipagpatuloy ang paggamit sa
wikang Espanyol, dahil wala silang makitang iisang katutubong
wika na maaari nilang gamitin sa kanilang ipinalaganap na
pampublikong edukasyon, at dahil ninais nilang hubugin ang
kaisipan ng mga Pilipino sa wika at kultura ng Estados Unidos, ang
sistemang monolingguwalismong Ingles ang kanilang ipinataw sa
kabataang Pilipino mula noong 1901;
Ang mga programang pangwika :

• Unang Bilingguwalismo
noong 1939 iniutos ni Jorge Bocobo, Kalihim ng
Pampublikong Instruksyon, na maaaring gamitin ang mga
unang wika bilang auxiliary na wikang panturo, lalo na
para sa mga mag-aaral sa unang baitang, kaya ang
kauna-unahan nating
programang bilingguwalismo ay binubuo ng wikang
Ingles at isa sa ating mga unang wika (Tingnan sa
Sibayan, 4);
Ang mga programang pangwika :
• Ikalawang Bilingguwalismo
ang ikalawang bilingguwalismong umusbong sa ating kasaysayan
ay nakapaloob sa isang hindi nagtagal na pamantayang inilabas
noong 1970 na nag-uutos na tanging wikang Pilipino na lamang
ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-
akademiko (Tingnan sa Cruz, Part I). Dahil nakasanayan nang
gamitin ang mga unang wika bilang auxiliary na wika sa pagtuturo
sa mabababang baitang, ituturing natin ang
monolingguwalismong pamantayang
ito bilang isang bilingguwalismo sa aktuwal na pangyayari na
binubuo ng wikang Pilipino at isa sa ating mga unang wika. Sa
programang ito na ganap ang kauna-unahang pagkakataon
kung kailan ginamit ang wikang Pilipino bilang wikang panturo sa
buong kapuluan;
• Unang Multilingguwalismo

-umiral lamang ng tatlong taon ang ikalawang


bilingguwalismo bago ito na sapawan ng panibagong
programa, ang unang multilingguwalismo, na ipinatupad
noong 1973 at nag-utos na gamitin ang mga unang wika
bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa
ikalawang baitang na susundan naman sa paggamit sa
mga wikang Pilipino at Ingles (Tingnan sa Cruz, Part II;
Tingnan sa Deped Order 9,Series of 1973, 1, a);
• Ikatlong Bilingguwalismo
umiral lamang ng isang taon ang unang mutlilingguwalismo bago
ito nasapawan ng panibagong programa, ang
ikatlong bilingguwalismo na ipinatupad noong 1974 at nag-utos na
gamitin ang mga wikang Ingles at Pilipino at nagsantabi naman
sa mga unang wika. Ito ang
pinakakilalang programang bilingguwalismo sa ating bansa dahil h
indi katulad sa unang bilingguwalismo sumaklaw ito sa lahat ng
antas pang-akademiko, at hindi katulad sa ikalawang
bilingguwalismo umiral ito nang mahigit isang dekada at naging
batayan pa sa mga kasunod nitong programang pangwika;
• Ikalawang Multilingguwalismo
ang ikalawang multilingguwalismo, na ipinatupad noong
panunungkulan ni Pangulong Corazon Aquino, ay
mistulang pinagsamang unang multilingguwalismo at
ikatlong bilingguwalismo, kung kailan ipinagtibay ang
paggamit ng wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala
muli ang halaga ng mga unang wika bilang auxiliary na
wika sa pagtuturo; at
• Ikatlong Multilingguwalismo
ang kasalukuyan nating
pambansang patakarang pangwika na ipinatupad noong 2009 at
nakabatay sa sistematikong pananaliksik tungkol sa
multilingguwalismo. Hindi katulad sa naunang dalawang
multilingguwalismo, oral at tekstuwal na paggamit sa mga unang
wika sa loob ng mas
mahabang panahon ang iniutos ng kasalukuyan nating
programang multilingguwal. Ang ikatlong multilingguwalismo ay
ang tinatawag nating “sistematikong multilingguwalismo” sa
sanaysay na ito(Tingnan sa Departamento ng Edukasyon,Order
Number 74, Series 2009).
Mother Tongue o Unang Wika Bilang Asignatura:
Patunay ng Pag-unlad ng Wikang Filipino
ni Vilma Alcantara - Malabuyoc
Isa sa mahalagang pagbabago sa edukasyon sa Pilipinas ay ang midyum ng pagtuturong gagamitin sa
paaralan.
Nagpalabas ang Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) ng Kautusan Blg. 74, Serye 2009
hinggil sa pagpapatupad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) sa pagtuturo ng pre-school
hanggang ikatlong baitang sa elementarya.
Ang mga lokal na wikang ito ay gagamitin sa pagtuturo sa mga bata sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa
ilalim ng programang K-12.
Labindalawang wikang gagamitin sa pagtuturo. Ito ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, lloko, Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao, at Chavacano.
Pitong bagong asignatura ng Mother tongue sa mga katutubong wikang gagamitin sa loob ng paaralan: ang
Ybanag para sa Lalawigan ng Cagayan at Isabela at Lungsod ng Tuguegarao; Ivatan para sa Batanes; Sambal para
sa Zambales; Akianon at Kinaray-a para sa Lalawigan ng Aklan at Capiz; Yakan para sa Lalawigan ng Basilan; at
Surigaonon para sa mga Lalawigan ng Surigao at Lungsod ng Surigao.
Ang mother tongue/unang wika/wikang katu-tubo ang siyang ginagamit na wikang panturo sa mga bansang
tulad ng Alemanya, Amerika, Britanya, at marami pang progresibong mga bansa at ito marahil ang
makapagpapaliwanag kung bakit nauuna sila sa pag-aarai at pagkatuto sa halos lahat ng bagay (Malone, 2010).
Isa sa una at pangunahing tagapagsulong ng pagtuturo ng mother tongue sa komunikatibong klasrum ay si David
Atkinson (1987). Tinukoy ni Atkinson ang metodolohikal na agwat (methodological gap) sa literatura sa gamit ng
mother tongue.
Ayon sa ulat ng UNESCO (2003), tinukoy nilang ang mga batang natutong bumasa at sumulat sa unang wika
bago matuto ng ikalawang wika ay mas matagumpay sa pag-aaral kumpara sa mga kamag-aral nilang hindi
natutuhan nang lubos ang unang wika. Sinusugan naman ito ni Lundberg (2002) sa pagbanggit nina Scott, et
al. (2009), na maraming mga pananaliksik ang nagpapatunay ng positibong ugnayan ng unang wika sa
pagkatuto ng pangalawang wika.
Sa pahayag ni Corson (2001), may karapatan ang mga batang matuto sa lengguwaheng katulad ng sinasalita sa
kanilang sariling tahanan, at dapat din silang bigyan ng pagkakataon na matutuhan ang kanilang katutubong
wika sa posibleng pinakamataas na lebel ng kasanayang lingguwistika, lalo na ang pagkakaroon ng malawak na
bokabularyo, sa pang-unawa at pagtalakay ng paksang pinag-aaralan. Habang ginagamit ng bata ang kaniyang
pag-iisip, lubos na gumagana ang kaniyang pag-iisip at naipakikita ang kaniyang talino (Gardner, 1993).
Isang halimbawa sa usaping ito ang pag-aaral sa Lubuagan, Kalinga, Cordillera Administrative Region (CAR), na
nagsasabing mas mataas ang pagganap at pagkatuto ng mga mag-aaral kung gagamitin ang kanilang unang wika
(Walter at Dekker, 2008), tinutukoy rito ang kahalagahan ng wikang katutubo sa matagumpay na pagtatamong
kaalaman ng mga mag-aaral.
Maliwanag ang mga implikasyon ng mga pahayag sa paggamit ng mother tongue o unang wika sa pag-aaral at
pagkatuto ng isang mag-aaral, dahil nauunawaan na niyang mabuti ang wikang ginagamit bilang midyum ng
pagtuturo, maiisip na magiging madali sa kanila ang paggamit ng mataas na lebel ng kasanayang pangkaisipan
(higher level thinking skills) sa mga gawaing pasalita at pasulat
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like