Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 1

GAWAIN 10 BAYAN KO

Ang aking komunidad

Ano nga ba ang kasalukuyang kondisyon ng aking komunidad? Maayos ba o masama?


Tahimik man ang aking komunidad ngunit paniguradong maraming pinagdadaanan ang bawat
mamamayang nakatira dito nang dahil sa mga problemang dinala ng pandemya. Hindi man halata pero
ang lahat ay apektado at ninanais na matigil na ang mga trahedyang ito.

Maraming mga pagbabago ang nangyari sa aking komunidad matapos ang lahat ng
pangyayari. May positibong pagbabago tulad ng naging independe sa buhay ang karamihan at natutong
maghirap upang magkaroon ng maayos na buhay sa kasalukuyan nating panahon. At hindi din mawawala
ang mga negatibo tulad na lamang ng pagdami pa lalo ng basura na makikita sa kapaligiran, pagdami ng
mga batang ina at batang ama, at ang paglala ng pagbabago sa ating klima. Hindi man bago pero
pagtutulungan at pagkakaisa ang maaaring maging solusyon sa mga problemang tinatahak natin sa araw-
araw.

Marami mang mga problemang kinakaharap ang aking komunidad, hinding hindi
mawawala ang kahandaan ng bawat isa sa pagtulong sa nangangailangan. Sa ngayon, masasabi kong
palala nang palala ang nagiging kondisyon ng aking komunidad batay sa mga problemang dumarating
hindi lamang sa akin, kundi sa lahat. Kaya kinakailangan natin ng malalim na pagdidisiplina sa ating sarili
at pag-iwas sa mga kaguluhan na magpapalala lamang sa ating kalagayan. Ikaw? Kamusta na ang
komunidad mo?

Pamprosesong Tanong:

1. Ang mga katangian ng aking lokal na komunidad ay tahimik, may kaayusan kahit na maraming
problema, at maraming mga mabubuting mamamayan. Ang mga ito ang naging katangian ng aking
komunidad dahil sa mga mamamayang nakatira dito, ang mga aksyon nila o namin ang nakakaapekto
dito.

2. Sa aking palagay, ang maaari pang gawin upang lubos na mapakinabangan ang mgagandang katangian
ng aking lokal na komunidad ay ang paglalagay ng multa sa mga magkakalat ng kahit anumang bagay sa
mga publikong lugar ng aming komunidad. Gaganda pa sana lalo ang aming komunidad kung walang mga
pasaway nagkakalat. Isa pa ay ang patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa upang ang lahat ay
magkaroon ng maayos na pamumuhay sa bayang ito.

You might also like