Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 1

pamprosesong tanong gawain 2

1. Ang nakikita ko po sa larawan ay isang kantina na may tindera at isang batang bumibili ngunit makikita
natin sa mukha ng bata ang kaba dahil kulang ang pera na kanyang ipambabayad sa tindera upang
mabili ang kaniyang gusto sa kantina. Wala na siyang madukot sa kanyang bulsa para mabuo ang
kaniyang pera batay sa larawan.

2. Ang ipinapahiwatig nito ay ang ang kakapusan na mapapag-aralan natin sa Agham na Ekonomiks. Kung
ikukumpara natin ang mga ito sa larawan, ang nangyari ay kinapos ang bata sa pera/kayamanan na
gagamitin niya upang makuha ang kanyang kailangan o kagustuhan.

3. Nagaganap ito dahil sa iba't ibang mga rason. Isa na ay ang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.

Gawain 5

Nagkaroon ng brownout sa Barangay Madilim dahil sa walang mabiling gasolina na ginagamit upang
mapaandar ang mga planta ng kuryente.

Nangyari ito dahil sa walang katapusang kakapusan. Naubos na ang likas na yamang pinagkukunan ng
gasolina hindi lamang dahil sa planta ng kuryente kundi dahil din sa walang hangganang
pangangailangan ng mga tao.At nang dahil sa kalagayang ito, ang mga mamamayan sa Barangay Madilim
ay namuhay nang sobrang hirap dahil sa kawalan ng kuryente sa kanilang lugar. Napilitan ang iba na
lumipat ng ibang lugar at ang iba naman ay tiniis na lamang ang paghihirap na ito.

You might also like