Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Buod ng Titanic

Nagsimula ang lahat nang ikwento ng isang matanda na nagngangalang Rose DeWitt Bukater
ang kanyang karanasan noon sa sikat na barkong tinatawag na Titanic.

Noong dalaga pa si Rose ay sumakay siya sa barkong Titanic kasama ang kanyang ina na si Ruth
DeWitt Bukater, at ang kanyang pilit na kasintahan na si Caledon Hockley. Sila ay kabilang sa mga
noble o mayayaman noon. Sa kabilang banda, dalwang mahirap lalaki ang nanalo sa sugalan ng ticket
na magbibigay sa kanila ng tsansa na makasakay sa Titanic. Sila ay si Jack Dawson pati na ang kanyang
matalik na kaibigan na si Fabrizio de Rossi.

Pagkasakay nila ay naaninag kaagad ni Jack ang kagandahan ni Rose. Pagkasapit ng gabi, nag-
iisip si Rose na magpakamatay na lang dahil sa sitwasyon niya pero napigilan siya ni Jack. Nalaman ito
ni Caledon kaya inimbitahan si Jack na kumain kasama sila. Pero dahil nga sa mahirap lang si Jack,
puro lait ang kaniyang nakuha sa hapunan na naganap. Kaya inimbatahan na lamang niya si Rose na
kumain ng sila lamang. Nagkasiyahan sila at nagkaroon ng nararamdaman para sa isa't isa. Nang
malaman ito ni Caledon ay pinakulong at pinabugbog niya si Jack sa kanyang mga tauhan. At dito na
magsisimula ang pagtama ng barko sa isang malaking bato ng yelo o ice berg.

Akala ng Kapitan ng barko ay nakaiwas sila sa ice berg pero ang nangyari pala ay nagasgasan
ang ilalim ng barko at tuluyang pumasok na ang nagyeyelong tubig. Nagsimulang lumubog ang barko
kaya ineevacuate na ang mga tao. Inuna nila ang mga kababaihan at mga bata. Nakasakay na si Rose
sa isang bangka pero nag-aalala parin siya kay Jack kaya tumalon siya at bumalik sa barko para
hanapin si Jack. Marami siyang tinahak na daan makita lamang si Jack. At nang makapunta sila sa taas
ng barko ay ubos na ang mga bangka kaya wala na silang magagawa kundi kumapit sa mga bagay
habang lumulubog na ang barko.

At nang tuluyang lumubog ang barko, naghanapan sila Jack at Rose. Maraming tao ang
namatay at patuloy na naghihirap dahil sa lamig ng tubig. Sa oras na nakita nila ang isa't isa, naghanap
naman sila ng puwedeng masampahan para mabawasan ang lamig sa katawan. Nakahanap sila ng
aparador ngunit nalubog ito kapag nasakay silang dalawa. Kaya pinili ni Jack na magsakripisyo nalang
para sa minamahal niyang Rose. Hindi tumagal ay nawalan na din ng buhay si Jack at lumubog na sa
kailaliman ng karagatan. Nailigtas si Rose noon at doon na magtatapos ang istorya ng Titanic.

You might also like