Humility

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Humility

Kung maganda ka
Piliin mo na mas maging maganda ang kalooban
Sapagkat hindi iyon magmamaliw kailanman

Kung matalino ka,


Sikapin mong mas maging malawak ang pang-
unawa
Ikaw na ang umintindi kaysa intindihin.

Kung sikat ka manatiling nakatuntong pa rin sa


lupa
Sapagkat ang kantanyagan ay kumukupas

Kung nakaluluwag ka sa buhay


Sikapin mong mas maging mapagbigay
Mas masaya ang tumulong sa nangangailangan.
Kung nasa posisyon ka na
Higit na maging mapagmalasakit
Dahil kapag nagretiro ka na
Di ka na makakaasa ng dating respeto nila

Lilipas ang panahon


may bagong maganda,
May bagong matalino
May bagong sikat,
May bagong nakaririwasa
May bagong nasa posisyon

Ang iyong kinang at pangalan


Ay alaala na lamang.
Kaya sa bawat oras
mas piliin mong maging mabuti
kaysa magaling

Higit sa lahat piliin mong mas maging


Mapagpakumbaba
Iyo ay hindi lilipas kailanman.

Presenter Dr. Marian H. Alejandrino


TLE - Head Teacher III
Baesa High School

You might also like