Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1 Timoteo 2:9, 10

9Gayundin, dapat pagandahin ng mga babae ang sarili nila sa pamamagitan ng maayos na
pananamit, na nagpapakita ng kahinhinan at matinong pag-iisip, at hindi sa pamamagitan ng
pagtitirintas ng buhok o pagsusuot ng ginto o perlas o napakamahal na damit,10kundi sa
paggawing angkop sa mga babaeng may debosyon sa Diyos, ibig sabihin, sa pamamagitan
ng mabubuting gawa.
1 Corinto 10:31
31Kaya kumakain man kayo o umiinom o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang
lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Roma 15:1, 2
15Kaya tayong malalakas ay dapat na magdala ng mga kahinaan ng hindi malalakas sa halip
na isipin lang ang sarili natin.2Palugdan ng bawat isa sa atin ang kapuwa niya para sa
ikabubuti at ikatitibay nito.
Tito 2:10
10at hindi ninanakawan, kundi ipinapakita nilang talagang mapagkakatiwalaan sila, nang sa
gayon, lagi silang magdulot ng papuri sa turo ng ating Tagapagligtas, ang Diyos.
Awit 47:2
2Dahil si Jehova na Kataas-taasan ay kamangha-mangha; Siya ang dakilang Hari sa buong
lupa.
1 Corinto 10:24
24Patuloy na unahin ng bawat isa ang kapakanan ng ibang tao, hindi ang sarili niya.
1 Timoteo 2:9, 10
9Gayundin, dapat pagandahin ng mga babae ang sarili nila sa pamamagitan ng maayos na
pananamit, na nagpapakita ng kahinhinan at matinong pag-iisip, at hindi sa pamamagitan ng
pagtitirintas ng buhok o pagsusuot ng ginto o perlas o napakamahal na damit,10kundi sa
paggawing angkop sa mga babaeng may debosyon sa Diyos, ibig sabihin, sa pamamagitan
ng mabubuting gawa.
Deuteronomio 22:5
5“Ang babae ay hindi dapat magsuot ng damit ng lalaki; ang lalaki ay hindi dapat magsuot ng
damit ng babae. Dahil ang gumagawa nito ay kasuklam-suklam sa Diyos ninyong si Jehova.
1 Corinto 10:32, 33
32Iwasan ninyong maging katitisuran sa mga Judio, pati na sa mga Griego at sa
kongregasyon ng Diyos,33kagaya ko rin na nagsisikap na palugdan sa lahat ng bagay ang
lahat ng tao at inuuna ang kapakanan ng marami sa halip na ang sa akin, nang sa gayon ay
maligtas sila.
1 Juan 2:15, 16
15Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan o ang mga bagay na nasa sanlibutan. Kung iniibig ng
sinuman ang sanlibutan, wala siyang pag-ibig sa Ama;16dahil ang lahat ng bagay sa
sanlibutan—ang pagnanasa ng laman at pagnanasa ng mga mata at pagyayabang ng mga
pag-aari—ay hindi nagmumula sa Ama, kundi nagmumula sa sanlibutan.

You might also like