Komunikasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON

Ang mga sumusunod ay mga depinsyon ng iba’t ibang eksperto sa wika:


Lorenzo, et al. (1994) – Ang salitang ingles na communication na pinaghanguan ng salitang
komunikasyon ay hinango sa salitang Latin na communis na ang ibig sabihin ay karaniwan. Sa
pakikipagkomunikasyon, nabubuo sa isipan ng tatanggap ng mensahe ang isang ideya o
larawang katulad ng nasa isip ng nagpapadala ng mensahe. Sa ganitong sitwasyon, ang dalawang
panig ay nagbabahaginan ng kanilang ideya sa paraan kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pag-
unawa, pagbasa at pagsulat.
Webster Dictionary (1987) – Ang komunikasyon ay ang pagpapalitan ng ideya o opinyon;
pagbubunyag; pagpapahayag; pagbibigay impormasyon; pakikipag ugnayan; pakikipag-unawaan
at isang sistema o paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng telepono,
telegrama, radio, telebisyon at kompyuter.
Agree (1987)- Ang komunikasyon ay ang paraang pagbibigay o paghahatid ng impormasyon,
ideya at pag-uugali o attityud mula sa ibang tao tungo sa kanyang kapwa.
F.E Dance – Ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at nagbabago.
Espina at Borja (1999) – Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid at pagbibigay o
pagtanggap ng mensahe sa isang mabisang paraan. Ito’y isang paraan ng pagtatamo ng
pagkakaunawaan , samakatuwid, mahalagang salik ito sa pagtatagumpay ng mga pangarap at
mithiin.
Brown (1980) – Ang komunikasyon ay isang serye o pagsusunud-sunod ng mga aktong
komunikatibo o speech acts na maparaang ginagamit upang maisakatuparan ang mga tiyak na
layunin.
Barker at Barker (1993)- Ang komunikasyon ay isang proseso kung saan ang dalawa o higit
pang element ng isang Sistema ay nagkakaroon ng interaksyon upang matamo ang ninanais na
kalalabasan o hangarin.

Mga uri ng komunikasyon

1. Komunikasyong verbal - Ito ang komunikasyong gumagamit ng wika na maaring


pasalita o pasulat.

2. Komunikasyong di-verbal – Ito naman ang komunikasyong hindi gumagamit ng wika.


Karaniwang kilos at galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang ginagamit sa
pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
 Mukhaa,
 Galaw ng mata, kamay, paa at iba pa.

Tungkulin ng Komunikasyong Di-verbal

1. Pag-uulit (Repeating)
-Ginamit kasabay ng salitang sumang-ayon o di sumang-ayon
Hal:
Pagtango sa salitang oo.
Pag iling sa salitang hindi

2. Pagpapalit o paglilihi (Substituting)


-Ginamt dito ang di verbal na kilos sa halipng salita.
Hal:
Sa halip na sabihin “Doon ka dumaan” ay ituturo na lamang sa pamagitan ng daliriang
direksyon ng daan.

3. Komplementing (Complementing)
-Ginamit upang maging lubos ang pagtatapos o pagpapaliwanag
Hal:
Kasabay ng pagsabing “May natutulog” ay ang paglalagay ng hintuturo sa tapat ng bibig
na tila nagsasabing “wag maingay, may natutulog”.

4. Pagkokontrol (Regulating)
-Kung gusto nating magsalita o magpaliwanag pa ang kausap, gumagamit tayo ng
paralanguage o tunog ng bosesna uhummmm para sa pagpapatulog ng sinabi ng kausap.

5. Pagbibigay-diin o emphasis (Accenting)


Ginagamit ito sa pagbibigay-diin o emphasis sa tulad ng salitang:
Hal:
“Ang hirap!”

6. Pagpapabulaan/pagbubunyag (Deceiving/Revealing) – Mga kilos o damdamin na


nagpapahayag kung ano ang nararamdaman o iniisip ng isang tao kabliktaran ng sinabi.
Hal:
Sa pagtatanong ng “galit ka ba” at sasagutin ka ng “hindi” pero matigas ang paraan ng
pagsasabi.

Mga Uri ng komunikasyon di-verbal


1. Ekspresyon ng mukha -Madalas sa mata ang tinitingnan kapag gusting malaman ang
sinseridad.

2. Galaw ng mata - Nagpapahayag ng nagpapalagayang-loob o matalik nap ag-uugnayan


(intimasil).

3. Kinesiks/Galaw ng katawan/ Tindig -Sa pag-aaral ng buong katawan,katulad ng mga galaw o


kilos ng katawan.

4. Personal na kaanyuan -Hugis ng katawan, kulay ng balat, buhok, haba ng kuko, kulay ng
kuko, atbp.

5. Damit -Makikita sa damit ang kanyang hilig, personalidad at maging ang mga ugali.

6. Hawak -Paghawak sa siko,pagkalabit ,tapik, atbp.)

7. Proksemiks -Paggamit ng espasyo/distansya, lugar ng upuan, atbp.

8. Paralanguage /mga Varyasyon sa boses -Ang boses, ang tono nito, ang pagbigkas o punto ay
mapagkukunan din ng mensahe.
9. Amoy at lasa -Ang ating naaamoy at nalalsahan ay naghahatid din ng mensahe.

10. Oras -Lubhang mahalaga ang oras sa komunikasyong di-verbal. Madalas nating naririnig na
ang oras ay ginto.

11. Musika -Kinahihilingan ng isang tao ay malalaman ang uri ng personalidad at maging ang
edad nga nakikinig.

Mga sangkap/ Element at Proseso ng Komunikasyon


1. Tagahatid/enkoder – ang nagpapadala ng mensahe o pinagmulan ng komunikasyon.
2. Mensahe – ang inihahatid.
3. Mga tsanel – ang mga paraang ginagamit sa paghahatid ng mensahe.
4. Tagatanggap/dekoder- ang tumatanggap ng nagbibigay interpretasyon sa mensahe.
5. Ganting mensahe o feedback – ang sagot ng tumanggap ng mensahe.
6. Mga hadlang/ barriers – ang mga posibleng balakid sa patuluyang proseso ng komunikasyon.
7. Sitwasyon o konteksto – ang sitwasyong kasangkot sa nagaganap na komunikasyon.
8. Sistema – ang relasyon o ugnayan ng nag-uusap.

Mga Bahagi ng Komunikasyon (Dell Hymes, 1997)


1. Setting/tagpuan (Saan nag-uusap?)
Sa pakikipag komunikasyon, ang pook o lugar kung saan ginaganap ang usapan ay dapat
isaalang-alang.
2. Participants/kalahok (Sino ang nag-uusap [kumakausap at kinakausap]?)
Dito isnaalng-alangang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon.
3. Ends/layunin/tunguhin (Ano ang layon ng pag-uusap)
Ang interaksyon ay ayon sa layunin nais matamo sa pakikipagkomukasyon.
4. Act Sequences/pagkakaugnay-ugnay ng usapan (Paano ang takbo ng usapan?)
Ito ay tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang naganap.
5. Keys/istilo (Ano ang istilo o speech register? Formal ba o di-formal?)
Ang istilo ay inaangkop sa sitwansyon , layunin o pook o lokasyon at lalo na sa uri ng
mga kalahok.
6. Instrumentalities/paraan (Pasalita ba o pasulat ang pagpapahayag ng kaisipan?)
Sa komponent na ito ay maaring isang-alangang mga sumusunod:
a) Kalagayan o sitwasyon
b) Layunin
c) Kagustuhan nga mga taong nakikipag komunikasyon.
d) Kahandaan o aveylabiliting tumatanggap ng mensahe.
7. Norms/paksa (Ano ang paksa ng pag-uusap?)
Ito ay dumedepende sa mga kalahok na maaring bantaysa kanilang layuni, intrest o hilig.
8. Genres/uri (Ano ang uri ng pagpapahayag? Pagsalaysay, palarawan, palahad, o
pangangatwiran?)
Kung gusto niyag mag kweto ng iisang pangyayari pagsasalaysay ang pagpapahayag.

You might also like